ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jericho Rosales paired with Hollywood's Briana Evigan


Nasa Gateway Mall kami para manood ng Vantage Point, nang mapadaan sa malaking poster ng pelikulang Step Up 2 The Streets at makita ang litrato ni Briana Evigan. Si Briana ang female lead sa Hollywood movie na coming soon sa mga sinehan at darating siya rito sa next month para mag-shooting. Kumita ng U.S.$26 million ang Step Up 2 The Streets when it opened in the States. Habang sinusulat namin ito, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na number two na ito sa box-office sa Los Angeles. Hindi sinabi sa PEP ang exact date ng dating ni Briana, basta sometime in March at ang gagawin niyang pelikula'y may pamagat na I Luv U Virus. Our very own Jericho Rosales ang leading man dito ng Hollywood actress, sa pelikulang ang description sa PEP ay "cute love story." Tinanggap daw ni Briana ang I Luv U Virus noong hindi pa siya masyadong sikat. Pero ngayon, naglalakihang billboard na niya ang makikita sa Hollywood. Tiyak na kilala siya ng Pinoy fans at hihintayin ang kanyang pagdating para makita siya nang personal. Maraming nakasabay na mag-audition si Jericho, mga magagaling at sikat na aktor. Pero siya ang nagustuhan at napili ng Radiant Films, producer ng movie. Ang Fil-Am director na si Francis dela Torre ang direktor ng pelikula at siyang nakakita kay Jericho nang mag-concert ito sa Metrophi sa Metrowalk. Kasama nito noon ang American friend na magiging director of photography ng I Love U Virus. - Philippine Entertainment Portal