ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro hurt in Subic taping


Naaksidente si Glaiza de Castro sa taping ng Kaputol ng Isang Awit sa Subic nitong nakaraang Lunes, Pebrero 25. Ang tungkol dito ang agad naming itinanong kay Glaiza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon kagabi, February 26, sa 17th floor ng GMA Network ng Kaputol Ng Isang Awit. "Ayos naman, nakakakanta na ako kanina," nakangiti pero halatang in pain pa rin na bungad na kuwento sa amin ni Glaiza. HOW IT HAPPENED. Kuwento ni Glaiza, "Yung una...yung buong araw na yun kahapon, parang malapit talaga ako sa aksidente. Ang eksena po, kunwari nasusunog yung gown ko. "May double ako nun. Nung pag-exit nung double, siyempre ako na. ‘Tapos tingin-tingin ako sa tao, parang napahiya. Pag-exit ko, hindi ko nakita yung slippery floor. ‘Tapos yung sapatos ko—kasi hindi sa akin—masikip ‘tapos madulas. So, pag-exit ko, bumagsak ako, flat on the floor! "Yung puwet ko po ang tumama. Yung ulo, naalalayan ko, kaya ‘eto, medyo may galos." Tumama rin daw ang ulo niya, pero hindi malakas ang pagkakahataw sa sahig. "Naalalayan ko siya kaagad, tumama rin pero hindi ganun kalakas yung impact. Yung puwet ko talaga yung narinig ko na tumunog..." patuloy na kuwento ni Glaiza. Isinakay kaagad sa stretcher si Glaiza dahil hindi na ito makabangon at makakilos. "Opo, parang nandun sila kaagad. Hindi ako makatayo, e. Basang-basa pa ako nun, kasi binuhusan ako ng juice sa eksena, dahil kailangan nga mapatay yung apoy kunwari. Nanginginig na rin ako sa sobrang lamig dahil parang 3 a.m. na rin nun. ‘Tapos ang dami na ring technical problems. So, hassle talaga nu'ng mga oras na yun," lahad ng young actress. Sinabihan ang mga kasama ni Glaiza na dalhin agad sa ospital ang young actress, pero mismong si Glaiza ang tumanggi. "Sabi ko, huwag na lang, e. Dahil sabi ko, kaya ko pa naman. Sabi nila, dumiretso raw kami, ‘tapos kailangan daw nila akong ipa-X-ray. Yung sa likod ko nga po, kung ano man ang nangyari. Baka may something." Dumiretso ba siya sa ospital? "Hindi po, nagpahinga na lang ako," sagot niya. May nararamdaman pa ba siyang sakit? "Meron po, pero konting-konti na lang. Kaya ko pa. Dito po sa lower back, konting pain na lang," paglalarawa niya. Ngayong araw na ito, February 27, pupunta si Glaiza sa doktor para magpa-check-up. HIGH RATINGS WOULD HELP EASE THE PAIN. Isa sa mga nag-worry nang husto para kay Glaiza ay ang leading man niya sa Kaputol ng Isang Awit na si Marky Cielo. Pati na rin ang mga co-stars niyang sina Lovi Poe at Jolo Revilla ay hindi maiwasang mag-alala. Very positive namang sinabi ni Glaiza na naniniwala siyang ang kapalit ng sakit na dinanas niya ay mataas na ratings ng kanilang Sine Novela na magsisimula na sa March 3, Lunes, sa Dramarama sa Hapon. Ito ay mula sa direksyon ni Mike Tuviera. - Philippine Entertainment Portal