ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Veteran actor Eddie Garcia misses directing
Mahigit limang dekada na sa showbiz ang veteran actor na si Eddie Garcia. Nagsimula siyang gumawa ng pelikula noong 1949. Ang una niyang pelikula ay ang Siete Infantes de Lara ng Manuel Conde Productions. Ayon kay Eddie, mahigit 300 na raw ang nagawa niyang pelikula. Marami raw siyang paborito sa mga ito, isa na ang Tubog Sa Ginto. "Kaya gusto ko yung movie na âyon dahil doon lang tinackle yung tungkol sa mga homosexuals na seryoso. Kasi maraming gumagawa yung mga bading na slapstick, yun seryoso," paliwanag ng veteran actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment), kagabi, February 27, sa taping ng primetime series ng GMA-7 na Joaquin Bordado. Hindi lang isang aktor si Eddie, isa rin siyang direktor. Marami na siyang naidirek na movie noon na karamihan ay iprinodyus ng Viva Films. Ang pinakahuli niyang idinirek na pelikula ay ang Abakada Ina, na pinagbidahan ni Lorna Tolentino. Aminado si Eddie na nami-miss niya na ang magdirek ulit ng pelikula. "2001 pa yung Abakada Ina," sambit niya. "Kaya talagang nami-miss ko na rin ang makapagdirek ulit. Kaya lang, wala pang offer so pag-aartista muna ang pinagkakaabalahan ko." Ano ba ang sikreto ng isang Eddie Garcia at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng proyekto at paborito pa rin siyang kunin sa pelikula at telebisyon? "Well, ako naman, kung ano man ang ibigay sa akin, pinagbubuti ko lang dahil yun ang rekomendasyon para sa susunod na project," sagot niya. May na-encounter na ba siya na mga pasaway o may attitude na mga artistang nakatrabaho na niya? "Well, mga professional naman ang mga nakaktrabaho ko," sabi ni Eddie. "Ibig sabihin, e, pinagbubuti naman nila yung trabaho nila. Saka yung punctuality, punctual naman sila kaya walang problema. Saka ako naman, wala akong pakialam sa mga attitude nila, e. Wala akong pakialam sa buhay nila kung anuman ang attitude nila sa trabaho." Hanggang kailan ba niya gustong manatili sa showbiz? Nagpaplano rin ba siya na tumigil sa pag-aartista? "Hindi ko pinaplano yun," nakangiti niyang sagot. "Hangga't nabibigyan ka pa ng assignment, e, di sige lang nang sige." Sa kabila ng pagiging mahigit sitenta-anyos na si Eddie ay healthy at malakas pa rin siya. Ano ba ang sikreto niya? "Hindi na kasi ako naninigarilyo. Tinigilan ko na âyan nung 1971 pa. âPag umiinom naman ako, social drinking lang," banggit niya. - Philippine Entertainment Portal Tags: eddiegarcia
More Videos
Most Popular