ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Snooky Serna: 'I have always been fascinated by tattooed people'
Napag-tripan ni Snooky Serna ang magpa-tattoo sa bandang kanan ng likuran niya. Isang Japanese samurai ang nakadibuho roon. Ipinahayag ni Snooky sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na yun ay expression ng kanyang courage. Mukhang matapang na nga si Kukay (palayaw ni Snooky), at ang sabi niya, "Nakilala ako ng mga tao as the demure former child actress, kaya never kong naipakita ang side ko na behind this pa-tweetums, may rockstar attitude ako. "Gusto kong gaya-gayahin noon sina Pat Benatar at Deborah Harry [of Blondie], noong early '80s, pero hindi ko magawa dahil iba ang image ko. Na-stereotype ang image ko, at naging one-dimensional. "Noon ko pa gustong magpa-tattoo, pero ilang beses din akong pinigilan, lalo na ng former boyfriends ko," natatawang sambit pa ni Snooky. Ngayon ay loveless si Kukay at nagagawa nga niya ang gusto niya. Higit sa lahat, nakakapagde-decide na siya sa sarili niya, nakasubsob sa trabaho, at nagpapakita ng kaseryosohan this time habang tuluy-tuloy ang taping ng Kaputol ng Isang Awit. "Forty-two years old na ako sa darating na April 4," paalala pa ni Kukay. "It's about time to express myself in the way that I really like. Ngayon ko lang talaga nagagawa ito, at hindi ko na rin iniisip ang sasabihin ng iba. "Wala akong nakikitang masama sa pagpapalagay ng tattoo. That's no big deal for me. It's a form of art," diin ng aktres. TATTOOED DAUGHTERS. Sinubukan lang ni Kukay kung safe nga ba ang magpa-tattoo, at hihikayatin niya ang dalawang anak na sina Samantha at Sachi na magpalagay na rin nito. "Basta ba safe, kaya inoobserbahan ko pa. Pero 'yun ay kung papayag ang ama nila [Ricardo Cepeda]. May karapatan pa rin naman si Richard sa ganoong bagay, pero wish ko lang, pumayag din siya. "Pinoprotektahan ko rin ang mga anak ko. Kung hindi safe ang procedure, hindi ko sila papayagan. Okey lang naman, e. Yun ay kung gusto nila, at okey nga sa daddy nila," paglilinaw ni Snooky. Walk-in lang si Snooky sa Eve's Salon sa Glorietta at saka roon nag-decide na magpalagay ng tattoo. Mukhang nakaka-addict nga raw ang magpa-tattoo, dahil may balak uli si Snooky na magpalagay sa bandang ibaba ng kanyang likuran. "Maganda ang feeling," sabi pa ng aktres. "It may be strange for others, but I have always been fascinated by tattooed people. In fact, attracted ako sa kanila." THANKFUL TO GMA. Masaya si Kukay dahil bukod sa Kaputol ng Isang Awit, she was promised by GMA executives na isasama siya sa isa pang teleserye na pang-primetime naman. Aba, mukhang na-impress na nang husto ang GMA-7 sa magandang attitude at pagbabago ng isang Snooky Serna! "At saka sanay na ako sa paghihintay. Noon kasi, wala akong tiyaga sa ganyan. Patience wasn't my virtue. Pero, may nabasa akong quote from Peter O'Toole. Sabi niya, 'I'm getting paid for my time, but my acting is for free.' "Oo nga naman. Gusto kong maniwalang ganoon nga. At saka na-realize ko na, I'm really proud to be a Kapuso. You know what, kasi, kung sa ibang network siguro nangyari yung naging unprofessional ako at nabigyan ko sila ng sakit ng ulo, they would treat me like a plague. "Sa GMA-7, binigyan pa rin nila ako ng chance. Sinubukan pa rin nila ang pupuwede kong ma-prove sa kanila, at heto, tuluy-tuloy nga at ayaw na nila akong bitiwan. I'm really so thankful to them," wika ng matibay na Snooky Serna. - Philippine Entertainment Portal Tags: SnookySerna, Snooky
More Videos
Most Popular