ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sharon Cuneta dismisses talks of breakup with Kiko


Sa naganap na birthday party ni Rudy Fernandez sa Wack-Wack Country Club kagabi, March 3, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar na si Sharon Cuneta. Tinanong namin siya tungkol sa balitang kumakalat na hiwalay na raw sila ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan. As usual, pinagtawanan na lang ni Shawie ang balitang ito. Taun-taon na lang daw kasi ay parating nababalitang hiwalay na sila ni Kiko. Pero taun-taon din ay laging pinasisinungalingan ng Megastar ang ganitong mga balita. "Sa 12 years na magkasama kami, siguro naman enough reason na 'yon para makita nila na maayos ang pagsasama naming mag-asawa," nakangiting saad ni Shawie. "It's so funny, because every year na lang, may ibang balita on Kiko and me na nakakapagtaka. Una niyan, nagkaroon siya ng ibang babae, next may ibang family na raw siya. Kelan lang natsismis naman siya sa lalake, kay David Celdran na best friend niya. Nakakabaliw, di ba? "Ngayon, may iba na naman silang sinasabi about our family. Naku, nakakasawa na! Ibahin naman na nila ang mga tsismis sa amin ni Kiko. Kasi the more na ginaganyan nila kami, the more na mas nagiging malapit kami. "It's true, kasi as compared sa past years namin na magkasama ni Kiko, mas closer kami ngayon. After two kids nga [Frankie and Miel] and KC [Concepcion] always by our side, mas malapit kaming pamilya ngayon. Is that what they call na hiwalay? Hindi, di ba?" MOTHER AND DAUGHTER THING. Naitanong din namin kay Sharon ang diumano'y tampo ni KC sa kanya. Binigyan daw siya ni KC ng Valentine's Day card dahil nagkaroon daw sila ng gap. "Ay, hindi naman," paglilinaw ni Sharon. "That was just the usual mother-daughter thing. Hindi naman masasabing tampuhan. It was sort of a lambing lang, kasi nga halos hindi na kami nagkikita ng anak ko dahil sa sobrang busy niya. "She handed me a Valentine's Day card at niyakap niya ako. Malambing kasi ‘yang si KC, and I guess, na-miss namin ang isa't isa. Kaya noong Valentine's Day, kami ni KC ang nag-date. Nag-bonding ulit kaming mag-ina after such a long time. Pareho kasi kaming naging busy talaga kaya we weren't able to get in touch unlike noon," lahad ng Megastar. - Philippine Entertainment Portal