Kylie Padilla does stunt in Joaquin Bordado sans double
Tulad ng kanyang ama na si Robin Padilla, hindi rin matatawaran ang tapang ni Kylie Padilla sa paggawa ng mga makapigil-hiningang action scenes at stunts. Matapang na tinawid ni Kylie ang Marikina River noong Lunes ng hapon, March 31, nang naka-harness lamang sa isang eksena sa Joaquin Bordado, ang primetime action-fantasy series na pinagbibidahan ng kanyang ama. Mahigit fifteen feet mula sa lupa, walang takot at walang kanerbiyos-nerbiyos na tinawid ni Kylie ang kahabaan ng ilog ng Marikina hanggang umabot sa kabilang pampang nito na may layong isandaang metro. Supposedly ay one-foot high lamang mula sa tubig si Kylie, pero iniangat ang 15-year-old daughter ni Robin hanggang mahigit fifteen feet. Tulad din ng kanyang ama na ayaw na ayaw gumamit ng stunt double sa mga death-defying stunts, hindi nagpa-double si Kylie kahit na walang net na sasalo sa kanya sa ilalim. And to top it all, kahit walang rehearsal ay isang take lamang ang naturang eksena ni Kylie na gumaganap na Erenea sa Joaquin Bordado. Mapapanood ang naturang eksena sa April 3. - Philippine Entertainment Portal