Andrew Schimmer, Maui Taylor act wild in Torotot
Hubo't hubad nga raw ang sex scene nina Maui Taylor at Andrew Schimmer sa pelikulang Torotot ng Viva Films. Buong ningning ngang pinagmamalaki ni Maui na mas nag-enjoy siya sa eksena niya with Andrew kaysa sa mga maiinit na eksena niya with Baron Geisler. Nang malaman ito ni Andrew, nangiti lang ito at sinabi niya na nag-enjoy rin siya sa eksena niya with Maui. Hindi na raw kasi sila nahiya sa isa't isa dahil matagal na raw silang magkakilala ni Maui. "Noon pa kasi kami magkakilala ni Maui," ngiti ni Andrew. "Pareho lang kaming nagsisimula pa lang noon at pareho kasi ang mga kaibigan namin. First time kaming nagkasama sa isang movie, âtapos sex scene pa. "Pero wala kaming inaksaya na oras ni Maui. Ayaw naming pagalitan kami ni Direk Maryo [delos Reyes]. Kaya kahit masikip ang kuwarto na pinagkunan ng eksena namin, performance level kaming dalawa." Inamin ni Andrew na first time niyang sumabak sa gano'ng klaseng eksena. Sa launching film kasi ni Cristine Reyes ay âdi raw gano'n katindi ang mga eksena niyang nakikipag-sex siya. Dito raw sa Torotot ay mainit na mainit ang eksena nila ni Maui. "Pareho kasi kaming wild dito. We're both veterinarians kaya mala-hayop ang mga kilos namin. Pero sa role lang namin iyon. Kailangan naming iarte na elyang-elya kami ni Maui sa isa't isa at hindi namin mapigilan kaya kahit sa masikip na kuwarto ay ginawa namin." Big turn-on pa rin ba si Maui sa paningin niya? "Oo naman! Si Maui kasi parang inosenteng tingnan pero she's like a wild girl!" malakas na tawa ni Andrew. "Pero ang maganda kay Maui ay napaka-professional niya. Yung ginawa namin ay trabaho lang talaga. Kung ano ang sabihing gawin namin, yung lang âyon. "Kahit na nagkakakiskisan na kami ng katawan namin, it's still work. Pero kahit naman sinong lalake ay mate-turn on kay Maui. Kaya hindi ko masisisi si Baron kung may kakaibang naramdaman siya. Kahit sinong tunay na lalake ay mate-turn on kay Maui, âdi ba?" pagtatapos ni Andrew Schimmer. - Philippine Entertainment Portal