ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ben Chan clarifies disappearance of Dingdong's Bench billboards


Kailan lang nang magkaroon ng bonggang launching ang Bench para sa bagong celebrity endorser nila na si Dingdong Dantes. On April 15, sa skating rink ng SM Mall of Asia (MOA) ay isa na namang bonggang launch ang naganap, kung saan ipinakilala naman si Sarah Geronimo bilang pinakabagong HerBench celebrity endorser. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan right after ng presentation sa mismong skating rink ng MOA. Ayon kay Mr. Chan, masayang-masaya sila na finally ay nakuha na rin nila ang serbisyo ni Sarah bilang pinakabago nilang endorser. Aniya, "Sarah is very good singer, very good actress, very good host pa. Mahusay! Gifted talaga. I think we're very lucky that Sarah finally signed up with us." Hindi naman itinanggi ni Mr. Chan na ang pagkakaroon ni Sarah ng maraming following ay isang malaking bentahe ng young singer-actress bilang bago nilang endorser. "Big factor talaga yun. Ano siya, e, all classes from A to D class, hawak niya. Kita n'yo naman, pati yung may-ari ng SM, e, nandito kanina," masayang lahad ng Bench owner. CONTROVERSIAL BILLBOARD. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang kunin ang pahayag ni Mr. Chan tungkol sa nagiging controversial na billboard ni Dingdong. Last month lang naganap ang unveiling ng billboards ni Dingdong, pero balitang unti-unti nang tinatanggal ang mga ito, lalo na yung nasa Quirino Avenue. "Hindi naman," paglilinaw ni Mr. Chan. "Di ba, madalas kaming nagpapalit? Like ngayon, turn naman ni Sarah. So yung iba niyan, pinalitan na ni Sarah. After a while, school opening naman ang aming campaign. So, ibang campaign na naman. "Yung sa Quirino, tinanggal yun kasi pinalitan namin ng iba. Katulad ni Sarah, ni-launch namin siya, kung saan-saan available ang billboards niya. Some will stay for a month, some will stay for two weeks. Depende, kasi we need it already," paliwanag niya. Lumabas ang intrigang may mga moralista raw kasi na nalalaswaan sa mga billboard ni Dingdong, kung saan naka-Bench underwear lang ang young actor. Ito raw ang dahilan kung bakit madaling nawala ang ilang billboards ni Dingdong dahil inireklamo talaga at ipinatanggal ng mga sinasabing moralista. Ano ang masasabi ni Mr. Chan dito? "Hindi naman, kasi bakit meron pa rin namang ibang billboards niya na nandiyan pa rin? Bakit hindi naman tinanggal? At saka, approved by the AdBoard yun, e. Lahat naman may approval bago namin gamitin, di ba? Either in print or billboard, aprubado ‘yan ng AdBoard. Bago namin ilabas, kailangan may pirma," pahayag ni Mr. Chan. Hiningan na rin ng PEP ng reaksiyon si Mr. Chan sa isyung naging source daw ng insecurity or inggit ng ibang Bench endorsers ang naganap na launching ni Dingdong. "Ah, hindi!" tanggi ni Mr. Chan. "Katulad nga ng sabi ko, depende sa kung sino ang nilu-launch or kung ano ang nilu-launch namin. Like here [Sarah's launch], wala naman tayong cruise, ‘ika nga, na Pasig River [like in Dingdong's case]. "Katulad nga ng sinabi ko last time, depende kasi sa kung ano ang uso. Kung ano ang panahon, so sinusunod lang namin. Ganoon lang yun. Ang nakakatawa nga, sinasabi nila, bakit naman daw si Piolo [Pascual]? Si Piolo, ni-launch namin siya noon sa ASAP. Iba namang gimmick, di ba? Sa huli, tiniyak ni Mr. Chan na tuloy na tuloy ang yearly event na inaabangan sa Bench—ang pagsasama ng mga Bench celebrity endorsers sa Bench Underwear fashion show sa July. When asked kung si Dingdong ba ang magiging highlight ng show since ang young actor ang latest underwear endorser, ngiti na lang ang itinugon ng may-ari ng Bench. - Philippine Entertainment Portal