Katrina Halili models her swimwear collections
Masaya ang sexy-actress na si Katrina Halili dahil isa na namang pangarap niya ang natupad - ang magkaroon ng sariling brand ng seksing mga kasuotan. At sino sa tingin nyo ang bagay na magmodelo ng mga kasuotan na ito? Walang iba kundi si Katrina mismo. Sumama ang reporter na si Nelson Canlas at ang Chika Minute team ng GMA News 24 Oras upang saksihan ang exclusive photo shoot ni Katrina sa kanyang lingerie at swim wear collections. ââDi ba dapat March pa? Dapat kukuha na lang kami ng model para magsuot ng lingerie ko para sa shoot eh⦠parang naisip ko mas maganda kung ako na lang mismo yung magmo-model," ayon kay Katrina. Mula nang magpaseksi at maging kabi-kabila ang kanyang mga pictorial sa mga magazine, sinabi ni Katrina na naging pangarap nya na magdesenyo ng ganitong mga kasuotan. âSa TV lagi akong naka-swimsuit, naka-lingerie. Sabi ko bakit hindi ako gumawa ng line ko," ayon sa aktres. Tungkol sa mga balitang iiwan nya na ang Kapuso station, sinabi ni Katrina na nabalitaan nya rin ito pero hindi nya na lang pinansin ang mga tsismis. Ang importante raw ay tuloy ang kanyang trabaho sa GMA 7. âOo naman Kapuso ito. Saka never naman akong pinabayaan (ng TV network)," deklara ni Katrina na susunod na mapapanood sa TV adaptation ng âMagdusa Ka." - Fidel Jimenez, GMANews.TV