Hero Angeles retains brother as ‘personal manager’
Now officially co-managed by German Moreno and GMA Artist Center, Hero Angeles retains his brother Henry Angeles as his "personal manager." After more than a year, muling humarap si Hero sa press sa grand launch ng pinakabagong soap ng GMA-7, ang Dyesebel noong April 21 sa Hotel Sofitel sa Roxas Blvd., Pasay City. The young actor plays Mark, ang mangingisdang galit sa pamilya nina Fredo played by Dingdong Dantes. This is Hero's first regular show for GMA-7 after moving out from his original home network na ABS-CBN. Hero was the first Star Circle Quest grand winner, kasabayan nina Sandara Park, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Raphael Martinez, at Michelle Madrigal na ironically ay kasama niya rin sa nasabing soap. "Eto, nagsisimula ulit. First break ko ito sa GMA," sabi ni Hero when seated to our table sa Sofitel poolside kung saan ginawa ang presscon. When asked kung ano ang expectation niya, Hero explained na "sana mas maganda pa o lampasan ang Marimar. Napanood ko kasi ang Marimar at talagang napakaganda ng ginawa ng GMA rito. Same production people ang may hawak ng Marimar at Dyesebel. Sana rin, may maiambag ako kahit paano." For this show, Hero stopped schooling muna. He is currently on his third year sa University of the Philippines taking up Visual Communication. "Dumating kasi itong offer na ito, sayang naman dahil break sa akin ito. Madali namang makabalik sa schooling kapag maayos na ang schedule ko," sabi ni Hero. Inamin din ni Hero na nanibago siya kung kaya't nagpasalamat siya at nagkaroon muna ng workshop ang buong cast bago sila sumabak sa taping. "Natatakot ako baka hindi ako makahabol sa kanila [his co-stars]. Mabuti naman okay ang naging workshop namin. Ang dami kong natutunan." "PERSONAL MANAGER." While Hero is now more open to everything, it seems there are still topic regarding him that will make him return to his reservedâor evasiveâways. Binuksan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang issue about his brother Henry Angeles, na sabi namin ay naging isa sa factors ng hindi niya pagkakaunawaan dati sa ABS-CBN. Kinorek muna kami ni Hero saying Henry is still his "personal manager." "Kasali pa rin siya sa decision sa career ko," paglilinaw ni Hero. "Bale si Kuya 'tapos si Kuya Germs [German Moreno], and then ang GMA Artist Center. Kung tutuusin, si Kuya pa rin ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa GMA." Another member of the entertainment press asked for further verification what is his brother's role as his "personal manager." "Sa TV lang sina Kuya Germs at ang GMArtist Center Ang kuya ko, puwede pa ring tumanggap ng trabaho para sa akin like commercials," pahayag ni Hero. We tried to go back to the subject in hand dahil naguguluhan kami sa "personal manager," so we reminded Hero about his brother's ways noon. But again, kinorek na naman niya kami. "Alam n'yo, yung mga naisusulat noon tungkol sa kuya ko, lahat perception lang ng mga gossip writers. Ito tuloy ang pinaniniwalaan ng mga nakakabasa. Sa part ko, wala namang naging problema ang pag-handle ng kuya ko sa career ko," giit niya. If something happens, kaninong decision ang mangingibabaw: ang personal manager niya o ang business managers niya na sina Kuya Germs at ang Artist Center? Once again Hero cut our questioning. "Bakit negative pa rin?" sabi niya. "Let's be positive. Huwag na munang isipin yun. Huwag na lang tutukan ang mga negative, huwag na lang pansinin." - Philippine Entertainment Portal