Bianca King plays villain role in GMA's ‘Dyesebel’
Si Bianca King ang maituturing na pinaka-longest relationship ng young actor na si Patrick Garcia. Noong sila pa ni Patrick, nagsimula rin ang acting career ni Bianca sa showbiz. During their time together, very vocal and open si Bianca sa relationship nila ni Patrick. Pero kapansin-pansin na ngayong ang lead singer ng Hale na si Champ Lui Pio ang nali-link sa kanyaâbagama't may nagsasabi ring sila na talagaâtahimik ang young actress tuwing tinatanong siya tungkol sa kanila ni Champ. Sa presscon ng Dyesebel last April 21 ay muli naming tinanong si Bianca sa totoong estado ng relasyon nila ni Champ. "Basta kailangan po kasi sa ngayon, ang focus ko is on my work and school. Kailangan lang na yung priority ang focus habang bata. At saka, never pa naman po kaming nagsabi na yun na yun. So I think, yun muna ang dapat na announcement," pahayag ni Bianca sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Nang tanungin naman namin siya kung masaya siya sa kanyang lovelife, natawa ang dalaga, sabay sabing: "Talagang you're putting words in my mouth!" Dagdag ni Bianca, "Basta po, I'm happy with everything in my life. Basta po, mas gusto ko pa pong pag-usapan ang school at Dyesebel." Incoming third year na raw si Bianca sa kursong Filmmaking sa La Salle College of St. Benilde and she's applying for scholarship. "Sana kapag nabasa ito ng Dean, matuwa siya," pahabol ng young actress. BAD BETTY. Bianca is playing another contravida role in Dyesebel; si Betty na patay na patay kay Fredo (Dingdong Dantes). Matatandaang gumanap din siyang kontrabida sa Marimar, na pinagbidahan din nina Dingdong at Marian, bilang si Natalia "I think this [Dyesebel] is my biggest kontrabida role to date," sabi ni Bianca. "Parang directly involved ako kay Dingdong. Parang sa amin, ibang anggulo. We have our own story." Ayon kay Bianca, isang Dyesebel movie pa lang daw ang napapanod niya, yung version ni Vilma Santos noong 1973. Sinuwerte raw siyang matiyempuhan niya ito nang ipalabas sa Pinoy Box Office (PBO) sa cable. Kuwento niya, "Yung kay Ms. Vilma lang ang napanood ko, as in supertagal na yata no'ng movie na âyun, pero pinanood ko pa rin. Hindi naman para gayahin ko yung role ng Betty ro'n, kasi malayung-malayo talaga. "At saka, yung napanood ko, sobrang exaggerated talaga ang pagka-kontrabida. Kasi noong araw, siyempre ganoon, sampal-sampal. E, hindi naman puwedeng ganoon ngayon. "On my part, ibang atake naman ang gagawin ko as Betty. Siguro, similar ng konti sa character ko sa My Only Love. Mabait ang core niya as tao pero dahil lang sa pag-ibig, nagiging kontrabida." Sunod-sunod na kontrabida roles na rin ang ginagawa niya sa Kapuso Network. Enjoy naman daw siya sa pagiging kontrabida, pero inamin niyang hangga't maaari ay ayaw niyang ma-typecast sa mga ganitong klaseng role. "I'm in this business as an actress talaga," sambit niya. "Siyempre, as an artist, gusto mo rin ma-experience yung iba't ibang klase ng role. Pero dahil nga nag-aaral ako, ayoko munang masyadong maging choosy. Kung meron akong kita ng konti, basta maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Kapag natapos ako, saka ako magiging more aggressive or kahit paano, maging choosy na rin. "Although, yun din ang na-discover ko, even from senior actresses, na kapag bida, wala ka nang mapupuntahang iba. Unlike kapag character actor ka, not necessarily kontrabida, through generations ng career mo, sobrang dami mong magagawa. At hindi mo kailangang maghintay ng role na bida, kahit saan puwede kang ilagay. And especially that times are so hard," paliwanag ni Bianca. Isang only-child si Bianca. Malapit na rin siyang mag-solo dahil magma-migrate na ang parents niya sa Canada anytime this year. Mas gusto at mas happy raw ang young actress sa Pilipinas kaya wala siyang planong sumama sa mga magulang sa Canada. Malamang lang daw na iwan na muna niya ang bahay nila sa Alabang at titira muna siya sa isang condominium unit. - Philippine Entertainment Portal