Marian Rivera's dance album goes platinum
Nag-platinum ang dance album ni Marian Rivera mula sa Universal Records, ayon sa Philippine Entertainment Portal. Napanood na ng PEP ang TV commercial ni Marian Rivera ng latest product endorsement niyang Nesvita Drink, pero sabi ng manager niyang si Popoy Caritativo, this Sunday sa S.O.P. ang formal launching ng TV commercial. Last week ng March pa kinunan ang TVC, pero isinabay ang pagpapalabas nito sa airing ng Dyesebel na magsisimula na sa Monday, after Joaquin Bordado. Kasabay nito, ang awarding kay Marian, dahil after three months, nag-platinum ang kanyang dance album mula sa Universal Records, ang Marian Rivera Dance Hits. Ang platinum mark ay equivalent ng 30,000 copies sold. Sobrang nagulat siya nang bigyan ng gold record award for the same album, kaya siguradong triple ang gulat nito âpag nalamang nag-platinum na ang nasabing album. Hindi pa masabi ni Popoy kung magkakaroon ng volume 2 ang album at ang Universal Records ang magdedesiyon, pero kung may panibagong offer kay Marian, tatanggapin nito't, hilig nito ang sumayaw. Samantala, tuwing nakakausap ng PEP si Popoy, update ng product endorsement nito ang hinihingi. Nalaman ng PEP na may apat pang commercials na tinanggap si Marian at isa rito'y magiging controversial. Kung bakit? Saka na sasabihin ng PEP. - Philippine Entertainment Portal