Heart Evangelista talks about breakup with Jericho
Kahapon, May 4, sa musical variety show na SOP ay opisyal nang winelcome ang young actress na si Heart Evangelista bilang pinakabagong Kapuso. Kahapon din nagsimula ang pagiging regular co-host ng young actress sa SOP. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Heart sa Studio 3 ng GMA Network, sinabi niya na masaya at thankful siya sa naging pagtanggap sa kanya sa SOP. "I'm very happy, sobrang happy!" bulalas ng young actress. "It's my very first in SOP. Okey naman yung launch sa akin, it was really good." Nang makita nga ng PEP si Heart, kapansin-pansin na bukod sa kanyang mommy at ilang entourage, ang madalas na kausap ni Heart ay si Raymond Gutierrez, na anak ng kanyang manager na si Annabelle Rama. Hindi naman ito nakakapagtaka lalo pa nga't first time pa lang niyang makatuntong sa SOP. Hindi naman itinanggi ni Heart na although she gets along well with the other SOP hosts, hindi raw maaalis na medyo naninibago at nangangapa pa rin siya. "Naninibago siyempre, pero okey naman sila. They are very nice. At saka yung iba naman, dati ko pa namang kakilala like si Raymond, si Jay-R, kakilala ko rin. Pero siyempre, since it's my first, medyo nakakapanibago. Pero yun nga, they're all nice naman," lahad ni Heart. RICHARD-HEART VS. RICHARD-KC. More than that, mas nangingibabaw raw sa young actress ang feeling of excitement sa mga projects na naka-lineup niyang gagawin sa GMA-7. Una na nga rito ay ang Asero na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez. Aaalis silang dalawa at ang staff and crew ng Asero sa May 7 papuntang Dubai para mag-taping doon for 10 days. Ilang araw lang pagkatapos i-announce ang pagtatambal nila nina Heart at Richard sa Asero, lumabas naman ang announcement sa pagtatambal din sa kauna-unahang pagkakataon nina Richard with KC Concepcion sa pelikula. May mga nag-aalala na baka ma-preempt or ma-outshine ng team-up nina KC at Richard ang nagsisimula pa lang lutuin na team-up naman ng young actor kay Heart. Ano ang reaksiyon ni Heart dito? "Well, you know, if they will make a movie together, I think that's just fine," saad niya. "And I think, they've known each other a little bit longer. So you know, I have nothing against anything. "Hindi naman ako... I mean, you know, wala namang nangyayari sa amin ni Richard. We don't really work together and we will just get to know each other. And you know, if there's something between them, I'm against third party," nakangiting pahayag ni Heart. BREAKUP WITH JERICHO. Sa isyung breakup nila ng young actor na si Jericho Rosales, kaswal nitong sinabing she's okay. Hindi rin daw totoong matagal na silang break at ngayon lang talaga umamin. Recently lang daw talaga nangyari ang breakup. Binigyang-diin din ni Heart na walang katotohanan ang naglalabasang balita na kaya sila nag-break ni Echo ay dahil sa pagbabalik-loob ng young actress sa kanyang mga magulang, na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tanggap ang relasyon niya sa young actor. "No! Never! I want that clear. I already made him paglaban till the very end. Well, my parents and I, we're okay. They know na wala na silang magagawa and hindi sila mananalo sa battle na yun. So no, it wasn't about that," mariin niyang pahayag. Nang tanungin naman namin kung may third party involved sa breakup nila ni Jericho, "no comment" ang naging tugon ni Heart rito. Pero halata sa pagbitaw niya ng salita at facial expression niya na posibleng may nakatago sa likod ng "no comment" niyang sagot. Halos hindi rin makaapuhap ng tamang salita si Heart when PEP asked her kung pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban nila ni Echo sa kanilang pagmamahalan ay tama lang na ang paghihiwalay nila ang solusyon. "I'm just you know...at...well, I have no comment talaga... Really, at this moment, I'm not ready to say anything," paputol-putol na sagot ni Heart. Is she still in the process of healing or is she already moving on? "Of course, now, you go through hurt," sagot ni Heart. "But you know, I have a fresh start here and I'm very busy with work. So I'm sure, everything will be okay." Although para ngang nagsisimulang muli si Heart na maging visible sa showbiz, hindi raw siya agree na dapat na maging kapalit ng pagkawala ng lovelife ay ang trabaho. Talagang nagkataon lang daw sa part niya. "Hindi naman ganoon yun. Hindi naman dapat. Just because your career is good and then your lovelife is bad. You know, I always believe that being good in your career and being in love with each other ay pupuwede nyong pagsabayin," paliwanag niya. Ano naman ang mga natutunan niyang leksiyon sa tatlong taong relationship niya kay Jericho na tila naging you-and-me-against-the-world pa ang drama nila? "That change is the only constant thing in the world. So you just have to live life a day at a time," sambit niya. May chance pa ba na magkabalikan sina ni Jericho in the future, lalo na kapag dumating ang young actor from Malaysia? "I don't know...I don't know... I really have no comment to that. Really, no comment," sagot niya. - Philippine Entertainment Portal