ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe gives suitor Jolo Revilla 70 percent chance


Blooming ang beauty at seksing-seksi ngayon ang young star na si Lovi Poe, subalit itinanggi ng dalaga na si Jolo Revilla ang dahilan nito. "Hindi po dahil kay Jolo," nakangiting panimula ng aktres. "Kasi kumbaga, natututo na akong mag-ayos ngayon. Noon kasi, neneng-nene pa ako at hindi ko pa talaga alam iyon. "When I entered show business I was so chubby, I was like, ‘Oh, my God! Naaalala ko pa nang nag-attend ako sa isang showbiz party, pagpasok ko, lahat sila, ang papayat! Kaya nandoon yung pressure. "Pero right now, okey na ako, at hindi na ako yung super-diet na tulad ng dati. Noon kasing Zaido days, sobrang payat ko naman na lahat ay ayaw ng ganoon. So, nag-gain ako nang kaunting weight ngayon at yung ganito ang okay na sa akin," esplika pa ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). STILL NO BOYFRIEND. Sa gulang na 19, aminado si Lovi na hindi pa niya nararanasang magkaroon ng boyfriend kahit minsan, pero hindi raw dahil sa takot siyang masaktan at umiyak kaya hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon. "Sa palagay ko, kasi kung darating naman iyon, mapi-feel mo naman kung ready ka nang magka-boyfriend, e. Kasi, I don't believe sa ganoon, I mean, in every relationship, laging may iyakan iyan, e. Hindi puwedeng wala. Sabi nga, walang perfect na relationship. "Alam mo na maraming pagkakamaling maaaring mangyari, but it doesn't necessarily mean na may iba siya or may iba ako. Yung may third party. So, hindi naman sa natatakot ako, pero darating na lang iyan, e. "And although there's no perfect relationship talaga, but of course, lahat naman siguro ng babae gusto ay happy sa love life, happy sa isang relationship at walang iyakan. And so far naman, happy kami ni Jolo na ganito lang at nakakatuwa nga dahil ngayon ay kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Wala na kaming hiyaan as in para na kaming magkabarkada," mahabang paliwanag pa niya. Pero may epekto ba sa panliligaw kay Lovi ang chick boy image ni Jolo? "Kasi, hindi ako naniniwala na walang lalaking chick boy, e. Lahat iyan, ganyan. Pero nasa tao na iyan, nasa konsiyensiya na iyan ng tao, at least, hindi ako yung nanlalalaki, ha-ha-ha-ha! Gano'n. "Kami naman ni Jolo, mayroon na rin kaming na-build na relationships as friends. So, hindi naman siguro basta masisira lang iyon ng kung ano." THE STATUS, SO FAR. Inusisa rin ng PEP ang latest sa panliligaw ni Jolo sa kanya. "Magkaibigan pa rin kami, we enjoy each other's company. So far yun pa lang iyon. Masaya naman kami, wala pang mas malalim doon. Sa akin kasi, pini-prioritize ko yung pag-aaral ko at trabaho e." Pero ano ba ang percentage ng tsansa na sasagutin na niya si Jolo? "Siguro 70 percent, ha-ha-ha! Pero, hindi. Kasi, I mean, hindi ko siya mare-rate, e. I can't tell. Kasi, Jolo is different, consistent siya and so far, I like what I see." Sinabi rin ni Lovi na hindi pa sila nagde-date ni Jolo na walang kasama. "No, lagi po kaming may kasama ni Jolo kapag lumalabas." Gayunpaman, inamin naman ni Lovi na hindi mahirap mahalin ang tulad ni Jolo lalo't mas nakikilala na niya ito nang husto dahil madalas silang magkasama ngayon. "Well, yes totoong doon nagsisimula iyan at nade-develop yung feelings ninyo sa isa't isa kapag lagi kayong magkasama. And I have to admit na, I really think Jolo is a sweet guy at talagang naa-appreciate ko ang mga ginagawa niya para sa akin. "So, doon pa lang, masasabi ko na hindi naman siya mahirap mahalin," pagtatapos na ng isa sa bituin ng drama series na Kaputol ng Isang Awit. - Philippine Entertainment Portal