Kristine Hermosa: No comment about rift with 'Prinsesa ng Banyera' director
Usap-usapan na dapat daw ay sa July pa mawawala sa ere ang Prinsesa ng Banyera pero dahil daw sa tensyong namamagitan kina Kristine Hermosa at Direk Andoy Ranay ay napaaga raw ang pagkawala nito sa ere. In two weeks time ay âdi na mapapanood pa ang Prinsesa ng Banyera sa kabila ng mainit na pagsuporta sa programa ng publiko. Lumabas din sa mga usap-usapan na naging problema umano ang magandang aktres sa set ng Banyera. Lagi raw itong late umano sa set, at laging nabibigay raw ng sakit ng ulo kay Direk Andoy. Sinuwerte namang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday si Kristine sa ASAP '08 at binigyang-linaw ng aktres ang mga negatibong intriga na walang-tigil at patuloy na ibinabato sa kanya ngayon. "Regarding diyan sa sinasabi nilang away daw namin ni Direk Andoy, parang ayoko yatang mag-comment. Parang ang dapat yatang tanungin ay si Direk Andoy at âdi ako. "Diyan sa sinasabi nilang nagbigay daw ako ng sakit ng ulo sa set, di sana hindi namin natapos ang Banyera? "For me kasi as long as ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko, malinis ang konsiyensiya ko and masaya ako sa mga kasama ko, walang problema sa akin kahit na ano pa ang sabihin nila sa akin. Wala namang nakakaalam ng totoo kundi si God, at saka yung mga totoong tao sa akin. Yung mga totoong tao sa paligid ko na walang iniisip kundi yung kabutihan ko. Yung mga totoong nagmamahal sa akin." SAD ABOUT THE ISSUE. Ayon kay Kristine, masaya siya hindi lang sa magandang ratings ng Banyera kundi pati na rin sa bonding na nabuo sa buong cast. Ikinalulungkot niya nga raw ang biglang paglabas ng issue sa kanila ni Direk Andoy. "Mahal ko yung buong cast. Kung âdi dahil sa kanilang lahat, âdi ako gaganahang magtrabaho. Almost every day kaming magkakasama. "Nung unang nagsisimula kami sa Banyera, akala ko trabaho lang talaga ito. Pero nung tumatagal na kaming magkakasama, naramdaman ko na parang kapatid ko na ang mga ito. Sina Ara and TJ [Trinidad], todo ang suporta nila sa akin. Alam mo yung naggo-grow yung relationship namin, yung friendship ng bawat isa? "Nakakalungkot talaga nung biglang lumabas yung mga negative issues. Pero hindi ko pinagsisihan. âDi natin alam kung ano ang purpose. Lahat naman ng bagay may purpose. Basta, ayoko na lang na sa akin manggaling." Hindi na nga naman daw siya mag-aaksaya pa sa pagpapaliwanag kung sarado na ang isip ng ilan tungkol sa kanya at sa isyung kinasasangkutan niya. "Ang mga tao papaniwalaan nila kung ano ang sa tingin nila ay totoo o hindi. Kahit anong explain mo, kung hindi sila maniniwala... Para sa akin, binibigay ko sa kanila yung opportunity na magkaroon ng sariling opinion." Sa nakatakdang pagwawakas ng Prinsesa ng Banyera, umaasa na lang si Kristine na sana raw ay may kasunod agad siyang gagawin. "Sabi nila [management] meron daw, pero ako kasi ayokong mag-drop ng statement hangga't wala pa. But I'm hoping na sana magkaroon nga." RELATIONSHIPS. Ever since ay open si Oyo Boy Sotto sa special feelings na nararamdaman niya for Kristine. She admitted to PEP na sobra naman niyang naa-appreciate ang presence ni Oyo sa buhay niya. "Okey siya, all support pa rin siya sa akin, magkaibigan pa rin kami. Saludo ako sa taong yun, wala akong masasabi sa kanya." Sa mga nakaraang interviews kay Diether Ocampo ay inamin nito na hindi na sila magkakabalikan pa ni Kristine sa kabila ng malalim na pagmamahal pa rin niya rito. Kinumusta tuloy namin si Diet kay Tin. "May communication pa rin kami although âdi na kami masyadong nagkikita. âPag may mga kailangang itanong. Umaasa ba si Kristine na magkakabalikan din sila ni Diet? "Ako kasi ayokong ipilit pa ang mga bagay na hindi pa hinog o âpag hindi pa talaga time. âPag hindi pa kasi talaga oras, laging may isa o dalawang bagay na âdi aayon sa mga pangyayari. Saka âpag pinilit mo siya, wala lalong mangyayari. Magiging mas kumplikado ang mga bagay-bagay." - Philippine Entertainment Portal