ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dennis Trillo shows off 'macho dancing' skills on the Net
MANILA, Philippines - Game na game si Denis Trillo na nakipag-chat sa kanyang mga fans sa Internet nitong Miyerkules sa tulong ng Live Chat ng New Media Inc. Katunayan, walang kiyeme na pinagbigyan ni Denis ang request ng kanyang fans na magpakita ng sample sa kanyang âmacho dancing" sa isang episode ng kanyang dramarama sa hapon na âMagdusa Ka" kung saan kasama nya si Katrina Halili. Marami nga ang nagulat sa ginawang pag-iwan ni Denis sa kanyang âboy next door" image kapalit ng brusko at preskong karakter nâya sa âMagdusa Ka." âHappy ako kasi maganda ang mga reaction na natatanggap ko âdi lang sa mga kamag-anak ko pati sa ibang tao na kahit hindi ko kakilala," kwento ni Denis sa Chika Minute para sa GMA news 24 Oras." âSiguro nga na talagang me kakaiba akong ginawaâ¦sana lang ma-maintain ko yun interest nila sa akin," idinagdag ng gwapong aktor. Noong nakaraang linggo, tahimik na ipinagdiwang ni Denis ang kanyang kaarawan kasama ang mga malalapit na kaibigan at tagahanga. Kasama ba ito sa plano ni Denis na gawing tahimik ang buhay at malayo sa mga intriga? âFirst time ko rin kasi na mag-celebrate na kasama sila sa special daw ko," tugon ng aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: dennistrillo
More Videos
Most Popular