ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Emilio Garcia plays gay in new film Eskandalo


Isang disente at tagong bading ang role ni Emilio Garcia sa pelikulang Eskandalo. Kung subject to different interpretations pa ang role na ginampanan ni Emilio sa Selda, given agad ang hinihingi ng role sa aktor sa bagong pelikulang dinidirek ni Joven Tan. Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Eskandalo malapit sa Funeraria Cruz, Severino Reyes St., Blumentritt, Manila, kahapon at doon ay nakakuwentuhan namin si Emilio tungkol sa proyektong nagmula sa YouTube scandal tungkol sa operasyong ginawa sa isang lalaki matapos pasakan ng alleged lover ang kanyang rectum ng isang body-spray canister. "'Yun na nga ang malaking kaibahan nito sa ilang gay portrayals na nagawa ko, kasi, may real events na pupuwedeng pagbasehan. Naroroon ang excitement ng mga manonood. "Nang malaman ko na yung gay ang role na napunta sa akin, naisip ko lang na naiibang challenge ito for me. At saka hindi ko naman naiisip na mata-typecast ako at ang importante sa akin, trabaho ito na dapat ko ring paghusayan," tuluy-tuloy na nasabi pa ng aktor. DIFFERENT ROLES. Aminado si Emilio na ini-enjoy na lang niya ang ganito. In fact, ang susunod na gagawing proyekto ni Emilio ay Ang Pagsasamantala ni Rosario na magtatampok kay Lovi Poe. Gagampanan ni Emilio ang isang high school teacher na na-involve sa kanyang estudyante. May pagka-gay na naman daw ang tema ng nabanggit na proyekto. "Nagkakataon lang na sunud-sunod yung pelikulang ganoon ang tema, pero sa TV, at least, napapanood ako as the father of Dennis Trillo in Magdusa Ka. "Very popular sa mga tao ang afternoon soap naming 'yan sa GMA-7, at wala rin akong iniisip tungkol sa pagganap ng father roles, lalo na't isang grown-up na gaya ni Dennis. "Ang pumasok kaagad sa isip ko ay yung mahusay na artista si Dennis, pati na yung ibang kasama sa powerhouse cast, kaya kung tatanggihan ko ito at mag-iinarte pa, mapupunta rin ito sa iba. May tatanggap din sa role na baka nga mas bata pa sa akin. "Kasi, sa isang artista, role lang 'yan. That's just okay with me. I'm more of a character actor naman, and I'm glad, iba-iba pa rin yung nagagawa ko," sabi pa ni Emilio. SHOWING HIS BUTT. Nabalitaan nga ng PEP na may butt exposure si Emilio sa Eskandalo dahil kailangang ipakita ang butt niya sa eksenang inooperahan na siya para alisin yung foreign object na isinaksak sa kanyang behind. "Sa napabalitang insidente, body spray ang ipinasak, 'di ba? Sa istorya ng movie namin, isang malaking marker na ilang inches din ang haba pero mga ten inches in circumference ang ipapasok sa behind ko. "Stabilo marker nga yun na tatanggalin kunwari sa behind ko through an operation, at hindi ko pa alam kung paano ie-execute ni Direk Joven." SHOWER SCENE. Ang hunk na si Andrew Schimmer ang gaganap na lover ni Emilio sa Eskandalo. May shower scene ito na pareho silang nakahubad. "Sabi ko nga, trabaho lang talaga ito, walang personalan," natatawang lahad ni Emilio. "Pini-feel ko na lang talaga na para bang bading talaga ako, at yun kasi ang nire-require sa akin. Oo nga, ini-enjoy ko na lang. Noong una, naiilang pa ako dahil hindi naman kami magkakilala talaga ni Andrew. "Sa set na lang kami nagkakilala, pero sa pakikipag-usap sa kanya, walang naging problema. Kasi, wala ring arte sa katawan si Andrew, at parang bale wala na rin lang sa kanya yung ginawa namin. Pareho lang naman kasi kaming lalaki," patuloy sa paghagikhik ang aktor. NOTHING PERSONAL. So, mas nag-enjoy si Emilio kay Andrew sa Eskandalo kung ikukumpara kay Sid Lucero sa Selda? "Sabi ko nga, trabaho lang, walang personalan," sabay kalabit at kindat pa sa amin ni Emilio. "Basta, first time na gumawa ako ng ganoong gay love scene sa shower. I'm very sure, magugulat ang marami sa role na ginagampanan ko rito, at ginagawa ko ang lahat para maging very convincing as a gay, even on screen," pagwawakas ni Emilio. - Philippine Entertainment Portal