ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

No wedding bells yet for Pauleen Luna and Gatchalian


Hindi na raw mapaghiwalay sina Pauleen Luna at boyfriend niyang si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian. Ibig kayang sabihin nito ay may magaganap na kasalanan sa malapit na hinaharap? “It’s too soon … baka madala kami ng alon," pahayag ni Pauleen sa panayam ng Chika Minute sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Aminado ang young star na napag-uusapan nila ni Mayor Gatchalian ang kasal at nagtatanong na rin ang pamilya ng alkalde pero hindi raw ito mangyayari kaagad. “Siguro they are happy to have me with them. Kasi kami every Sunday we have dinner together, we bond so siguro ganon lang," sambit ni Pauleen na suot ang regalong kwintas sa kanya ng alkalde na ang pendant ay malaking letter “P" na puno ng maliliit na diamond. “Actually they’re excited kaya lang wala pa naman ikaka-excite," idinagdag ng aktres. Pinabulaanan din niya ang mga intriga na nakikialam sa kanyang career ang mayamang boyfriend lalo na sa pagpapaseksi. “Si Sherwin very understanding. Siya anything goes as long as you decide on it, you say yes, I trust you. I know naman na you have a very good sense of judgment on anything that you decide," paglalahad niya. Kinumpirma rin ni Pauleen ang nangyaring sigalot sa kanila ng kasamahan sa programang “Eat Bulaga" na si EB Babe Lian pero nalutas na nila ito. “Nagkaroon lang ng very little misunderstanding…na may nagsabi sa kanya na nasabi ko daw… which I never said. So she got a little mad and then we talked and then Ok na," kwento ni Pauleen. - GMANews.TV