ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Greta talks about credit-card issue


Isa-isang hinarap ni Gretchen Barretto ang matitinding kontrobersiyang kinasasangkutan niya sa panayam sa kanya ng The Buzz last Sunday, July 6. Nakausap ng The Buzz si Gretchen sa set ng Maalaala Mo Kaya (MMK) bilang pagbabalik-telebisyon ng aktres. "Ang sarap na nagtatrabaho ako ulit dito sa MMK. Ipinangako ko sa publiko na gagawa ako ng isang episode dito, at sa wakas, natupad ko na rin! Kasi, di ba, naging busy ako sa pagpo-promote ng aking CD na Unexpected?'" umpisang lahad ni Gretchen. Nanibago raw si Gretchen sa gagampanan niyang role sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya. "Ang kulay at ang buhok, nag-iba rin," saad niya. "Minsan nahihirapan nga ako mag-cut, e. Parang sabi ko, ‘Hala, baka madala-dala ko ito, hindi bagay. "Ano'ng role ko dito? Ako'y isang misis, na ang asawa ko si Tonton Gutierrez at meron po akong... Paano ba nasasabi ang affair? Meron po akong affair sa mayor...na bale nagtatrabaho ako para sa mayor." Aminado si Gretchen na kabado at medyo nangapa siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. "Kaya talagang ni-request ko si Kuya Ipe [Phillip Salvador], kasi siguro mga 15 or 16 years ago gumawa na ako ng MMK kasama siya. At talagang tinutukan niya ako. Tinuruan niya ako kung ano'ng gagawin ko. Kasi may tendency ako na lumaylay yung role ko. "Parating pinapaalala sa akin ni Kuya Ipe, ‘Huwag kang lumaylay, stay in character.' Kaya enjoy na enjoy ako na kasama siya kasi feeling ko, nagagawa ko talaga ang dapat kong gawin bilang...hindi bilang Gretchen kundi bilang Margarita. "Pati yung pagpo-pronounce ko ng Tagalog ko, medyo minsan may pagkabaluktot, talagang nire-rehearse niya na hindi puwedeng ‘mayor.' Di ba talagang ‘meyor'? At natutuwa ako ‘pag napapanood ko yung preview after every take. Aba, ang galing ko mag-Tagalog!" hagikhik niya. GOODBYE PHILIPPINES? Pagkatapos magkuwento tungkol sa appearance niya sa Maalaala Mo Kaya ay nagsalita na rin si Gretchen sa napabalitang plano niyang pag-alis ng Pilipinas at paninirahan sa ibang bansa. "Minsan kasi nakakapagod," sabi niya. "Napakaliit ng Manila or kumbaga, kung ako si Margarita, napakaliit ng Maynila. Parang lahat na lang ng aking mga galaw, lahat ng sinasabi ko, tama man o mali, pinagmamasdan o hinuhusgahan. "Nahihirapan din ako na parang minsan, gusto ko, 'Puwede bang gumalaw? Puwede bang magkamali din ako? Tao din ako. Minsan hayop!'" biro ni Gretchen. "Hindi loko lang," kambiyo niya. "Pero nakakapagod kaya! Kasi parati nilang ine-exaggerate lahat ng mga nangyayari." Nilinaw rin niya ang napabalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na pag-deny ng kanyang credit card sa isang hotel. "Katulad ng credit card na issue na ‘yan na magnet lang, sabi nila naputulan. May ine-edit sila sa kuwento, may idinadagdag. Pero siguro ganun talaga ang buhay artista. "Nagpasya ako, siguro last month na, ‘Ay, naku, ayoko na dito sa Manila, Maynila!' Gusto ko na sa abroad. Gusto ko nang mag-ibang bayan," ngiti ni Gretchen. "Hindi...totoo yun!" diin niya. "Gusto ko nang mag-ibang bayan dahil gusto ko ring maranasan ang isang normal na buhay. Maging isang Gretchen Barretto na hindi kilala ng kahit sino. Puwede akong madapa na hindi pinag-uusapan. "Dito, ewan ko nga ba kung bakit napakalaking bagay kung ma-magnet o magasgas yung credit card ninyo. E, magastos ako, e. Talagang nagagasgas ang credit card ko, sorry po!" CREDIT-CARD ISSUE. Sa report na lumabas dito sa PEP, kumain sa isang restaurant sa Dusit Hotel si Gretchen kasama ang kapatid niyang si Marjorie Barretto at ang mga kaibigan niyang sina Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez, at isa pang non-showbiz girl. Dahil si Gretchen ang nagyaya, siya sana ang sasagot sa bill nila ngunit hindi tinanggap ng swiping machine ang kanyang credit card kahit na apat na beses na itong sinubukan ng waiter. Para matigil na ang spekulasyon sa naganap, idinetalye ni Gretchen ang pangyayari. "Pagkadating kasi [sa restaurant], tinext ko si Tony [Tonyboy Cojuangco, her live-in partner]. Ayaw niyang pag-usapan ko ito... Nung gabing yun, tinext ko si Tony and [I] said, ‘Did you cut my card?' "Kasi, di ba nga si Ruffa, ‘Oh, my God, girl! You know, he must have cut your card!' Alam mo naman si Ruffa, di ba? Ano lang siya, ganun lang siya, di ba? She speaks her mind kung ano yung kutob niya. Baka, baka, baka. "'Of course not! Of course not! He won't do that!' Ganyan, ganyan. Sorry ha, ganito talaga kami magsalita ‘pag kami ni Ruffa, maarte. ‘Of course not, girl! Why would he do that?' Mga ganyan. ‘Oh, my God, girl! I'm sure he did!' Yung mga ganun-ganun. ‘Oh my God! Of course not!' "Pero habang nag-o-‘of course not,' yung puso ko naririnig ko na yata...bug-bug! Parang, ‘Oo nga, ‘no? Baka nga, baka nga.' Pero hindi ko pinapahalata sa kanila. Pero nahalata nila na ninerbiyos ako dahil yung boses ko, tumataas. Parang, ‘Paki-swipe ulit!'" (Lumalabas na si Ruffa ang parang sinisisi ni Gretchen sa pag-aakala niyang pinutol ni Tonyboy ang kanyang credit card. Pero sa pagkakaalam ng PEP, bagamat nabanggit ni Ruffa ang pagkakaputol ng credit card niya ni Yilmaz Bektas noon ay nagsalita rin ang iba pa nilang mga kasama ukol dito.) "Ang taas! Ang taas-taas ng boses! Yung telepono ko, yung cell phone ko, hindi ko sinabi sa kanila, text-text ako. So, sabi ko [kay Tonyboy], ‘Can you please tell me the truth? Did you cut my Visa card? Because I'm here in Dusit Hotel and I have no cash.' "Alam naman ni Tony na parati akong walang cash dahil ‘pag may cash ako, parating nauubos. Hindi ko nga alam kung bakit. Kailangan siguro pa-bless ko yung wallet ko!" tawa niya. "So, talagang we don't have cash. Imagine, ang gaganda namin—si Pops, si Ruffa, si Marjorie, ako. Super sabi ko, super eskandalo. Biruin mo, mahe-headline yun? Hindi kami makalabas ng Dusit Hotel dahil wala kaming pambayad? Lahat kami walang pera! "Parang naawa naman ako sa sarili. Biruin mo kung naghugas kami ng plato? Parang siyempre ini-imagine ko na lahat. Parang sabi ko, ‘Iwan ko kaya yaya ko at guards ko dito? Tatakbo ako!'" tawa niya ulit. "Siyempre, nagwa-wild na yung utak ko," patuloy niya. "Sabi ko, ‘Can you please tell me the truth?' You know, if he cut my card, please tell me the truth? You know, if he cut my card, please let me know, my Visa card. Kasi I don't have money. Nobody has money here.' "Tapos sinabi ko kung sino ang mga kasama ko. ‘Tapos, ‘Of course not! You wait for me!' So, ako naman, ‘See?' Of course not! He [Tonyboy] said, ‘It's not, see? Of course not!' Ginaganyan ko, ‘Hala, he's coming!' Kasi he goes, ‘Wait for me.' ‘Hala, he's coming, girl.' ‘My God! I'm tensed!' Alam mo naman si Ruffa, di ba? Nagbibiro na ewan," kuwento ni Gretchen. (Nais linawin ng PEP na walang binanggit sa report na lumabas dito na pinutulan ng credit card si Gretchen. Ayon sa report ng PEP, ayaw tanggapin ang kanyang card ng swiping machine kahit na apat na beses na itong sinubukan. Hindi rin nagbigay ng espekulasyon ang PEP kung ano ang dahilan ng pag-reject sa kanyang credit card: card glitch o sadyang naputulan. Ngunit pinaninindigan ng PEP na hindi talaga tinanggap ng machine ang credit card ni Gretchen.) TONYBOY TO THE RESCUE. Nilinaw rin ni Gretchen ang lumabas na nagsagutan diumano sila ni Tonyboy sa hotel. "Biglang pumasok si Tony, narinig niya kami. Kasi alam mo kami, ang lalakas ng boses. ‘Tapos umalis siya, lumabas siya. Tinawag yung waiter. E, yun pala, nagbigay na ng one thousand [pesos] each lahat. I think Ruffa nagbigay ng one thousand, two thousand yata sa wallet ko. Di one thousand lang natira, kasi tatlong libo lang pera ko nung gabing ‘yon. Kami nakakahiya. "'Tapos yun, sabi niya [Tonyboy], ‘What happened to your card?' And I said, ‘I don't know! Kasi ayaw daw, ayaw mag-go through yung card.' So siyempre, tinanong niya bakit hindi ako nagdala ng ibang card. Feeling ko naman, bakit ako magdadala ng maraming card? ‘Tapos, bakit daw hindi ako nagdala ng pera. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ako nagdala ng pera, kasi pupunta naman ako sa wake [of Rudy Fernandez], di ba? "So, parang naging irresponsible ako in that sense. Pero malay ko ba lahat ng kasama ko walang pera? E, di lahat kami irresponsible! Bagay nga kami maging magkaibigan!" natatawang kuwento ni Gretchen. Totoo bang nag-dialogue siya ng "That can't be. We own the bank!"? "'Yan ang eksaherada," sabi ni Gretchen. "Kasi kung akin yun, na-bankrupt na yun! Hindi naman... Alam mo naman ang tao, kung anu-ano ang sinasabi, exaggerated. Sana nga, sana nga akin. "Ngayon lang ako tumatawa, ha. Pero napikon talaga ako nun," diretsang paglabas ng emosyon ni Gretchen. (Bagamat itinanggi ito ni Gretchen, naninindigan ang source ng PEP na sinabi ng aktres ang mga salitang ito. Ayon sa aming source, dalawang beses pa nga itong sinabi ni Gretchen.) GRETCHEN AS A MOTHER. Kumalat tuloy ang balita na dahil doon kaya gusto na niyang umalis ng bansa. "Hindi lang yun," pag-amin ng aktres. "Kasi merong time, like maybe a month ago ba yun, or a month and a half, yung anak ko [Dominique Cojuangco], biglang nagdesisyon. Sabi niya, ‘Mom, gusto ko...' Tinagalog ko, ‘Mom,' sinabi niya na, ‘I want to go to boarding school this whole year.' And ang summer kasi ng anak ko is July 4. So, ibig sabihin, by August magbo-boarding school na siya. Gusto niya mag-Switzerland, yun ang plano niya. And sabi niya, ‘Mom, I applied already.' And kaka-13 lang ng anak ko, so parang naguluhan ako kung uunahin ko ba ang career ko o uunahin ko ba yung pagiging nanay ko? "Siyempre, uunahin ko yung pagiging nanay ko!" tawa niya. "Kaya sabi ko, you know, parang magkakaroon ng...matigil lahat and then, nangyari yung tsismis na yun. So parang sensitive na nga ako, ‘tapos nangyari pa yun. So sabi ko, ‘Ay naku, it's about time tumira na ako sa ibang bansa.' "Well, pumayag si Tony. Buti na lang! Kasi imagine, nag-emote-emote na ako kay Bettina [Aspillaga], kay Boy [Abunda], iyak na ako nang iyak. ‘Wala na, I'm leaving na, wala na akong career!' Hindi ha, sad talaga ako nun. ‘Tapos hindi naman siya pumayag. Sabi ni Tony to wait na lang na college na siya [Dominique], kasi hindi naman daw talaga yun yung plano namin, na umalis ng high school." RUFFA'S BIRTHDAY. Nagpaliwanag din si Gretchen sa hindi niya pagdating sa birthday party ni Ruffa noong June 21. "Kasi alam ko, ‘andun kayo!" tawa niya. "Parang, ‘Hay naku, ayokong magpakita ‘pag hindi ako masaya. Kasi nakakahawa yung emosyon, di ba? ‘Pag masaya yung tao, masaya din yung mga nakakakita sa ‘yo. ‘Pag hindi ka masaya, masungit ka. Bakit ka pa nagpakita? "Yun, umiwas ako," pag-amin niya. "Umiwas na ako kasi alam ko tatanungin nila yun. ‘Tapos down pa ako dahil yung anak ko, gusto nang mag-ibang bansa. Hindi rin naman ako ready na ikuwento yun." TONYBOY'S CONDITION. Sinubukan din ng The Buzz na tanungin si Gretchen sa kundisyon ngayon ni Tonyboy. "Alam mo, ayaw ni Tony na pinag-uusapan siya. Naiinis siya ‘pag nahe-headline siya. ‘Pag ini-scroll siya sa TV Patrol? Sana huwag ito i-cut. Naiinis siya, sabi niya, ‘I'm a businessman. Hindi ako artista.' So parang ibigay na natin sa kanya yun, na parang ‘Gretchen Barretto is Gretchen Barretto.' Parang ‘wag na nating isingit si Gretchen kay Tony. May sarili siyang buhay." Dahil sa mga sunud-sunod na intriga sa kanya, nakahanda na raw siya sa anumang darating pa. "Ay, naku! Mauubusan ba ako ng intriga? Parang hindi! Parang endless. Kaya lang, sabi nga ni Tony, ‘You know, I don't know why you want to be a quitter? Why, why leave and why give up when you know lahat ng tao magiging masaya ‘pag nag-quit ka, di ba?' So, sabi ko, pati ako hindi ako magiging masaya siguro ‘pag wala akong career kahit paano," pagtatapos ni Gretchen. - Philippine Entertainment Portal