ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Court grants Aiko Melendez PPO against ex-hubby


May bagong pasabog ang actress-politician na si Aiko Melendez sa The Buzz noong Linggo, July 6. Inihayag ni Aiko ang pagpabopr ng korte sa kanyang petisyong Permanent Protection Order (PPO) laban sa kanyang asawa na si Martin Jickain. Nakasaad sa PPO na hindi maaaring makalapit ng isang libong metrong distansya si Martin kay Aiko. Nakapanayam ng The Buzz si Aiko sa mismong tanggapan ng Regional Trial Court ng Quezon City noong Miyerkules, July 2. "Happy ako. I don't wanna hurt anybody, e. It's just that yung ipinayl namin talaga, permanent protection order for the safety lang ng sarili ko at pagkababae ko. Nagpapasalamat ako," lahad ni Aiko. Kasabay nito, tuloy pa rin ang pag-usad ng pre-trial hearing para naman sa annulment ng kasal ni Aiko sa asawa. Ayon sa abugado ni Aiko na si Atty. Dacsil, "On July 18, we will present Councilor Melendez for petition and the psychiatrist by August. It was already decided na uncontested na ‘yung annulment. Jickain did not present any evidence." Pero payag naman daw si Aiko na patuloy na dalawin ni Martin ang kanilang anak na si Marthena. "Wala siyang magiging problema sa akin with Marthena. Every Sunday, si Marthena nasa kanya. Dahil pagdating naman sa atensiyon at pagmamahal na mabibigay niya sa anak ko, siyempre sino namang ina ang ayaw na mangyari yun?" Dasal din daw ni Aiko na maging magkaibigan sila ni Martin. "Sana dumating din yung panahon na magiging maayos din ang lahat kagaya ng nangyayari sa amin ni Jomari." Sa July 28 ay ise-celebrate ni Marthena ang kanyang second birthday. Pero hindi pa rin daw malinaw kung iimbitahan ni Aiko si Martin. Sinubukang hingan ng reaksiyon, pero tumanggi itong magsalita. - Philippine Entertainment Portal