PEP: Gladys Reyes gives birth to healthy baby girl
Actress Gladys Reyes gave birth to a healthy baby girlâ6.5 lbs and 39 cm. in lengthâthis morning, July 11. Second baby na nila ng asawang si Christopher Roxas ang isinilang ni Gladys kaninang umaga, around 8:30 a.m., sa Asian Hospital via caesarean section. Pinangalanan nila ang kanilang second child na Gianna Aquisha Sommereux. Their first child is Gian Christophe, who is now two years old. Ginamit nila ang ibinigay na pangalan ni Christophe sa kanyang baby sister na Aquisha. Ayon sa kuwento ni Gladys noon, every time na tatawagin kasi ni Christophe ang baby sa tiyan niya at tuwing tatanungin ang bata kung ano ang name ng kapatid ay "Aquisha" ang sinasabi niya. Pero ginawa nina Gladys at Christopher na dalawa ang name ng baby, Gianna Aquisha. Gusto sana ni Gladys na maipanganak ang second baby nila noong mismong araw ng birthday niya, June 23, kung ia-allow ng O.B. Gyne dahil via caesarean section naman ang kanyang panganganak. Pero masyado pa raw maaga kung kaya't naghintay pa si Gladys ng two weeks. Nasa labas daw ang asawa si Christopher kung kaya't ang assistant ni Gladys na si Landa ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para kamustahin ang aktres, na kasalukuyan pa raw natutulog galing sa recovery room. Yesterday, July 10, nang magpa-check-up daw si Gladys. Nakumpirma ng doctor ni Gladys na pupuwede na siyang manganak, so iniskedyul siya the following day (today) for a caesarean operation. Last night pa lang daw ay naka-admit na sila sa Asian Hospital. Nakita na rin daw ni Gladys ang kanyang baby bago ito dalhin sa recovery room. Ang una raw agad napansin ni Gladys ay ang kaputian ng anak. Halos nagkakaisa rin ang mga nakakita sa baby na kamukha ito ni Gladys, especially noong baby pa siya. Ang panganay naman daw nilang anak na si Christophe ay halatang naninibago pa sa presence ng bagong baby sa pamilya. Kuwento ni Landa, umiiyak daw si Christophe nang makita na ang baby sister at mukhang nakakaramdam na ng selos. Kaya naman daw ito muna ang binibigyan nila ng atensiyon ngayon. Right now, kasalukuyang nagpapahinga si Gladys sa Asian Hospital sa Alabang City. - Philippine Entertainment Portal