ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: One Night Only billing changes with Katrina Halili in cast


Billing will change with the OctoArts movie One Night Only with the entrance of Katrina Halili. Sexy romance-comedy ang isa sa dalawang panlaban ng OctoArts Films for this year's Metro Manila Film Festival (MMFF), the other being Iskul Bukol. Written and directed by Joey Reyes, the story will happen in one night inside a motel. Multi-characters at walo raw ang magiging bida, but not yet filled in ang iba. Noong ipinasok ang movie sa screening committee ng MMFF, tatlo pa lang ang pangalan na naka-attach sa project—Kapamilya stars Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, and Valerie Concepcion. Sa pagpirma ng exclusive contract ni Katrina for OctoArts, the Magdusa Ka star was announced na magiging part din siya ng pelikula, kaya't naging interesado kami kung paano ang magiging billing ng movie. Si Mr. Orly Ilacad, big boss ng OctoArts, ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito. "Baka kay Katrina ibigay ang top billing. Baka si Angelica ang bigyan namin ng ‘and.' Kung hindi puwede, baka si Angelica ang mauna sa billing at si Katrina ang magkakaroon ng ‘and.' "Kakausapin kong lahat ang managers nila bago magsimula ang movie dahil hindi lang naman sila ang bida sa pelikula, nandiyan din sina Diet [Diether Ocampo] na dapat bigyan rin ng magandang billing," sabi ni Boss Orly sa PEP after the general question-and-answer portion of the presscon launch of Katrina yesterday, July 22, sa Guilly's restaurant, Tomas Morato Ave., Q.C. - Philippine Entertainment Portal