PEP: Lea Salonga's gay brod stars in indie film
Nakakatuwang kausap ang half-brother nina Lea and Gerard Salonga na si Jeff Salonga, o mas kilala ngayon as Gie Salonga. Isa sa mga bida ng indie film na âThank You Girls" si Gie at first time daw niyang ma-interview ng entertainment press. Kapatid sa ama nina Lea at Gerard na si Feliciano Salonga itong si Gie. Hindi naman daw lihim sa magkapatid na Lea at Gerard na may kapatid sila sa labas. Mga bata pa raw sila nina Lea at Gerard ay parati na raw silang nagkikita tuwing special occasions. "OK naman kami nina Lea at Gerard. Lalo na noong mga bata kami, parati kaming magkakasama noon. Hindi ba si Lea, endorser siya ng Gift Gate? Parati niya akong binibigyan ng laruang Lego noon. Gusto ko nga sana Hello Kitty pero siyempre, para kay Lea âyon!" sabay tawa ni Gie. "Hanggang sa lumaki na kami, may communication kami parati. Alam nila na may indie film akong ginawa at sinusuportahan nila ako. Hindi naman ako lumayo sa kanila at alam naman nilang bading ako. Five years old pa lang ako, ganito na ang pagkatao ko. I'm 34 years old now and I'm proud to be gay." Close din ba siya sa ina nina Lea at Gerard na si Ligaya Salonga? "OK naman kami ni Tita Bebe. Formal naman kaming dalawa sa isa't isa. Ang maganda naman kay Tita is hindi niya nilayo sina Lea at Gerald sa akin. Kinilala niya akong kapatid noong dalawa. Kaya para sa akin, malaking bagay na iyon." Nakatapos ng high school si Gie sa Ateneo de Manila University at nakatapos siya ng Fine Arts course sa University of the Philippines. Naging member din si Gie ng Samaskom kaya nahasa siyang mag-perform sa entablado. "Nag-work ako for one year sa US. Sa isang advertising agency doon. Sinubukan ko lang naman ang buhay doon. Pero after a year, bumalik ako rito. Mas OK dito magtrabaho kasi malapit ang pamilya mo." Pinag-audition si Gie para sa role na Allyson sa âThank You Girls" na tungkol sa magkakaibigang mga bading na sasali sa isang gay beauty pageant sa Davao City. Sa kanilang mahabang paglalakbay sa isang pampasaherong jeepney ay mas makikilala nila ang bawat isa. Regular performer kasi si Gie sa mga comedy bars na Zirkoh at Klownz kaya bumagay sa kanya ang ibinigay sa kanyang role sa âThank You Girls." Kahit paano ay nagamit daw niya ang pagiging showgirl niya sa naturang indie film. "Puro mga taga-Davao ang mga kinuha nilang artista for the indie film. Ako kasi pinag-audition nila for a role. Nagustuhan ako ng director namin na si Charliebebs Gohetia. Pinag-aral pa nila akong magsalita ng Bisaya kasi most of the dialogues are in Bisaya. "I had fun kasi masasayang magkakasama ang mga bading. âTapos marami pa akong natutunan tungkol sa mga co-stars ko. Sana nga tangkilikin itong movie namin. Kapag sinabi kasing gay film, iniisip agad ng iba ay puro sex lang. Itong âThank You Girls,â katatawanan ito pero may halong drama na makaka-relate ang kahit hindi bading." Ngayon nga ay may invitations na sa ilang international film festivals ang âThank You Girls." Sa September 24 naman ang local theater run nito sa Robinson's Galleria. Ang mga co-stars ni Gie sa âThank You Girls" ay sila Ed Pantujan, July Jimenez, Kim Vergara, Kit Poliquit at Pidot Villocino. - Philippine Entertainment Portal