ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Iwa Moto goes topless in latest FHM issue


Naging masayang-masaya ang young star na si Iwa Moto sa ginanap na 20th birthday celebration niya yesterday sa Jiao Ming Café sa A. Bonifacio corner Araneta Avenue Quezon City. Naging abala sa pagharap sa mga bisita ang kanyang Mommy Precy, at stepdad na si Jerry pati na ang dalawang kapatid na sina Miki at Zennith. Dumalo rin sa naturang okasyon ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan at mga taong nagmamahal kay Iwa, specially ang boyfriend niyang si Michael Ablan. Kabilang din sa mga panauhin sina Chariz Solomon, ang bandang K247 ni Mark Gamboa, ang grupong Art & Soul ng kapatid ni Jessa Zaragoza na si Lloyd Zaragoza, at iba pa. Hindi na nakahabol ang mga taga-GMAAC na mayroong benefit show sa Zirkoh Timog. Na-late pa ang aktres ng more than two hours dahil galing pa siya sa isang taping na typical na ugali ng aktres-ang pagiging priority lagi ang trabaho. Pero pagkadating na pagkadating ni Iwa ay nagpaunlak na agad siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang birthday wish ko, sana ay more work at saka sana ay gumaling iyong dad ko, iyon lang," panimulang pahayag ni Iwa. Mayroon ba siyang wish na para sa sarili niya talaga? "Actually, wala, e. Lahat puro para sa family ko, e, sa mom ko, sa dad ko, sa mga kapatid ko, iyon... puro ganoon lang. ‘Tsaka sabi ko nga, iyong trabaho, importante iyon siyempre. Para kapag may pera ako, may panggastos din sa bahay, so, para rin sa family ko, e, ha-ha-ha-ha!" nakatawang saad pa niya. GOODBYE TO "TEENS." Sinabi rin ni Iwa ang kaibahan ng 20th birthday celebration niya sa mga nakaraang celebration niya. "Ang kaibahan nitong birthday ko ngayon, hindi ba last year, sinorpresa nila ako? So, for a change, ako yung isa sa mga tumulong mag-organize at mag-isip nitong party ko ngayon. Kaya lang, si Mark [Gamboa] pa rin iyong gumawa ng lahat. For a change din, hindi ako na-surprise, yung hindi nila ako ginugulat na lang, dahil alam ko na may party, e. At alam ko kung ano yung mangyayari. "Isa pa sigurong kaibahan ngayon, kasi ngayon dalaga na ako talaga, e. I mean hindi na ako teen dahil 20 na ako, e. Kaya dalaga na talaga at mas matured na. Kasi noon, tipong bata pa talaga na makulit. "Pero iba na talaga ngayon, like dito nga sa FHM September issue na cover ako, makikita ninyo na mas sexy ako rito. Actually, malaki ang kaibahan doon sa unang naging cover ako noong 2006, e. Dito sa September issue, mayroon pa nga na topless ako, na ang nakatakip lang sa dibdib ko ay yung parang lambat lang," dagdag pa ni Iwa. NO CHANCE OF GOING JAPANESE. Sa naturang okasyon din, sinabi ni Iwa na baka malabo na siyang magkaroon ng dual citizenship. "Parang hindi na po ako magiging Japanese citizen. Hindi na raw umabot. Sabi kasi, 20 years old na ako, e. Kailangan daw, below 20. Dapat, pupunta raw ako ng Japan, dapat ay nasa Japan ako by now para asikasuhin yung papers ko. "Nung last na nag-meeting kami, sabi ko, sige give-up na ako, yung kapatid ko na lang. Actually ang benefit lang naman na makukuha ko roon, is anywhere I want to go sa Japan ay madali lang. Pero, dahil nga parang medyo malabo na, ang kapatid ko na lang. Malay natin, maipetisyon niya ako, he-he-he. "Okey lang po sa kin na yung kapatid ko na lang, siyempre po, yung gusto ko, yung mga bagay na hindi ko nakukuha, ay makuha naman ng mga kapatid ko, na kung may mga bagay-bagay na ako na hindi maa-achieve, gusto ko ay yung family ko ang makakuha nun." Pero sinabi naman ng Mommy Precy ni Iwa na may chance pa rin na maging Japanese at Filipino citizen ang kanyang anak at hindi pa lang naaabisuhan si Iwa. Nagpasalamat din si Iwa sa lahat ng mga tumutulong at patuloy na sumusuporta sa kanya kabilang na ang GMA-7, GMA Artist Center, ang FHM, ang mga taga-press, ang kanyang "Tatay" Rommel Gacho at sa lahat ng fans na walang-sawang nagmamahal sa kanya. - Philippine Entertainment Portal

Tags: iwamoto