ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Rufa Mae Quinto explains why BF got 'jealous'


Handa na raw siyang maging "wife," pero inamin ni Rufa Mae Quinto na hindi pa siya handa na magkaroon ng baby. Although nasa isang relationship siya ngayon (with Mexican-American boyfriend Bobby Lopez), tanging Diyos na lang daw ang nakakaalam kung for keeps na nga ang relationship na ito. Ibinalita pa ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na darating ngayong Sabado si Bobby para manood sa premiere night ng pelikula niyang I.T.A.L.Y.(I Trust And Love You). Masaya ring ibinalita ni Rufa Mae na tatlong buwan na sila ni Bobby at magse-celebrate sila ng kanilang "monthsary." JEALOUS BOB. Kinuha rin namin ang reaksyon ni Rufa Mae sa isyung nagseselos si Bob kay Dennis. "Hindi...nung nasa Europe kami—kasi wala kaming signal minsan dahil nasa barko kami—hindi ko siya nakakausap, ‘tapos iba yung time-zone. Naging busy ako doon dahil super mabilisan kami sa paggawa ng I.T.A.L.Y. Paggising ko, may trabaho na ako. ‘Pag patulog na ako, siya naman tulog na. Yung ganun? Yung time-zone, paiba-iba. "Nagselos siya pero hindi naman super. Parang... kinda, slight. May tiwala naman siya sa akin," paliwanag pa ni Rufa Mae nang mainterbyu siya ng PEP sa Congo Grille sa El Pueblo, Ortigas Center. Madalas daw ay text-text lang ang nangyari at wala silang komunikasyon ng foreigner bf. "Nag-explain naman ako at nag-sorry dahil two days akong naiwan," kuwento pa ng seksing komedyante. Dalawang eroplano ang umiwan sa kanya, sa ‘Pinas pa lang at sa Hongkong kaya sumunod na lang siya sa Europe at siya na lang ang nagbayad ng sarili niyang pamasahe at nag-Economy na lang siya papuntang Europa. Ano ang masasabi niya sa pahayag ni Dennis na wala pa rin silang closure? "After kasi namin noon...ng kung anuman... ‘Di talaga naman naging kami. Basta yung closeness, mabilis na panahon,e! "M.U." or "mutual understanding" ba ang tawag dun? "Dati? Hindi ko na nga alam, e! Baka may magalit pa," pasintabi ni Rufa Mae. Bakit nga ba naputol ang magandang pagtitinginan nila ni Dennis? "Hindi ko alam. Honestly, hindi ko alam. Okey naman kami. So ayaw ko nang magsalita," sambit pa niya. "SOMETHING" WITH MARK. Sa Showbiz Central, tila nadulas sina Rufa Mae at ang guest nila roong si Mark Herras. Ano nga ba ang istorya sa kanilang dalawa ng tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor"? Nasa level din bang katulad ng nangyari sa kanila ni Dennis ang nangyari naman sa kanila ni Mark? "Ay, hindi!" sagot agad ni Rufa Mae. "Ay, ayoko na. Takot na ako. Hindi kami umabot sa ganoon, e! Hayaan na lang natin kung ano ang feeling...basta. Ang importante ay yung present. Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Mark? "Nagte-text kasi Mark, e... Nothing much," pakiyeme pa nito sa amin. Pero nilinaw ni Rufa Mae na barkada talaga si Mark. "Hindi kami gumigimik. Nagkikita, ganoon, sa Bubble Gang Toppings [dating restaurant na kasosyo niya ang ilang co-stars sa TV show na Bubble Gang]. Kasama yung mga pinsan niya, kapatid. Barkada ," sambit niya. Barkada nga si Mark pero nagpahaging ba talaga ito na gusto siya nito? "Tahimik si Mark, e! Hindi nagsasalita kaya hindi ko alam kung ano ang purpose niya. Pero siguro para mag-text siya at aka dumating dun, siguro may meaning. "Ang tagal-tagal na nu'n. Two years ago pa. Na-text yata niya ako ng, ‘I miss you,' dati. Malay mo naman nami-miss niya yung company ng I.T.A.L.Y. Yung... ‘Wazzup!?'" BOYFRIEND MATERIAL. Si Mark ba ay boyfriend material? "I think so, pero hindi pa ngayon. Kung sa akin, a, kasi bata pa siya, e! Hindi ko kasi inalam noon kung pang-boyfriend material siya dati. Pero feeling ko kasi mabait na tao si Mark, hanggang ngayon. Responsible naman. Nakapundar. Panay ang trabaho, tahimik," aniya. So masasabi ba niyang mas boyfriend material si Mark kesa kay Dennis? "Sa ngayon? Si Dennis kasi gusto muna niyang magpahinga sa love life. Tinanong ko siya. Sabi niya, ‘Magulo, gusto ko munang mag-focus.' So, kung naging sila ba ni Dennis, hindi rin kaya sila magtatagal? "Kaya nga hindi kami nagkatuluyan kasi nga career niya ang priority. Kaya nga hirap na hirap akong sumagot. Basta ang masasabi ko lang, ‘I Trust And Love You,'" bulalas niya sabay tawanan. May natitira pa ba siyang pagmamahal kay Dennis? "Kahit sino naman ay maa-attract kay Dennis, dahil cute naman siya, ‘di ba? Noon, noon pa." SOMEONE PROUD OF HER. So, parang sinabi na rin niyang mas boyfriend material si Mark kesa kay Dennis? "Si Mark, hindi ko pa nakakusap, bukod sa ‘wazzup?'s. Hindi ko alam kung sino ang mas pang... Hindi ko puwedeng i-compare. Pero sa ngayon mas okey kami ni Mark, sa ngayon, ha! Mas close at puwede ko siyang kausapin," deklara pa niya. Bakit nauuwi sa wala ang pagkaka-link niya sa mga lalaking artista? "Kasi nga ang gusto ko, kailangan ang mga kung liligawan ako sana ay nagiging proud sila, paninindigan. Ang hinahanap ko ay yung magbo-boyfriend ka na magiging proud. Ako naman ayaw kong mag-assume nang mag-assume kung gusto ba ako talaga," bulalas pa niya. - Philippine Entertainment Portal