PEP: JC de Vera says Yasmien Kurdi doesn't talk to him anymore
Pagkatapos ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ay mapapanood muli sa Telebabad block ng GMA-7 ang young actor na si JC de Vera sa pamamagitan ng La Lola. Base sa isang sikat at award-winning soap mula sa Argentina, ang La Lola ay pinagtatambalan nina JC at Rhian Ramos. Bagamat masaya siya na makasama ulit sa isang malaking produksiyon, aminado si JC na kinakabahan pa rin siya. Pero nakahinga raw siya nang maluwag pagkatapos mapanood ang teaser ng La Lola sa presscon nito kagabi, October 6, sa Dolce Bar & Resto sa Tomas Morato, Quezon City. Base kasi sa mga napanood na eksena at reaksiyon ng entertainment press ay tila may aabangan na namang magandang palabas ang mga manonood. Ayon kay JC, bagamat may pagka-comedy ang La Lola, seryoso ang karakter na ginagampanan niya bilang si Facundo. "Seryoso ako dito. Hindi ako sa side ng comedy, bale support lang ako dun sa comedy. More on sa serious side ako ng story. Actually, hindi naman talaga siya comedy, e, situational comedy siya. Hindi talaga inaarte rito yung comedy, yung istorya mismo ang nakakatawa," saad ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal). FROM YASMIEN TO RHIAN. Sa mahabang panahon ay na-associate ang pangalan ni JC sa dating ka-love team na si Yasmien Kurdi dahil na rin sa ilang proyektong pinagsamahan nila sa TV at pelikula; gaya ng P.S. I Love You, Pasan Ko ang Daigdig, Babangon Ako't Dudurugin Kita, at Loving You. Pero ngayon dito sa La Lola ay susubukan naman ang kumbinasyon nila ng kaparehang si Rhian Ramos. Hindi ito ang unang pagsasama nina JC at Rhian sa pelikula dahil nagkasama na sila sa Captain Barbell, Ouija, My Monster Mom, at recently sa isang episode ng Obra kung saan tampok si JC. Pero ang La Lola ang una nilang proyekto bilang magka-love team. Siyempre pa, hindi maiiwasan na ma-link sila dahil sa pagsasama nilang ito. "Well, ako naman, wala naman akong masasabi kay Rhian. Basta ako, alam ng lahat na trabaho naman âtong ginagawa ko talaga. Siyempre, uunahin ko âtong trabaho ko ngayon. Serious ako ngayon sa craft ko kaya siguro kung meron mang ma-issue sa aming dalawa ni Rhian, bonus na lang âyon siguro. Pero ngayon, naka-focus talaga kami sa work. Kahit kay Rhian, alam ni Rhian âyon. Sinabi ko na rin sa kanya âyon," paliwanag ni JC. Lumabas kamakailan ang balitang very vocal diumano na crush ni JC si Rhian. Pero ayon sa young actor, bagamat aminado siyang crush nga niya ang dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa dalaga ang paghanga niya rito. "Hindi ko kailangang sabihin sa kanya," sabi ni JC. "Kasi ayokong masira yung work, ayoko ring isipin nung tao na gumagawa na naman ako ng gimik, ganyan. Yung sa akin lang, gagawin ko lang yung trabaho ko. Magsu-support lang kami sa show, pagagandahin lang namin. "Pero yung pagkakaroon ng crush kay Rhian, kumbaga, hindi naman siguro masama mag-admire sa isang magandang babae. Very vocal ako sa mga babaeng nagagandahan ako at alam ng lahat na hindi madali para sa akin na magsabi na magandang ang isang tao." Pero idiniin ni JC na hindi ito aabot sa puntong liligawan niya si Rhian. Paano naman maiku-compare ni JC ang tambalan nila ni Rhian sa tambalan nila noon ni Yasmien? Aniya, "Iba yung working relationship namin ni Yasmien, iba dito. Hindi ko pa masasabi kung ano ang mangyayari sa amin dito ni Rhian habang ginagawa yung show. Basta kung ano ang mangyari day by day, âyon na lang." NO COMMUNICATION. Speaking of Yasmien, nagulat kami nang sabihin ni JC na matagal na silang walang communication ng young actress. Ano ang dahilan ng hindi nila pag-uusap? "Ewan ko, hindi ko rin alam," sabi ng young actor. "Siguro dahil busy ako sa work, may sarili akong ginagawa. âTapos hindi nagku-krus yung landas namin sa GMA kaya hindi kami nagkakaroon ng chance na makapag-usap. "Siguro choice niya!" natatawang sabi ni JC. "Hindi niya ako pinapansin, e. Ako, ever since naman, hindi ako plastic sa tao. âPag ayoko siyang pansinin, hindi ko siya papansinin. E, since hindi nga kami nagkikita, so wala talaga..." Meron ba silang pinag-awayan? "Away, wala," sagot ni JC. "Never akong nakipag-away sa kanya. Meron siguro mga petty fights, yung mga tampuhan na maliliit lang. Pero yung away talaga, to the point na hindi kami magpapansinan, wala." Sa palagay ba ni JC ay nagseselos si Yasmien sa pakikipagtambal niya kay Rhian? "Sa tingin ko, hindi. Tingin ko meron lang siyang pinagkakaabalahan na iba," maikling tugon ng young actor. May balita na tinanggihan ni Yasmien na mag-guest sa isang episode ng Obra ni JC. Totoo ba ito? "Ipinarating ko sa kanya, pero hindi ako yung personal na nag-alok sa kanya. Hindi niya siguro ni-reject. May sinabi siya, e, busy siya sa school niya. Naintindihan ko naman. Naiba tuloy yung gumanap. Siyempre, na-misinterpret na naman ng ibang tao na ni-reject niya yung offer. Pero sa akin, okay lang naman. I have nothing against Yas," diin ni JC. Iginiit din ni JC na wala siyang girlfriend ngayon. Paliwanag niya, "Ngayon kasi, sa dami ng nakukuha kong work, sa dami ng naibibigay sa aking blessings, siguro mas maganda kung seryosohin ko na yung ginagawa ko. I mean, habang nagma-mature ako, talagang lumalaki na yung interes ko sa ginagawa ko. Habang tumatagal, gusto ko bago nang bago yung ginagawa ko. Gusto ko nag-i-improve ako nang nag-i-improve. Mas nagiging seryoso ako sa trabaho ko." Napaso na ba siya sa showbiz pagdating sa mga relationships? "Medyo," pag-amin ni JC. "Kasi hindi naman ako yung tipo ng lalake na ligaw na lang nang ligaw, e. Ayoko nang maging vocal sa personal life ko. Kumbaga, yun na lang ang privacy ko. Yun na lang ang matatago ko sa sarili ko." - Philippine Entertainment Portal