PEP: Alleged Criselda Volks sex videos proliferate
Kumakalat na sa pamamagitan ng Internet forums, e-mails at cellphone videos ang sex video scandals ng isang babaeng diumano'y ang sexy actress na si Criselda Volks. Apat ang sex videos, at sa apat na yun, pawang may closeup shots pa ang babaeng nasa video na diumano'y si Criselda. May mga closeup shots din ang lalaking ka-sex ng babae sa video, bagama't bahagyang kita lamang ang mukha nito sa mga kuha dahil nasa akto nga pakikipag-sex. Si Criselda Volks ay nakilala sa mga pelikulang sexy ang tema. Nagsimula siya ng kanyang showbiz career noong late â90s at kabilang sa mga pelikulang nagawa niya ay ang No Read, No Write (1997), Walang Katapusang Init (1998), Kaleldo (2006) at Siquijor: the Mystic Island (2007). Pansamantala namang nagpahinga ito sa showbiz nung 1999 hanggang 2002, nang makarelasyon ang aktor na si Cris Villanueva at nagkaanak na lalaki rito. Nakipaghiwalay siya kay Cris nung 2005. Huling nagkaroon ng balita tungkol kay Criselda nung 2007, nang nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng detergent soap at liquid bleach. Dali-daling isinugod sa ospital si Criselda, ngunit tumangging magpa-admit sa ospital na pinagdalhan. Umuwi na lamang ito ng mag-isa, sakay ng taksi, sa tinutuluyang condo unit sa Makati City. Nung una'y sinabi nitong nalulungkot lang siya dahil sa pag-iisa kaya siya nagtangkang magpakamatay, kalaunan ay inamin nitong ang pakikipag-split sa boyfriend niya ang tunay na dahilan ng kanyang tangkang pagpapakamatay. Wala nang narinig pang muli tungkol kay Criselda matapos ang mga balitang iyon, hanggang sa nagsimula na ngang kumalat sa Internet at pagpasa-pasahan sa mga cellphones ang tinagurian nang "Criselda Volks Sex Video Scandal." Sa ilang Internet forums, diumano'y boyfriend ni Criselda ang lalaking nasa video. May mga nagsasabi pa ngang very recent lang ang scandal na ito dahil sa isa sa mga video ay nakasuot pa ang babae ng football jersey ng British football team na Arsenal. Ang jersey na ito raw ay para sa 2006-2008 international football season. Sa kolum naman ni Ogie Diaz sa People's Tonight na "May Gano'n?" na lumabas nung October 27, isinulat nitong lubhang nakakaawa raw ang itsura ng babae sa video na diumano'y si Criselda. "Hindi maipagkakailang siya yung nasa video na nakahiga sa kama at âsinasamantala' ng isang Malaysian," report ni Ogie. "Gusto naming murahin nang bonggang-bongga yung lalaki, dahil ânagamit' na nga niya 'yung katawan nu'ng babae, talagang kinunan pa niya ng video. "Ginawa nitong âbading' si Criselda," ulat pa ni Ogie. Sa pagkakasulat na ito ni Ogie, mahihinuha na kung anong klaseng sex positions ang ginawa ng lalaki sa babaeng sinasabing diumano'y si Criselda. Habang sinusulat ang balitang ito'y sinikap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Criselda Volks at mahingan siya ng pahayag sa pamamagitan ng pagtawag namin sa kanyang cellphone number. Ngunit hanggang sa lumabas na ang balitang ito't hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot ang aming text at tawag tungkol sa mga nasabing sex videos. - Philippine Entertainment Portal