PEP: Ricky Davao still afraid to be typecast in gay roles
Nagsimula na si Ricky Davao ng shooting para sa bagong proyekto ng MLR Films ni Atty. Joji Alonso. Ito ay may pamagat na Parangal, kung saan sila ni Julio Diaz ang mga pangunahing bida at mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian. Ang MLR Films din ang nag-produce ng award-winning film na Kubrador, na idinirek din ni Jeffrey. Hindi pa man naipapalabas ang Parangal ay pinag-uusapan na ito dahil nga sa mga kontrobersiyal na eksenang nakapaloob dito, which is intended for global audiences. "Parang From Here to Eternity nga yung eksena sa may beach, na ang feeling ko, ako si Deborah Kerr!" aliw na aliw si Ricky sa pagkukuwento sa PEP. "Nagulat nga ako kasi we're supposed to just have fun on the beach at walang kissing. Tapos bigla na lang sinabi ni Direk Jeffrey, 'Mas okey siguro kung you end up kissing!' "Sinabi ni Direk na he will talk to the boy [Kazuo Nawa], yung newcomer na kaeksena ko. Baka willing daw na gawin yun. Natawa ako at sinabi ko kay Direk, 'Natanong n'yo na ba sa akin kung okey na gawin ko?' "Kasi, biglang nag-isip ako. Yung tatay na Japanese, nasa set, at kailangang ipaliwanag na 'okama' [bading] ang role ko, and we have to frolic on the beach, kaming dalawa ng anak niya. Eighteen years old lang ang bagets. Naisip ko lang, paano kung ako yung tatay ng bata? Yun lang naman. Kaya sa eksenang yun, pagulong-gulong kami sa beach, pero may impact pa rin!" natatawang sabi ni Ricky. Medyo nailang pa ng bahagya si Ricky dahil around eight nuns daw ang nasa set at nanonood ng shooting. Kuwento pa ni Ricky, "Nasabi ko kay Direk, baka hindi naman kailangan. Pero sabi kasi ni Direk, kailangan daw kasi talaga dahil yun ang pagmumulan ng pagseselos ni Julio [Diaz], who portrays the role of my lover. "Nag-suggest na lang ako na panggigigilan ko na lang yung bata. Yung ending ng eksena bago nag-cut, nag-lean na yung bata sa may chest ko. Kasi yung chest ko, may tattoo." Wala na ngang takot ang impresyong naikakapit kay Ricky pagdating sa pagpo-portray ng gay roles sa big screen. Hindi na mabilang ang gay roles na ginampanan niyaâkabilang na ang Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya at Mga Pusang Galaâat wala naman siyang hang-ups sa sexuality niya para gawing isyu pa ito. "Sinasabi kasi ng iba, baka ma-typecast na ako. Pero hindi pa rin naman," sabi ni Ricky. "Takot din akong umabot doon. Baka hindi na ako makaganap ng straight guy roles, di ba? So far, okey pa naman. "Katuwiran ko kasi, okey na yung may ginagawa ako kesa wala. Role pa rin 'yan, e. As an actor, kahit sabihing gay 'yan, iba-iba pa rin ang challenge niyan. Ganoon lang ang attitude ko riyan kaya walang nagiging problema sa akin. Yun nga lang, kapag maselan ang eksena, kailangang ipaliwanag na mabuti sa akin kung ano ang gagawin ko." NON-STOP RUMORS. Madalas na nagiging laman pa rin ng blind items sina Ricky at ng asawa nitong si Jackielou Blanco. Ayon sa blind item, sila raw ang mag-asawa na nagsasama na lang for the sake of their children, at ang totoong set-up ay hiwalay na rin naman sila. "Hindi namin kailangan ni Jackie na magpaka-defensive sa bagay na 'yan dahil, ever since, walang katotohanan 'yan," diin ni Ricky. "Katulad din kami ng ibang mag-asawang nagkakaproblema, pero sinu-solve namin yun ng kami-kami na lang at hindi na umaabot pa sa ibang tao. "If there are still incessant rumors, hayan na lang natin. Kasi kami naman ang nakakaalam ng totoo. Magtatagal ba kaming magkasama kung ganoon ang set-up? Para ano pa? Nakakatawa naman yung mga interpretation na ganyan," napapailing na sabi ng aktor. So far, sa mga anak ni Ricky, kahit daw magkahilig ang mga ito sa pag-arte o sa showbiz, hindi raw ito basta papasok sa showbiz. "Mahirap kasi dahil sa Poveda sila nag-aaral, mahigpit doon. Hindi sila puwedeng nakikita in public, at kilala sila bilang mga artista. Noon nga, okey pa ang pagtanggap ng commercials. Ngayon, maski yun, hindi na puwede. "Kaya mag-aral na muna sila. If the right time comes na pag-aartista talaga ang gusto nila at nasa dugo naman nila yun, they can go on with that. Pero sa ngayon, mukhang malabo," saad ni Ricky. HALL OF FAMER. Elevated na sa Hall of Fame si Ricky sa nakaraang Aliw Awards sa kategoryang Best Stage Actor. Isa na naman itong achievement para sa mahusay na aktor. "Una akong nanalo sa Bongbong at Kris, that was l988. Nawala ng ten years ang Aliw. When it came back, nanalo uli ako for the stage play entitled Sawi, which was written by Wilfrido Ma. Guerrero. Then, I won again in Insiang. "Because of that, na-elevate nga ako sa Hall of Fame. Siyempre, very happy ako. Kasi hindi naman lahat ng artista, nare-recognize ang acting sa theater. Pagdating sa teatro, sobrang passion at hard work talaga ang kailangan kaya talagang ina-appreciate ko nang husto ang recognition na ito sa Aliw," pagwawakas ni Ricky. - Philippine Entertainment Portal