PEP: Ogie Alcasid on Desperadas 2: Mahirap maging babae
Maraming hindi nakakilala agad kay Ogie Alcasid kahit nakaupo na siya sa presidential table during the presscon of Desperadas 2, Regal Entertainment's entry to the 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Babaeng-babae kasi si Ogie na naka-gown with matching wig at makeup na pinaitim ang kulay niya. Bago ang formal presscon ay nakusap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie. Tinanong namin siya kung nakita na siya ng girlfriend na si Regine Velasquez na ganoon ang suot at kung ano ang reaction nito. "Once pa lang niya akong nakita. Wala naman, natawa lang siya nang makita ako. Hindi naman siya na-insecure. Kapag iba na ulit ang ayos ko, pinapadala ko sa kanya sa MMS!" natatawang sabi ni Ogie. Ang mga anak niyang sina Leila at Sarah, pinadadalhan din ba niya ng MMS ng mga kuha niya bilang si Luga Luda? "Ipinakita ko sa kanila nang pumunta ako sa Australia. Pinagtawanan nila ang picture nang makita nila. Sabi ba naman sa akin, âIs that really your job, dad?' Ikinuwento ko sa kanila ang role ko sa movie at tawa sila nang tawa." Bakit siya pumunta ng Australia? "Wala lang, na-miss ko lang bigla ang mga anak ko," sabi ni Ogie. "Kaya after ng last shooting day ko ng Desperadas 2, pumunta ako ng Australia. Four days din ako doon. Kababalik ko lang last Saturday [November 29]. Hindi naman ako puwedeng magtagal dahil ang dami kong commitments. Nag-dubbing pa ako ng movie dahil sa December 5 na ang final submission ng entries sa festival." Itutuloy pa ba niya ang pagpunta sa Australia sa Christmas? "Yes, sa December 26 ako pupunta doon. Pero nandito na rin ako ng New Year dahil may show pa ako," banggit niya. OGIE FOR BEST ACTRESS? Sa palagay ba niya, if ever na ma-nominate siya sa awards night ng MMFF, saan category siya ilalagay: Best Actor or Best Actress? "Best in swimsuit!" biro ni Ogie. "Ano ba, saan ba dapat? Hindi ko alam, e!" Nabanggit kay Ogie na noong gawin nina Dolphy, Eric, at Jeffrey Quizon ang Markova: Comfort Gay, nanalo si Jeffrey as Best Supporting Actor. Pero nang isali ang pelikula sa Brussels International Film Festival sa Belgium, nanalo silang tatlo ng Best Actor at Best Actress awards. "Bahala na ang mga judges kung saan ako ino-nominate if ever na mano-nominate ako," sabi na lang ni Ogie. Inamin ni Ogie na nahirapan siya to portray the role of a woman, pero thankful siya na sa kanya ibinigay ng Regal Entertainment ang role. Matatandaan na si Eugene Domingo sana ang gaganap sa role ni Luga Luda, pero nag-backout ito dahil sa ilang problema. "Nang malaman ko na girl talaga ang role ko at hindi bading, nang magsimula akong mag-shooting, medyo nahihiya rin ako. But naisip ko, I just want to have fun. "Natutuwa ako kapag pumupunta ako sa location, pagbaba ko sa kotse na nakabihis-babae na ako, may magbubukas ng car at tatawagin akong âMa'am.' Ilang beses na rin akong napagkamalan talagang babae, lalo na noong nag-shooting kami sa The Fort. "Ang mga sisters ko naman sa movie [Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera at Iza Calzado], yakap nang yakap sa akin. Walang malisya kaya minsan binibiro ko sila na sana kapag lalaki ako, ganoon din sila yayakap sa akin. Pero ngayon ko nalaman na talagang mahirap maging babae," wika ni Ogie. Patuloy niya, "Sa shooting, kung 10 a.m. ang call time ng mga girls, ako 7 a.m. pa lang, nasa set na. Kasi three hours ako nilalagyan ng makeup. Kasi nga, kailangang umitim ako. Ang makeup ko galing pa ng Germany ni Warren Munar. "May eight kinds of wigs ako, ibinabagay sa suot ko. Nilalagyan ako ng boobs, nakadikit sa skin ko, na kung minsan, kapag nagmamadali sa pagtatanggal nito, nadadala ang skin ko. Nilalagyan din ako ng fake fingernails, na masakit kapag tinatanggal na. Isa pa, ang mahirap, kapag nakabihis na ako, nahihirapan na akong mag-CR!" Sino ba sa kanilang lima nina Ruffa, Rufa Mae, Iza, at Marian ang mauuna sa billing ng Desperadas 2? May nagsa-suggest na alphabetically arranged na lang daw. Kung susundin âyon, hindi si Ogie ang mauuna sa billing. "Wala akong alam tungkol sa billing," sabi ni Ogie. "Basta ang alam ko, ang Desperadas 2 ay movie ng apat kong sisters, and I am only a welcome addition to the movie. Nagpapasalamat nga ako kina Mother Lily [Monteverde], Direk Joel at Manny [Valera, line producer ng movie], na ako ang naisip nila at ipinagawa sa akin ang character bilang isang babae. "Ang role ko ay dedicated ko kay Direk Joel at sa lahat ng dark women of the world. Isang naiibang role kasi ang ibinigay nila sa akin na dahil isa nga akong prinsesa, mayaman ako at ang type ko mga guwapo at batang men. "Nagpapasalamat din ako sa nakatambal ko rito na si Carlo Guevara. Napaka-professional niya at hindi siya tumangging magpakasal sa akin at halikan ako. Napaka-cute niya!" biro pa ni Ogie. - Philippine Entertainment Portal