ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Kuh gets emotional while singing in Divas 4 Divas


Bukuhan at hindi rin nawala ang papuri nina Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, at Regine Velasquez sa kapwa nila diva na si Kuh Ledesma sa ginanap na Divas 4 Divas concert noong Sabado, December 6, sa Araneta Coliseum. Si Kuh kasi ang nagsilbing daan para mapagsama-sama silang apat sa isang malaking concert sa kauna-unahang pagkakataon. "Maraming salamat!" bulalas ng Pop Diva. "This is really an evening I will never forget. Napakasarap kasama nina Regine, Zsa Zsa, at Pops!" saad ni Kuh nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Araneta Coliseum pagkatapos ng kanilang concert. "Huwag na lang at secret!" bulalas naman uli ni Kuh nang tanungin namin kung bakit naging emosyunal siya sa spot number niya na "I Will Always Love You." Tulad ni Regine Velasquez ay kitang-kitang napaluha rin siya. May nag-isip na na-touch lang siya masyado bilang concert producer dahil natupad na niya ang kanyang dream concert sa kabila ng mga aberya a few days before the event. May iba pa bang dahilan? "Siyempre, meron din naman akong minamahal sa buhay. Kaya lang, siguro naisip ko lang na hindi kami maayos ngayon... Huwag na lang, naiiyak ako..." bitin na sagot ni Kuh. Lumalabas na lovelife din pala ang reason ng kanyang pagiging emotional. Sa kanilang apat nga, si Kuh lang ang walang special someone, other than her daughter Isabella, na umakyat ng stage at nag-abot ng bulaklak sa kanya. Regine has Ogie Alcasid, na siyang masipag na naging photographer that night for the Asia's Songbird. Pops naman has Jomari Yllana na nasa isang front seat. And Zsa Zsa, of course, has Dolphy, na kasama pa ang kanilang dalawang dalaga na sina Nicole at Zia. "Siyempre, love song yun [‘I Will Always Love You], e," paliwanag ni Kuh. "Talagang may minamahal ako sa buhay. Kaya lang, kung minsan nga lang, may mga challenges, may mga test sa buhay. Pero nagpapasalamat lang ako na may mga kaibigan at may Panginoon na nagbibigay sa akin ng strength. "And this show, this is so special to me. I thank the three divas—sina Regine, Zsa Zsa, and Pops—for working very hard. Alam ko, pagod na pagod sila. Pagod na pagod na kami actually, pero we just really gave our best to the audience. Maraming-maraming salamat sa suporta." WHY ROWELL RESIGNED. Divas 4 Divas is also considered another milestone on Kuh's part, being a concert producer. Ito ay sa kabila ng ilang naging balakid bago ang mismong concert. Nandiyan pang nawala ang original director nila, si Rowell Santiago, at pinalitan nga ito ni Johnny Manahan. "Well, ako kasi, simple lang akong tao," sabi ni Kuh. "Kapag sinabi mo sa akin na hindi puwede, kahit na nag-promise ka, wala akong magagawa. But there will be another time, I know. I've been wanting to work with Rowell. "Rowell, mahal kita, at hindi totoo yung sinasabi sa mga diyaryo na binastos ko si Rowell. Walang katotohanan yun. Dahil nang tinawagan ako ni Rowell after the show of Gary Valenciano, alam ko na napagod din siya run dahil napakahirap na show nun. Sabi niya, ‘I don't have enough time.' "At saka siguro feeling niya, he's very challenged with us. Lahat kami, ang schedules namin, very busy. Kaya sabi ko, ‘Okey, sigurado ka ba?' Sabi naman niya, ‘Yeah.' Sabi ko, ‘Wala kang problema sa akin, ha?' Sabi niya, ‘Oo.' So, siguro na-misinterpret lang ng ibang tao." TV COVERAGE. Dahil ang media partner ng Divas 4 Divas ay ang GMA-7, sinasabing sa Kapuso network maipapalabas ang concert. Totoo ba ito? "Hindi ko pa alam kung maipapalabas sa TV. Wala, e, wala pa kaming plano. People want us to show it, pero alam mo naman... Hindi na natin kailangang i-explain ‘yan. "Pero definitely, we're gonna go on a U.S. tour starting March. And then, we'll go home on April and we'll go back again on May. We have 18 to 20-city tour. It's a very exciting show. Bonding na rin naming apat and we're gonna have such great time talaga!" pagtatapos ni Kuh.- Philippine Entertainment Portal