PEP: Remembering '70s Jukebox Queen Didith Reyes
Nakilala si Didith Reyes bilang mahusay na mang-aawit nung dekada â70 via the hit songs "Araw-Araw, Gabi-Gabi," "Nananabik," "Bakit Ako Mahihiya?," at marami pang iba. Maliban sa pagkanta, nakilala rin si Didith bilang aktres. Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan ay biglang nawala sa limelight si Didith. Na-in love daw siya at nagluka-lukahan. Sa isang awards night, muling lumikha ng ingay si Didith. Naging controversial ang pag-appear niya sa naturang awards night dahil sa suot niyang manipis na damit at sa pagkanta niya ay biglang lumitaw ang kanyang mayamang dibdib. Pagkaraan ng controversial appearance niya, muli siyang naglahong parang bula kasabay na rin ng paglaho ng kanyang ningning bilang entertainer. After almost three decades, bigla na namang lumitaw si Didith. Pero this time, sa isang TV showbiz talk show. She claimed she was a battered live-in partner. At lumabas pa siya sa TV na may pasa sa mukha at ilang bahagi ng kanyang katawan. NEW LIFE. Little did we know that after few months na napanood namin siya sa TV ay makikita namin siya nang personal. Sa tanggapan ng Reyes Haircutters (RHC) Main Office sa Anonas sa Quezon City. Hindi namin agad nakilala si Didith. It was only then when Mr. Les Reyes, RHC President and Chief Executive Officer, introduced Didith to us. Nanibago kami sa kanyang hitsura. Iika-ika habang naglalakad at may tungkod na umaalalay sa kanyang pagtayo at paglakad. "May pilay ang balakang ko," tinuran ng dating sikat na singer nang pansinin namin kung bakit may tungkod siya. "Hirap akong maglakad. Kaya lagi akong may tungkod. Dagdag niya. "Kapag medyo nagkapera na uli ako, ipapa-check-up ko ito. Medyo nahihirapan ako pero kailangang kayanin. Kailangang mabuhay. Kailangang magtrabaho. Gusto ko nang magbagong buhay. Ang RCH ang tumulong kay Didith sa kanyang pagbabagong-buhay. Kinupkop siya ng sikat na franchise salon ng bansa at binigyan ng pagkakataon para muling makapagsimula. At dahil sa pilay na balakang, in-assign na lang ng RHC office si Didith bilang receptionist. Na tipong nakaupo lang at taga-tanggap ng customers. "Going straight na ako," sabi niya sa amin. "Tapos na yung kaluka-lokahan ko. Ayokong sirain ang tiwalang ibinigay sa akin ng mga tao. Lalung-lalo na si Les. Hindi man niya ako ganu'n kakilala, pero binigyan niya ako ng pagkakataong maituwid ang mga pagkakamalaki ko. "Marunong naman ako sa parlor. Nag-aral ako dati pero hindi ko nga lang natapos kasi that time I was busy with my singing. Kabi-kabila ang shows ko noon. Kumbaga, pasulpot-sulpot lang ako dati sa school pero kahit papano, may natutunan din naman ako. Now I can share what I'd learned in school," mahabang kuwento ni Didith. THE LAST INTERVIEW. A month ago before she died last December 10, 2008 sa Sta. Rosa, Laguna, muling kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Didith habang nag-e-entertain ng customer. Alive na alive at nakikipagbiruan pa sa ilang customers. "Masaya na rin ako sa buhay ko," ani Didith. "At this point in my life, wala na siguro akong mahihiling pa. Kuntento na ako. Masaya na ako dahil natagpuan ko yung mga taong nagpapaligaya sa akin ngayon. I owe Les a lot kung bakit buhay pa rin ako hanggang sa ngayon." Ayon naman kay Les, bunsong kapatid ni Ricky Reyes, hindi niya matanggihan si Didith nang lumapit at humingi ng tulong sa kanya. "In my own little way, gusto kong tulungan si Didith na maituwid ang kanyang buhay. Hindi pa naman huli ang lahat. Bata pa naman siya at malayo pa ang mararating. Sa tulong ng RHC, alam kong may maibabahagi pa rin siya. I know, she has a long way to go," lahad ni Les. Napag-alaman ng PEP na huling pasok ni Didith sa RHC Anonas ay noong December 2. Hanggang pumanaw na ito nung December 10 sa Sta. Rosa, Laguna, sa bahay ng isa niyang kaibigan. Kaya laking gulat ng RCH staff sa sinapit ng dating sikat na singer. At hindi rin sila makapaniwala na namatay raw ito sa bugbog. "Hindi kami makapaniwala," says one staff who requested anonymity. "We last saw her last December 2 until we learned of the sad news. Ni hindi nga nagpaalam sa HR department na magli-leave siya." At wala rin daw alam ang RHC na may itinatagong boyfriend ang dating singer-actress. "Wala kaming alam. Wala rin kasi siyang naikukuwento sa amin," maikling sagot ng kausap namin. Bago namatay, nag-iwan pa si Didith ng mensahe sa mga taong tumutulong at nagmamalasakit sa kanya. "They're all very supportive," ani Didith. "Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang kabaitan nila sa akin. Basta't ang pangako ko, gagawin ko ang lahat to prove na nagbago na talaga ako." Sa ngayon, nakalagak ang mga labi ni Didith sa Mt. Carmel Church sa Quezon City at nakatakdang ilibing bukas, Martes, December 16.- Philippine Entertainment Portal