PEP: German Moreno reveals That's 'secrets'
Pagkatapos ng reunion ng mga dating miyembro ng That's Entertainment sa Master Showman Presents Walang Tulugan ni German Moreno, nag-guest naman ito at naupo sa "Digital Don't Lie To Me Segment" ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central. Hindi pa man nakasalang sa mismong lie-detector machine, inintriga na agad ito ni Sweet dahil alam daw niyang maramdamin si Kuya Germs sa mga iniimbitahan niyang hindi sumisipot. So, meron daw bang mga dating That's members na hindi nagsidating? "Well, sasabihin ko ba ang pangalan?" tanong naman niya kay Sweet. "E, si Ano, isa sa hindi dumating..." Hindi na itinuloy ni Kuya Germs ang pagbanggit ng pangalan, humirit na lang si Sweet na alam na raw ng pinatutungkulan ni Kuya Germs kung sino sila at mag-text na lang kay Kuya Germs para mag-sorry. KUYA GERMS TO EVERYONE. Sinimulan na ang pagtatanong sa pamamagitan ng pagbanggit ng "easy" question: Since kilalang Noranian si Kuya Germs, totoo bang secretly ay isa rin itong Vilmanian? "No," ang sagot ni Kuya Germs, na tinumbasan naman ng "truth" ng lie-detector. "'Yan ang gusto kong maipaliwanag sa lahat. Actually, wala akong sina-side. Being in the industry for so many years at itinuturing kang ama... Kahit na noon pa, âkuya' ang tawag sa âyo at hanggang ngayon ay âkuya' pa rin tawag sa âyo ng lahat. E, hindi naman ibig sabihin na porke't napadikit ako kay Guy, wala na akong pagpapahalaga kay Vi. "Para sa kaalaman ng lahat, ako ang lumikha ng isang istorya para isapelikula ng Sampaguita Pictures, yung Young Love. Magkasama sina Guy, Pip [Tirso Cruz III], Edgar Mortiz, at Vilma para sa isang pelikula for the first time, and it was a big hit! After that movie, kinausap kaagad ni Atty. [Espiridion] Laxa si Edgar at si Vilma para mag-sign under Tagalog Ilang-Ilang Films. And the controversy ng dalawang love team na ito ay doon nagsimula at doon na uminit ang mga tinatawag nating tagahanga." THE JANNO-MANILYN-BING TRIANGLE. Sa "moderate" level naman, totoo raw ba ang bulung-bulungan noong araw na pinagsabay raw ni Janno Gibbs bilang girlfriend sina Manilyn Reynes at Bing Loyzaga? Napahinto si Kuya Germs, nag-pause at natawa, bago ito sumagot, "Yes." Palakpakan ang audience at ang resulta naman ng digital lie-detector machine ay "Truth." Sweet asked Kuya Germs kung pinagalitan daw ba niya si Janno sa pangyayaring yun. "Well, knowing Janno, alam n'yo, misteryoso âyang Janno na âyan talaga! Hindi ko akalain na yung kaliitan niya na yun, pagdating sa pag-ibig, e, mabilis na bata. So, noong kumakalat na yung mga ganoong problema at alam n'yo naman, being the tatay of That's Entertainment, palaging ako ang nasisisi. Akala, e, kunsintidor ako. So, naparatangan ako talaga. Pero, alam n'yo naman si Janno, malambing din âyan at marunong magdala. Pero, nasaktan niyang talaga si Manilyn at that time." Sabi pa ni Kuya Germs, "Gusto mo pa ng karugtong doon?" na sagot naman ni Sweet, ay huwag na raw dahil palaging nanonood ng Showbiz Central si Janno. But Kuya Germs continued with his story. "Kinausap ko si Bing noon at medyo nagalit ako kay Bing no'ng time na yun. Nag-iiyak si Bing talaga at nagsumbong pa sa mommy niya. Bakit ko raw ginagano'n si Bing kasi, inaalis ko siya sa That's Entertainment. E, mangyari, nabubuo kasi ang love team nina Manilyn at Janno. It's not yung iniisip ko yung pag-iibigan nilang dalawa, hindi ako nakikialam dun! Ang ano ko, e, gusto kong maintindihan niyang Manilyn-Janno, mainit na sa mga fans at huwag niyang sirain yung pagmamahal ng mga fans na makakatulong sa career ng dalawa." Pero mabilis din namang nilinaw ni Kuya Germs, "Pero mahal ko si Bing, ha! Nalulungkot din ako." RITA'S REAL AGE. Next question, totoo raw ba na nang pumasok si Rita Avila sa That's, ayon sa pagkakakilala ni Kuya Germs ay 27 years old na nga ito at hindi 19? Natawa muli si Kuya Germs bago sumagot at saka sinabing, "No." But this time, Kuya Germs got a "lie" result from the machine. Ayon kay Sweet, umamin na raw si Rita sa isang interview na hindi nga totoong 19 ang age niya noong sumali ito sa That's. Kaya ang tanong na lang, si Kuya Germs ba ang nagpayo rito na magpabata ng edad? "No, no... Hindi ko sinabi. In the first place, hindi ko naman alam na 27 na siya or kung anuman ang edad niya. Pero ang dating niya, it's a material na puwedeng gamitin na pangkontrabida. Ganoon ang nasa isip kong pagpaplano sa career niya. And, I think, ganoon ang takbo ng mga roles niya." RUFA MAE'S AUDITION BOOBOO. Sa "difficult" level, totoo raw ba na nang mag-audition sa That's si Rufa Mae Quinto ay sinabi ni Kuya Germs sa kanya ang mga katagang, "Pangit kang kumanta, maputi ka lang." Ikinatili naman ito ni Rufa Mae na naririnig sa background na nagpoprotesta sa katatapos lang na tanong. Pero ang sagot ni Kuya Germs ay "Yes," na tinumbasan naman ng "lie" ng lie-detector machine. "Noong mag-audition siya at kumanta nga siya, sintunado, wala sa tono. So, hindi ko na pinatapos ang kanta. Sabi ko, tama na, tama na, itigil muna. Sinabi ko sa kanya na alam mo, sa totoo lang, maputi ka lang. Pero dahil maputi ka, sige tatanggapin kita." Tinawag din ni Sweet si P-Chi para umapela at ikinuwento nga nito ang totoong nangyari nang mag-audition siya sa programa ng Master Showman. CONFLICT WITH MO. Bago ang sumunod na tanong, nagpasakalye muna si Sweet. Naging kontrobersyal ang sandaling hidwaan nina Kuya Germs at Mo Twister. Nasabi raw kasi ni Mo na si Kuya Germs ang pinaka-hindi niya gustong magdala ng damit among the local celebrities. Kinabukasan ay pinuntahan daw siya ni Mo sa kanyang radio program at agad naman daw niyang tinanggap ang sorry nito. Ang tanong: Totoo ba na pinatawad na niya talaga si Mo? "Yes" ang sagot ni Kuya Germs at "truth" naman ang resulta ng test. Napapansin nga raw ni Sweet na hindi na masyadong makikintab na damit ang sinusuot ni Kuya Germs, yun daw ba ay sinasadya? "Actually, yung mga makikintab ko, malilit na sa akin. Hindi ko na maisuot. At saka, medyo lumaki ang tiyan ko, pero, kung meron pa rin pupuwedeng gamitin, gagamitin at gagamitin ko pa rin." Ang nasabi pa ni Kuya Germs tungkol kay Mo, "You know, one thing I can answer now about DJ Mo, is yung lakas ng loob niyang pumunta sa radio show ko para humingi ng tawad. That's something na hinahangaan ko sa kanya." BITTER SUPERSTAR EXPERIENCE. And for the "Now or Never" question, totoo raw bang noong panahon ng kasikatan ng Superstar sa telebisyon ay tinanggal na siya bilang co-host ni Nora Aunor, pero ipinaglaban siya ng Superstar na manatili bilang co-host niya? "Yes," ang sagot ni Kuya Germs and the result was "truth." "Okey, I want to share something at sana ay mapakinggan ito ng mga kasamahan natin sa industriya. Mapabago or mapadati, lalo na't higit sa mga baguhan ngayon. Sometimes, dumarating sa experience natin ang maraming bagay na dumarating sa isipan natin na dapat pag-aralan, at hindi kaagad yung galit ang itinatanim natin. "Totoong kamuntik na âkong matanggal sa Superstar during that time. Ang aking pagsisikap bilang talent sa simula, siyempre, makakaranas ka muna na ang iyong talent fee, tumataas. From P75 hanggang sa dumating sa P700. Then, all of a sudden, dumating yung dalawang letter sa akin at si Guy, nakatanggap din, na âCongratulations, Kuya Germs, you're part of the success of Superstar.' Siyempre, masaya âko at maligaya rin si Guy. The second letter, e, tine-terminate na âko sa Superstar. At sabay na sabay dumating yung letter na yun. "So, parang ang dalawang mukha ng showbiz ay nandoon na agad. Isang nakangiti at isang lumuluha. So, noong mangyari yun at nalaman ni Guy, doon na ako pinaglaban ni Guy na hindi siya makakapayag na mawala ako sa tabi niya sa Superstar. So, ang ginawa naman, from P700, ibinalik ang talent fee ko sa P250.00. And because of Nora Aunor, hindi ako tatanggalin. But I answered that person na kahit hindi n'yo ako bayaran, mag-i-stay ako dahil kay Nora. So, ang nangyari, ibinalik ako sa P250. Lahat ng mga tao, especially sa accounting, awang-awa sa akin. "Eh, ako naman, noong panahon na yun sa Superstar, kapag may problema siya at umaalis siya, ako ang...siyempre, may mga pagsubok, sama ng loob na nangyayari sa kanya. Dumarating sa point na nagwo-walk-out siya or hindi siya dumarating. Siyempre, dalawang bagay âyan. Either, nasa katuwiran or wala sa katuwiran. Ako ang naiiwan, then I always saved the show at tatawagan ko si Tita Pilita Corales. "So, yun...kahit nangyayari yun, yung rating ng Superstar, napapanatili ko sa itaas at dun, very thankful sa akin si Guy. At least, masakit nga na maraming beses na nangyari yun, pero, ganoon pa ang nangyayari sa akin. Ang tanong mo, bakit? Bakit kailangang mangyari?" THE LESSON. Sa huli, paalala pa rin ni Kuya Germs sa mga kasamahan, "Nakikita ko, maraming nagtse-change, maraming nagbabago. Nandoroon pa rin ang...hindi ko naman mabi-blame sa isang talent kung minsan, nababawasan ang pagiging professional ng isang artista. Pero, huwag tayong paakit kaagad, huwag tayong patatangay agad. "Kailangan, malakas ang iyong dibdib sa pagsubok na dumarating. Meron time na magpapaluwal ka, magbibigay daan ka, then, later on, makikita mo yung success, darating at darating din sa âyo. Konting barya rito, konting barya ro'n, kapag pinagsama mo, malaking pera rin âyan." Kaya hirit ni Sweet, "Ipinapaalala lang ni Kuya Germs sa mga artista, huwag kayong mukhang pera!" - Philippine Entertainment Portal