PEP: Ara Mina admits dating a young businessman
Isa pang bagong segment ng Showbiz Central this year ay ang "Intriga Crossfire," kung saan haharap at iinterbyuhin ng limang hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, Raymond Gutierrez, Mo Twister, at John "Sweet" Lapus ang kanilang guest celebrity. Kahapon, January 11, ang unang sumalang sa "Intriga Crossfire" ay si Ara Mina. Kaya hirit agad nito nang makitang nakapalibot sa kanya ang mga host ng Showbiz Central: "Ano âto? Para akong babarilin!" "Ito ang ceasefire!" hirit ni Rufa Mae, na itinama ni Mo nang natatawa na "crossfire." Pero sumagot pa rin si Rufa Mae, sabay sabi na, "Hindi! Kaya nga crossfire, parang ceasefire ang pagtanong! Ikaw..." Unang tanong ay galing kay Pia. Nagsalita kasi ang ex-boyfriend ni Ara na si Jomari Yllana na si Pops Fernandez na raw ang huling babae sa buhay niya. Kapag nakakarinig siya ng ganoon, nakakaramdam ba ng inggit si Ara? "Hindi, hindi ako naiinggit!" natatawa niyang sabi. "That's good for him, I hope..." Sumunod na tanong ay galing kay Sweet. Bakit daw noong baguhan pa lang si Ara, papalit-palit siya ng pangalan? Parang sa isang taon, tatlong beses siyang nagpalit ng pangalan? "Hindi naman sa isang taon," paglilinaw ni Ara. "Parang isang movie, isang name yata before. Banggitin ko lahat ha... Aramina Reyes, Dara Mina, Danica Gomez yung pinaka-last. Tapos sabi ko sa mommy ko, âMommy, balik na natin sa Ara Mina.' Kasi yung mom ko, nag-iisip, parang iniisip niya, walang nangyayari sa career ko. Parang iniisip niya, 'Palitan natin ang screen name mo.'" Gaano katotoo na may boyfriend ka na raw na bagong businessman, ang tanong naman ni Rufa Mae. "Hindi naman... Basta, I'm seeing someone. He's a young business man," sabay bati ni Ara ng "Hi!" "Wow, ang sweet!" sabi ni Rufa Mae. "Yeah, he's so sweet and he's so nice!" "Ano'ng business niya?" tanong ni Mo? "Huwag na, he's a private person," iwas ni Ara. Sa puntong ito, winarningan ni Pia si Mo to be careful in asking Ara dahil allowed lang silang magtanong ng isang question at a time. Pero dahil unang salang lang daw nila sa "Intriga Crossfire" kaya't pinagbigyan nila si Mo na makapagtanong pa. Ang tanong ni Mo kay Ara: "May bagong boyfriend ka, di ba? Pero sino ba ang mas minahal mo, Polo Ravales or Jomari Yllana? "Okey, I'll be honest," sabi ni Ara. "Siguro kung sino yung pinaka-tumagal kong relasyon. Si Jomari yun at four years kami. At saka ganoon naman yun, kung hindi n'yo mahal ang isa't isa, hindi naman kayo magtatagal." On Raymond's turn, ang naging tanong niya kay Ara ay ito: "May nakarelasyon ka bang artista na hindi alam ng publiko?" "Ay, hindi, honest naman ako. Siguro, merong naging close, pero hindi naman nakarelasyon." Pagkatapos ng love life, tungkol naman sa professional life ni Ara ang itinanong nila. "Gagawa ulit ako ng movie this year and, I think, I will be doing two indie films. I support indie film at isa na rito yung Marino," pagbabalita ng nakatatandang kapatid ni Cristine Reyes. Pia asked, "Will we be seeing more of you here in GMA-7?" "I'm freelance naman, e," sabi ni Ara. "Ever since, noong gumawa ako sa kabila [ABS-CBN], for that show lang at hindi ako naka-contract sa kabila. So, I can do any shows sa kahit na anong network." "Sa tagal ng samahan n'yo sa Bubble Gang, nagsisisi ka ba na umalis ka?" tanong ni Sweet. "I missed Bubble Gang!" sambit ni Ara. "But no, no naman...it's just a matter of, you have to do something for yourself lang at wala naman akong bad blood dito sa GMA. Nagpaalam naman ako nang maayos. They allow me. At okey naman, even sa kabila. Ako naman, ano naman ako, Miss Friendship nga ako." Follow-up question naman ni Rufa Mae sa tanong ni Raymond kung sino ang naging close ni Ara na hindi na-announce. "A, si Ogie [Alcasid]," sagot ni Ara. "Naging more than friends kayo?" singit ni Mo. "Hindi naman more than friends. Ang iniisip kong relasyon, yung naging boyfriend. So, ka-close lang." Tanong ni Mo, ano ba talaga ang naging pinakamalaking dahilan kung bakit sila nag-break ni Polo? "Malaking dahilan? Wala naman. Hindi lang talaga kami masyadong nagkakasundo. Iba ang gusto niya, iba ang gusto ko. Iba ang pananaw niya sa buhay, so that's it. Small stuff. Kasi, I'm very independent person." Sabi naman ni Raymond, he couldn't help but notice Ara's ring. Magkano ang cost nun? "Grabe naman!" reaksiyon ni Ara. "Heto, actually, pinagdiskusyunan na namin ito ng kasama ko. Sabi niya, âAre you sure, you will wear that?' Baka pag-isipan nilang engagement ring or something." Pagkatapos nito ay ipinaliwanag niya kung saan nanggaling ang dalawang singsing na nasa daliri niya. "Okay, this ring [diamond ring], I owe this to my mom. Ito yung engagement ring niya before sa isang guy na namatay. At ibinigay niya sa akin." Yung isa naman daw ay "ang kauna-unahang ring na nabili ko. At kung engagement ring man ito, magiging proud ako. Papangalandakan ko na may engagement ring ako." How much? "I don't know how much... Hindi ko pa napapaa-ano sa jeweler kung magkano. Hindi pa ako ipinapanganak [nung binili] sa diamond na ito, e." Pia told Ara na kung sakali raw na ma-solidify ang relationship niya with the businessman, they hoped na babalik si Ara sa Showbiz Central para magkuwento. "Yeah, but you know, if ever na magkaroon ng something talaga, siguro I'll keep it private na lang. Ayoko nang pinag-uusapan ang lovelife ko. Kumbaga, I'm a new Ara Mina now, it's 2009," pagtatapos ni Ara. - Philippine Entertainment Portal