ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Joyce Bernal gives up 'Lovers in Paris' for 'Babaeng Hinugot'


MANILA, Philippines – Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Joyce Bernal sa premiere night ng Star Cinema movie na "Love Me Again (Land Down Under)" sa SM Megamall nung Jan. 14. Hindi kataka-takang makita nang gabing yun si Direk Joyce sa naturang premiere night dahil malapit na magkaibigan sina Direk Joyce at ang male lead star ng movie na si Piolo Pascual. Kinumusta agad ng PEP ang batikang director tungkol sa pinagkakaabalahan nitong project sa GMA, ang Marian Rivera-Dingdong Dantes teleserye na "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang." "Nakaka-five shooting days na kami. Hindi ko lang sure kung February 2 or February 9, depende yata sa tapos ng 'LaLola'." Sa tingin ba ni Direk Joyce, magiging hit din tulad ng mga naunang pinagtambalan nina Marian at Dingdong ang "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?" "Medyo ibang-iba kasi 'to kaya hindi ako sure. Hindi ko alam kung ang gusto pa rin ng mga tao is the same thing in 'Marimar' and 'Dyesebel' na more on romance talaga. This time kasi, it's more on action, suspense na romance." Pero ano ang puwedeng abangan sa "Ang Babaeng..."? "Actually, it will be good for me, and I think for Dong and Marian as an actor, as well as an actress. I don't know lang for them. It's a risk sa nakasanayan na dalawang soap, so, hindi ko alam talaga. Pero, parang yung excitement na nararamdaman ko was the same when I was doing 'Marimar'." May pressure na ba siyang nararamdaman dahil sa pagiging hit ng dalawang nauna na niyang proyekto for GMA? "Siguro may pressure, pero, hindi ko lang pinapansin," aniya pa. The 'link' Kinuha rin ng PEP ang reaksyon ng direktor tungkol sa sinasabing pagiging link niya o dahilan sa pagkakaroon ngayong ng isyu tungkol kina Marian at Dingdong. "Ewan ko ha, siguro naman beinte-tres na si Marian, or twenty-four ba? ‘Tapos si Dingdong naman twenty-seven or twenty-eight. Kapag nabuyo pa naman sila, e, di ibig sabihin, mahinang klase sila," natatawang reaksyon ni Direk Joyce. "Pero sa pelikula naman at saka sa TV, kapag palagi kayong magkasama, meron kayong relasyon na nabubuo. It's either ipu-push mo ng more than friendship or friends lang." So, more than friends nga lang ba ang dalawa? "Ang alam ko, hindi pa. Hindi pa talaga." 'Lovers in Paris' May offer din daw kay Direk Joyce na idirek ang Lovers In Paris na pagbibidahan naman nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Pero may balitang tinanggihan daw niya ito. Totoo ba? "Nagsabi nga sa akin si Tita Malou [Santos, ABS-CBN and Star Cinema managing director] before, kaso, nagpunta na sa akin ang GMA at nakapag-meeting na ‘ko, saka pa lang ako nabalikan. So, nauna na ang GMA. Nauna na itong "Babaeng Hinugot...'" Hindi ba siya nanghinayang lalo pa nga't sa Paris ang magiging location? "Pareho ko silang kaibigan. Yung soap na 'Lovers in Paris' mismo, gusto ko. Sabi ko nga, kung hindi sina Piolo at KC 'to, manghihinayang pa rin ako. Ang ganda ng 'Lovers in Paris. Sinabi ko naman agad kay Tita Malou. Kaso, sinabi ko rin naman na pasok na pasok na ‘ko rito sa 'Babaeng.' So, nakakahiya naman. Pagkasabi ko naman, naintindihan naman agad. Okey na." Wala naman daw problema kay Direk Joyce kung gumawa man siya ng show sa kahit na anong network lalo pa nga't hindi naman daw siya exclusive contract ng any network. Sa movie naman, may isa pa raw siyang gagawin for Star Cinema. "Meron na...meron ng isang offer. Pero hindi pa puwedeng sabihin." Indie project with Dong In terms of movies, na-mention ni Dingdong sa nakaraang press conference niya na may gagawin nga raw indie movie si Direk Joyce na malaki at may minor role ang actor. "Ah, meron...meron, pero, kapag puwede ko na i-reveal... Indie siya, pero, medyo bigger siya. It's a comedy na si Eugene Domingo ang bida." Baka raw bago mag-Holy Week ang pagpapalabas ng pelikula. "Bago or puwedeng after. Depende actually sa dating ng script. Yung script na lang kasi ang hinihintay." Friends again with Juday Masaya naman si Direk Joyce na finally, naayos na rin nga anumang gusot sa pagitan nila noon ng isa sa itinuturing niyang pinakamalapit ding kaibigan sa industriya na si Judy Ann Santos. Now that they are both okay, wish niya rin bang makitang muli ang tambalang Piolo at Juday sa isang pelikula? "Siyempre, gustung-gusto namin ni Piolo. Pero, unahin muna namin ang pagkakaibigan bago yung proyekto. Parang ganoon...unahin muna talaga namin. At saka, siyempre, kakaibigan lang namin, ‘tapos, ‘uy, may project ka na!' may ganoon ka na. So, uunahin muna namin ang pagkakaibigan." - Philippine Entertainment Portal