Sa panayam namin sa young actress na si Glaiza de Castro, nagbiro siya na mas nauna pang nalaman ng (Philippine Entertainment Portal) na siya ang gaganap sa role ni Eunice sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven. Ayon sa aktres, nalaman lang niya ang tungkol dito three days ago. Napilitan lang ipaalam sa kanya ng road manager niyang si Chino Sarenas na nakuha niya ang role dahil nalaman na ito ng entertainment press. Wala pang maikuwentong detalye si Glaiza sa PEP tungkol sa Stairway To Heaven dahil wala pang story conference. Hindi pa raw nagsi-sink in sa kanya na siya na ang gaganap sa importanteng role na gugulo sa buhay nina Cholo at Jodi. PLAYING EUNICE. Ano kaya ang naramdaman ni Glaiza nang sabihin sa kanya na siya si Eunice sa Stairway To Heaven? "Sobrang saya ko at nagpapasalamat ako kung totoo dahil sa ginagawa ko sa Kung Aagawin Ang Lahat, kaya sa akin nila ibinigay ang role ni Eunice. Salamat naman," ayon sa dalaga. May naiisip na rin umano si Glaiza na gagawin para maghanda sa kanyang gagampanang karakter bilang si Eunice.
Hindi ko pa thoroughly napag-aaralan ang character niya dahil hindi ko nga napanood nang buo ang Stairway. Pero sa napanood ko, medyo malalim ang character niya at hindi lang basta-basta nang-aaway.
â Glaiza de Castro
"Panonoorin ko ang Stairway To Heaven," ayon kay Glaiza. "Magma-marathon ako dahil ilang episodes lang ang napanood ko nang ipalabas yun sa GMA-7. Hindi ko nasubaybayan at kailangang kong panoorin nang buo. Dahil iba ang hair style ni Eunice sa sa Korean version, sinabi ni Glaiza na handa rin niyang alisin ang bangs sa kanyang buhok at magpa-hair extension kung kakailanganin. "Hindi ko pa thoroughly napag-aaralan ang character niya dahil hindi ko nga napanood nang buo ang Stairway. Pero sa napanood ko, medyo malalim ang character niya at hindi lang basta-basta nang-aaway. Ganun siya ka-extreme," pagpapatuloy ni Glaiza At dahil bad girl na naman ang magiging role niya sa
Stairway To Heaven. Hindi ba siya nangangamba na ma-typecast bilang kontrabida? "Okey lang, hindi problema sa akin," sagot ni Glaiza. "Sa TV lang naman ako bad girl dahil sa ginagawa kong mga pelikula, lalo na ang indie film, hindi ako kontrabida. Parang pambalanse ang bad girl role ko sa TV sa ginagawa ko sa pelikula." Ipinarating ng PEP na may ilang fans ang
Stairway To Heaven na nagdududa sa kakayahan niyang magampanan nang tama ang role ni Eunice. Ano ang mapa-promise niya sa mga fans? "Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint at para ma-meet ang expectation n'yo. Hindi ko sisirain ang character ni Eunice," pangako ng aktres.
Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint at para ma-meet ang expectation n'yo. Hindi ko sisirain ang character ni Eunice.
â Glaiza de Castro
WORKING WITH DINGDONG. Bukod sa magandang role, makakatrabaho ni Glaiza for the first time sa
Stairway To Heaven si Dingdong Dantes, na gaganap bilang si "Cholo." Si Rhian Ramos naman ang gaganap bilang J"odi," samantalang si TJ Trinidad ang napiling gumanap bilang "Tristan." "Oo nga! Sabi ko nga, wow, grabe!" bulalas ni Glaiza. "First time ko to work with him [Dingdong], although nakikita ko siya sa SOP at binabati niya ako. "First time ko rin to work with Rhian. It's my first time with TJ Trinidad and Direk Joyce Bernal dahil kahit noong nasa ABS-CBN pa ako, never kong nakatrabaho si Direk Joyce. Si Direk Andoy Ranay, nakatrabaho ko na nang mag-pinchhit siya ng one taping day sa
Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Ready na ba siyang makipag-kissing scene kay Dingdong? "Meron ba?" natatawang tanong niya. "Kinakabahan ako. Hindi ko muna iniisip sa sobrang saya ko na sa akin ipinagkatiwala ang malaki at importanteng role. Thankful talaga ako sa GMA-7 dahil mula nang lumipat ako, hindi ako nawawalan ng show. Minsan, napapahinga ako ng ilang months, pero laging may project for me."
UNEXPECTED SOAP. Ikinuwento ni Glaiza sa PEP na hindi niya iniisip na magkaroon ng bagong show dahil hindi pa tapos ang Sine Novela na Kung Aagawin Ang Lahat Sa Akin. Kahit nababalitaan niyang nagka-casting na para sa Stairway To Heaven, hindi niya iniintindi dahil sa afternoon soap nila ang focus niya. "Hindi ko inisip ng next soap ko dahil may ongoing soap pa ako. Saka, first time mangyari na hindi pa man tapos ang show ko, may next show na ako. Ang laki-laki talaga ng pasasalamat ko sa mga nagtitiwala at tumutulong sa akin," wika ni Glaiza. -
Nitz Miralles, PEP