ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP Update: Alpha Music sorry, pulls out rapper Blanktape's album
Nakatanggap ng text message ang PEP ilang oras pagkatapos lumabas ng artikulong ito mula kay Blanktape. Sinabi niyang nagdesisyon na ang Alpha Music na i-pullout ang kanyang album. Humingi rin sila ng paumanhin sa mga na-offend sa kanta niyang "Banana." Ipinahihinto ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga awiting "Banana" ng rapper na si Blanktape at "Nagmahal Ako" ng rap group na Dagtang Lason. Dahil daw sa malaswang lyrics ng mga awitin, hindi ito dapat pinatutugtog sa radio, ayon sa CBCP. Sa website nito, nakasaad na ang CBCP ay lupon ng mga obispo sa Pilipinas na naglalayong i-organisa at magbigay direksiyon sa mga gawaing pang-edukasyon, kawanggawa, tulong ispiritwal, at tulong pang-relihiyon ng mga Katoliko. Nais din daw nitong gawing makabuluhan ang gawain ng Iglesia sa pangangailangan ng panahon. Nagpupulong ang CBCP tuwing Enero at Hulyo, o dalawang beses sa isang taon, kung saan pinag-uusapan nito ang mga isyung administrative, political, at social. Sinasabing ang eleksiyon ng 2010 at ang kalikasan ang pinagtutuunan ng pansin ng CBCP ngayon. Ang bigat ng mga panukala ng CBCP ay nasa kakayanan nitong ipatupad ang mga ito sa mga nasa ibabaâgaya ng mga pari, madre, lay workers, Catholic school administrators, atbp. Maaaring sabihing, kapag ayaw ng CBCP sa isang kanta, halimbawa, maaaring tuligsain ang kantang ito sa mga pulpito, liban pa sa maaaring aks'yunan ito ng mga ahensiya ng gobyerno, gaya ng MTRCB, o ng mga private companies, gaya ng mga istasyon ng radyo, na ayaw bumangga sa makapangyarihan simbahang Katoliko. Kung minsan tuloy, sa pagnanais ng CBCB na linisin ang kapaligiran ayon sa paniniwalang Katoliko, maaaring masagasaan ang karapatan ng indibidwal na mag-isip, magsulat, o kumanta kaya, nang ayon sa kaniyang paniniwala. Sa madaling sabi, kailangan talagang timbangin ang lugar sa lipunan ng religious beliefs, sa isang banda, at freedom of expression sa kabila. MAKULIT, MASAYA, PANG-MASA. Nitong Biyernes, August 14, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bagong rap artist na si Blanktape (Arlen Mandangan in real life) upang hingan ng reaksiyon sa hakbang na ito ng mga obispo. Hindi pa nga aware ang rapper sa balita nang i-text namin ito sa kanya, kaya inalam niya muna ito, saka namin siya binalikan. Ano ang unang reaksiyon niya nang malaman ang balita? "Nabigla po ako, pero di naman ako natakot," sagot ni Blanktape. "Kasi, alam ko na malinis ang kanta ko. Hindi ko intensiyon na gawin siyang bastos. Ginawa ko 'yon for entertainment. Para mag-enjoy ang mga tao. Malinaw naman na ang tinutukoy do'n ay sagingâyung literal na saging." For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Paliwanag pa ng rapper, "Kung yung chorus part lang ang pakikinggan nila, talagang mag-iisip sila, pero 'pag buong kanta ang maririnig nila, malalaman nila na banana talaga yung tinutukoy ko. Yung kuwento nun, yung taong nagtitinda ng saging." Makukulit, masasaya at pang-masa raw ang mga awiting kinakatha ni Blanktape. Yun din daw kasi ang pagkatao niya sa totoong buhay. DOUBLE MEANING. Wala talaga siyang intensiyong gawing double meaning 'yon? Na sakyan ang gawi ng ilang kababayan na ikonekta ang saging sa sex, dahil umano sa ang hugis ng saging ay hawig sa hugis ng ari ng lalaki? "Wala po," diin niya. "Yung una, pilyo talaga ang ginawa ko. Pero pinalitan ko dahil alam ko po na hindi puwede sa radio at TV 'yon. For fun lang talaga. Wala nga po akong binanggit na salitang 'malaki' para hindi sila mag-isip ng bastos. Malinis po ang lyrics ng kanta. Nasa nakikinig na yung paghuhusga." Pero aware ba siya na minsan ay nabibigyan ng malisya ang "saging" o "banana"? "Opo, dahil sa mga biruan," sagot niya. "Pero di ko inisip na pati sa kanta gano'n pa rin iisipin ng iba. Ano ba ang masama sa word na 'banana'? Di po ba, wala? Kung bastos kanta ko, bastos din po ang nagtitinda ng banana." Sabi niya kanina, nasa nakikinig ang paghuhusga, ano ang reaksiyon niya na mga pari na ang nagsasabing malaswa ang kanta niya? "Yun nga po ang nakakatuwa, e. Kasi ang ordinaryong tao, walang iniisip at di nag-react, bakit pari pa? Ibig bang sabihin, mas may malice ang mga pari?" habol-tanong niya. Ano ba talaga ang inspirasyon niya sa "Banana"? "Tribute lang talaga ang kanta sa nagtitinda ng mga banana. Kumbaga, national anthem na nila. Hango rin ang kanta sa 'Right Now' ni Akon [international rap/R&B artist]. May part kasi do'n na 'nanana..'. E, wala namang ibang word sa atin na tutugma do'n kundi banana. Kaya kinanta ko nang banana," paliwanag niya. Marami ang nagsasabi na dahil sa pagpuna ng CBCP, marami ang na-curious sa "Banana," at bigla rin daw siyang sumikat. Ano ang reaksiyon niya rito? "Natuwa din ako kasi mas lalong napansin ang 'Banana.' Sabi nga nila, good or bad publicity, still, publicity 'yon. Marami nga ang nagkainteres sa kanta. Mas lalo tuloy nakilala," aniya. - Eric Borromeo, PEP
More Videos
Most Popular