ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: Dingdong Dantes asks his fans to give Rhian Ramos a chance
Sa Enchanted Kingdom sa Santa Rosa, Laguna ginawa ang location para sa second day taping ng upcoming drama series ng GMA-7 na Stairway To Heaven na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Sa naturang amusement park magaganap ang ilan sa mga magaganda at malulungkot na bahagi ng buhay para sa dalawang pangunahing karakter ng istorya na sila Cholo (Dingdong) at Jodi (Rhian). FIRST TAPING DAY. Naikuwento naman ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyari sa first taping day nila noong Monday (August 24), kung saan nagkaroon na sila kaagad ng eksena ng bagong leading lady niya na si Rhian. Simple lang daw ang eksenang kinunan ni Direk Joyce Bernal sa kanilang dalawa. Pero ang gusto raw ni Direk Joyce na ma-feel kaagad nito ang chemistry nila. Kuwento ni Dingdong, "Sabi nga ni Direk Joyce, kailangan daw maramdaman na niya ang itinatakbo ng istorya sa eksena naming 'yon. It was just a simple scene kung saan hinatid ko si Rhian sa bahay nila. Kailangan daw may makita na siyang maganda sa amin. I guess nagawa naman naming dalawa ni Rhian. It was our first time to do a scene and we both want this to work. Naramdaman naman 'yon ni Direk Joyce kaya she was satisfied sa mga nakunan niya sa aming dalawa." Unang nakasama ni Dingding si Rhian sa ginawa nilang acting workshop para sa Stairway To Heaven. Wala naman daw reklamo si Dingdong dahil nararamdaman niya kay Rhian na kaya nito ang demands sa role na bilang si Jodi. "Sa ginawa pa lang naming workshop for the series ang puwede kong basehan on how Rhian works," sabi ng aktor. "And so far, I like what I see in her. She has a wide range when it comes to acting. Alam ko na marami pa siyang maibibigay at magagawa. "Sa first taping day nga namin, comfortable na kami agad sa isa't isa considering na first time naming dalawa na magsasama sa scene. Hindi ko na-feel na nailang ako sa kanya, or siya nailang sa akin. It only means na okey na kami and we're doing things right for the series.
"Anyway, nasa second taping day pa lang naman kami and marami pang puwedeng mangyari. But what's important is that, we both want this to work and we are out to do our best para sa mga sumusuporta sa amin," ayon sa binata. GIVE RHIAN A CHANCE. Aware din si Dingdong na may mga fans siya na hindi sang-ayon sa pagpili kay Rhian para sa role na Jodi. Very vocal nga ang mga ito sa pagsasabi na hindi nila gusto si Rhian bilang katambal ng aktor. Ayon naman kay Dingdong, naiintindihan niya ang damdamin ng ibang mga tagahanga niya, lalo na ang mga fans nila ni Marian Rivera. Pero wala naman daw siyang magagawa para pigilan ang kanyang mga fans na mag-react dahil may kanya-kanya silang mga opinion at nirerespeto niya ang mga ito. Ang tanging magagawa lang daw niya ay ang pakiusapan ang kanyang fans na suportahan ang Stairway To Heaven at bigyan ng pagkakataon ang kanyang bagong leading lady. "Definitely, hindi ko sila mapipigil sa mga gusto nilang sabihin or mga reactions nila," sabi ni Dingdong. "It's something that I respect sa kanila, e. What I can do lang talaga is ask them to still support the series kahit na si Rhian ang ka-partner ko at hindi si Marian. "Trabaho namin ito and pagtutulungan naming lahat ng nasa show para lumabas na maganda at kaabang-abang ang series na ito. Bigyan lang naman nila ng pagkakataon ang tulad ni Rhian to work in a project like this," pakiusap pa niya. Makakasama nina Dingdong at Rhian sa Stairway To Heaven sina Glaiza de Castro at TJ Trinidad. - Ruel J. Mendoza, PEP More Videos
Most Popular