ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Kris Bernal denies kissing Carlo Aquino


Headline sa isang tabloid na nakita raw isang madaling-araw na magkasama sina Kris Bernal at Carlo Aquino sa isang sikat na coffee shop sa Commonwealth, Quezon City. At nahuli raw ang dalawa na naghahalikan. Sabi tuloy ng mga nakakita, si Carlo raw siguro ang talagang boyfriend ni Kris at hindi totoong ka-MU (mutual understanding) niya at ka-love team na si Aljur Abrenica. Nagkaroon ng chance ang PEP (Philipppine Entertainment Portal) na makausap si Kris nitong Biyernes (September 18) iang pizza house sa Tomas Morato. Tinanong ng PEP si Kris kung totoo ang balita tungkol sa kanila ni Carlo. "Hindi totoo yun. Hindi kami lumalabas," pagtanggi ni Kris. "Magkaibigan kami ni Carlo. Naging close kami nung nagkasama kami sa Dapat Ka Bang Mahalin? Lagi kasi kaming nagkikita sa set kaya naging close kami. Pero ganoon lang," paliwanag pa niya. Aminado naman si Kris na may isang time na nagkasama sila ni Carlo sa Starbucks pero matagal na raw iyon. "Not even ngayon o last week, matagal na. Pero hindi kami naghalikan. Sobrang OA naman ng balita. Nakakaloka lang. Parang sobra yata," ayon sa young actress. Nahihiya rin daw si Kris para kay Carlo dahil talagang matagal na silang hindi nagkikita. May communication pa rin ba sila ni Carlo kahit wala na sa ere ang Dapat Ka Bang Mahalin? "Oo, may communication pa rin kami," sagot ni Kris. "Alam ko ang number niya at alam niya rin ang number ko. Pero hindi rin kami magka-text nang everyday." NOTHING BETWEEN ALJUR AND RICH. Ayon pa kay Kris, malabo raw na ligawan o maging sila ni Carlo dahil alam naman daw nito ang tungkol sa kanila ni Aljur. "Kinukuwento ko naman kay Carlo yung tungkol sa amin ni Aljur," pahabol ng dalaga. Pero bakit may mga lumalabas na balita na ang talagang girlfriend daw ni Aljur ay si Rich Asuncion? "Yung sa kanila naman ni Rich, alam ko rin namang wala. Kasi unang-una si Aljur naman, kinukuwento rin naman niya sa akin na wala talagang meron sa kanila ni Rich. Saka nakita ko naman yung friendship nila, yung closeness nila, nakita ko naman kung ano lang talaga sila. So hindi ko binibigyan ng malisya. Saka kaibigan ko kasi si Rich," paliwanag ng batang aktres. Katunayan, may pagkakataon dawn a magkakasama silang lumalabas at wala naman siyang napupuna kina Aljur at Rich. May mga balita na gusto raw ng mga pinsan ni Aljur ay maging girlfriend ng binata isang morenang tulad ni Rich. Parang pinalalabas nila na gusto nila si Rich para kay Aljur. Ano ang reaksyon ni Kris tungkol dito? "Ay, hindi ba ako morena?" natatawang sambit ni Kris. "Pero okey lang yun sa akin. Saka si Rich, maganda naman talaga siya, morena beauty siya." Kahit MU na nga sina Aljur at Kris ay puwede pa rin naman daw manligaw sa iba si Aljur. Pero si Kris ay hindi raw tumatanggap ng suitors. "Kasi unang-una, ayaw ko rin munang magka-boyfriend. Kasi pag nai-in love ako, nakakalimutan ko ang trabaho ko. Totoo yun. Proven na yun and tested. So better na single, and happy naman ako sa amin ni Aljur kung anumang meron kami ngayon," paliwanag niya. - Rommel Placente, PEP