ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Mom of Sunshine Dizon speaks about daughter's 'pregnant' issue


Nagpaunlak ng interview sa pamamagitan ng telepono ang ina ng young actress na si Sunshine Dizon na si Dorothy Laforteza nitong Huwebes (October 15), sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ, kaugnay sa mga espekulasyon na nagdadalang-tao ang kanyang anak kaya nawala sa soap na Tinik Sa Dibdib. Totoo ba na nalungkot siya at umiyak nang mawala sa Tinik Sa Dibdib si Sunshine? "Hindi," agad na sagot ni Mommy Dorothy. Totoo bang buntis ang kanyang anak? "Buntis?" balik-tanong muna niya. "Hindi totoo 'yan. Palagi na lang siyang buntis every year... every month na lang buntis. Sa tuwing magkasakit 'yan, buntis. Hindi totoo 'yan." "You know why? Hindi ba nagkasakit siya? With all the CT scan, executive check-up, urine [test], everything... Kung buntis ka, malalaman 'yon. Nung nasa Medical City siya, nagtatawanan ang mga nurses do'n. Ngayon sa Cardinal siya, nagtatawanan na naman ang mga tao. Hindi totoo 'yan. Bahala silang mag-isip sila. Palagi namang buntis 'yan, e. Everytime magkasakit, buntis," idinagdag ng ina ni Shine. Biro pa niya, "Sana mabuntis na para magkaapo na ako na maganda at matalino katulad niya." Handa naman daw si Dorothy kung mag-aasawa na ang anak. "Hindi naman ako naghahangad na ang anak ko, e, makakita ng mayaman or influential people. Hindi ko hinahangad 'yan, kasi bata pa naman, hindi naman siya gano'n kahirap, you know what I mean," ayon kay Mommy Dorothy. "Ang hinahangad ko lang ngayon, yung taong responsable na maganda ang background. Hindi yumaman sa pangingikil, hindi yumaman sa kalokohan, responsible sa family at husband. At mamahalin niya ang anak ko katulad ng pagmamahal ko na sobra. Mahal na mahal ko siya kesa sa sarili ko. Sana makakita siya ng gano'n," idinagdag niya. Patuloy ni Dorothy, "Sa kaibigan naman, sana makakita siya ng kaibigan na totoo na pinaghirapan ni Sunshine, na iniyakan ni Sunshine. Mahal na mahal niya ang mga kaibigan niya. Pero hindi siya makatagpo ni isa, kasi palagi siyang iniinggitan." Bakit ba nagiging masakitin si Sunshine? "Ang sakit niya talaga migraine, sa likod, yung spinal niya nalalamigan. Tapos emotional siya, madamdamin siyang talaga," paliwanag ni Mommy Dorothy. Nitong Miyerkules, nagpalabas ng maikling official statement ang Kapuso network sa pag-alis kay Sunshine sa naturang show. Dito nakasaad na: "GMA Network would like to inform the public that it has pulled out Ms. Sunshine Dizon from her current afternoon drama program, Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib, due to health reasons. "It was decided that Ms. Dizon's condition would make it impossible for her to perform as an actress. GMA Network advised Ms. Dizon to rest in order to fully recover." (Basahin: PEP: GMA-7 pulls out Sunshine Dizon from Tinik Sa Dibdib.) Nabanggit din ng ina ni Sunshine na welcome pa rin ang anak na bumalik sa morning show na Unang Hirit. "Sabi ng Unang Hirit, welcome siya anytime, pero gusto niya [Sunshine] complete rest," ayon pa kay Mommy Dorothy. Natuwa raw ang staff ng Tinik Sa Dibdib sa pagkawala ni Sunshine sa show? "Hindi. Hindi sila natuwa," agad niyang tugon. "Malungkot nga sila, e." Mariin ding itinanggi ni Dorothy ang alegasyon na naging unprofessional ang anak. Iniisa-isa pa nito ang mga naging project ni Sunshine na kahit daw ulanin at arawin ang young actress ay hindi ito nagrereklamo. Kung nagkaroon man daw ng pagkakataon na may hindi nagustuhan ang anak, 'yon ay sa script sa isang character na ginampanan ni Sunshine. Sa sunud-sunod na intrigang ibinabato sa anak, ngayon lang din daw nagsalita si Dorothy. "Hindi ako kumakampi dahil anak ko, it's time na magsalita ako. Hindi ako natatakot. Kahit anong naririnig namin, hindi ako kumikibo dahil they will realize later on." Ano ang message niya sa mga detractors ni Sunshine? "Magsikap na lang kayo. Ang masama, 'wag n'yong gayahin kay Sunshine. Ang mabuti, lampasan pa n'yo ang kabutihan," sabi ni Mommy Dorothy. - Eric Borromeo, PEP