ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Jennica Garcia excited in her new team-up with Carl Guevarra


First team-up ni Jennica Garcia at ng bagong Kapuso na si Carl Guevarra ang My Stalking Heart episode ng afternoon drama anthology na Dear Friend. Ayon kay Jennica, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Stalking Heart last March 2, mas masaya at mas excited siya kapag may mga bagong ipinapareha sa kanya tulad nga ngayon. Kuwento ni Jennica, "Nakakatuwa... I'm always kasi excited for new things. Alam mo yun, getting to work with Carl, sobrang nakakatuwa. Nakakatuwa kasi bago. Hindi nag-i-stop yung like sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita, hindi nag-i-stop lang dun yung trabaho mo dahil may mga bagong nangyayari. Siyempre, may mga bago ka rin na natututunan." Excited din daw si Jennica na makatrabaho ang Survivor Philippines: Palau castaways na sina Jef Gaitan at Marvin Kiefer, na magkasintahan in real life. "With Jef and Marvin, I'm very excited with the two of them. Sobra! Lalo na si Jef. She has a very pretty face na napaka-telegenic. So, excited din ako sa kanya. Sinabi ko na yun sa kanya, excited ako for her. At saka hindi rin naman ako nagbibigay ng advice kasi hindi rin naman ako magaling na magaling na artista para makapagbigay ng advice sa kanila," saad ng anak ng aktres na si Jean Garcia.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "SENIOR" CO-STAR. Ani Jennica, hinihingan daw kasi siya ng advice ng mga kasamahan niya sa My Stalking Heart dahil pawang mga baguhan ito sa showbiz. "Like kunwari sa eksena, tatanungin nila ako, 'Paano mo nagawa yun?' Parang, 'Ha?' E, ako kasi, alam ko na ang dami ko pang dapat matutunan, ang dami ko pang dapat gawin." Napansin din ni Jennica na may pagkamahiyain si Carl. "Mahiyain siya, pero nakita ko na ume-effort siya na, in a way, makapag-usap kami ng matagal. Pero mahiyain siyang talaga. Tawa lang siya nang tawa. Tapos, bumabawi siya sa Facebook. Nag-uusap kami," kuwento niya. Nangiti naman si Jennica nang hingan namin ng reaction sa sinabi ni Carl na natupad ang isa sa mga pangarap niya nang makatambal niya si Jennica. "Hindi ko nga po alam 'yan, e," nakangiting sabi ni Jennica na parang nahihiya. "Actually, nakakatuwa. Hindi ko alam kung... Kasi sa totoo lang, kapag may nagsasabi na 'si Jennica gusto kong maka-partner,' ako mismo ang nagtatanong ng 'bakit kaya?' Alam mo yun, bakit ako? Hindi sa hindi ako bilib sa kakayahan ko, pero ang sa akin lang, nakaka-flatter na ewan. Kasi, hindi mo alam. Parang ano nga kaya? Bakit nga kaya? So, thankful lang." Nararamdaman ba niya ang pressure na siya ang ini-expect na magdadala ng My Stalking Heart pagdating sa ratings? "Oo," mabilis niyang sagot. "Sa totoo lang, kinakabahan ako lalo na yung pilot episode namin. Di ba, kakatapos lang ng SOP? Yun po ang timeslot, 3 p.m. E, siyempre, hindi naman po lahat ng tao alam yun. Baka po ang panoorin nila, yung timeslot ng Dear Friend, e, baka tapos na po kami nun. "Pero more on rating, iniisip ko rin na kahit marami or konti pa 'yang manood ng Dear Friend namin, ang sa akin lang, sana ma-enjoy nila. Yung tumatak sa kanila. Yung kahit medyo tumagal na, makita nilang itong apat na ito, nagsama-sama na." Nang kamustahin naman ang dati niyang ka-love team at nobyo na si Mart Escudero, mabilis na sagot ni Jennica: "Naku, wala na po, 2010 na!" Dagdag niya, "Hindi na rin po kami nagkakausap. Yung friendship, nandun, pero wala na pong chance na magkausap. We have each other's number, pero nagkataon na hindi na po." - Rose Garcia, PEP