ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Daiana Menezes’ ex-lover Carl Guevara a battered boyfriend?


Ang dating nobyo ng Brazilian bombshell na si Daiana Menezes na si Carl Guevara, isang battered boyfriend? May lumabas kasing na blind item before tungkol sa isang young actor na may model-girlfriend na masyado raw bayolente kapag galit. Ayon pa sa blind item, kung ano raw ang mahawakan ng girlfriend nito ay binabato sa young actor lalo na kapag sobra na itong nagseselos. Hindi lang daw makalaban ang young actor dahil mahal niya ang girlfriend. Kaya minsan daw ay may bukol sa ulo at may mga kalmot sa kanyang mga braso ang young actor sanhi ng pagiging bayolente diumano ng girlfriend nito. Hindi na raw kayang pagpasensiyahan ng young actor ang ginagawa sa kanya ng girlfriend kaya nag-break sila. Diumano, ang Be Bench winner na si Carl at ang kanyang ex-girlfriend at Eat Bulaga! co-host na si Daiana raw ang tinutukoy sa naturang blind item na 'yon. After an eight-month relationship ay naghiwalay raw sila dahil hindi na raw ma-take ni Carl ang ugali ni Daiana. Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carl ay itinanggi niya ang blind-item report na ito at ipinagtanggol pa niya si Daiana. "Ako, battered boyfriend? Hindi yata puwedeng mangyari 'yon," diin ni Carl. "Si Daiana, mabait siya. Bihira ko siyang makitang galit. Kung galit siya, tahimik lang siya. Hindi siya bayolente tulad ng nakalagay daw sa blind item. Mabait siyang tao at hindi siya nananakit." Aminado si Carl na may mga bagay silang hindi napagkakasunduan ni Daiana. Pero hindi raw umaabot sa nagsasakitan sila. "Ang pangit naman yatang isipin na nag-aaway kami ng gano'n," sabi ng binata. "Never kaming nagkasakitan nang pisikal. Walang batuhan ng gamit o kalmutan na nangyayari. Kung may hindi kami napagkakasunduan, pinag-uusapan namin. Hindi kami nagsisigawan o nagsasakitan." Dagdag niya, "Sa eight months na nagkaroon kami ng relasyon, once or twice lang yata kami nag-away. Pero dahil 'yon sa tampuhan. Mabababaw na dahilan lang tulad ng pagpanood ng sine. May gusto akong panoorin na ayaw niya and vice versa. Minsan, doon kami hindi nagkakasundo. Other than that, okay naman kami." Kung sakali raw na nagkaroon ng bayoleteng girlfriend si Carl, sa umpisa pa lang daw ay iiwan na niya ito. "Para naman kasing hindi normal yung mananakit ka, di ba? Kung nalaman ko na gano'n ang isang girl, iiwan ko na siya agad. Ayokong malaman pa ang ibang gagawin niya kapag nagalit siya!" natatawang sabi ng 20-year-old actor. Aniya pa, "Ayokong manakit ng tao, lalo na kapag babae pa. Mahirap din kasing makontrol ang galit mo lalo na kapag ikaw na ang nasasaktan, di ba? Kaya hindi ako puwede sa gano'ng klaseng relasyon."
THE BREAKUP. Inamin naman ni Daiana noon na siya ang nag-initiate ng breakup nila ni Carl dahil nawala na raw ang pagmamahal niya rito at gusto na nitong mag-concentrate sa trabaho. Ano ang masasabi ni Carl dito? "But of course, nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Iniyakan ko 'yon. Pero after a few days, okey na ako. I have to move on. Ayokong isipin 'yon parati, though I admit na nami-miss ko siya after kami mag-break. Pero mabilis akong naka-recover. "Sa sinabi ni Daiana nga na she has fallen out of love sa akin, tanggap ko na. Masakit sa una, pero wala akong magagawa. Ayokong pilitin ang isang taong mahalin ako kung hindi na nga niya ako mahal. Kaya it's time to move on at okey naman ako. Mas nakapagtrabaho ako nang maayos ngayon," saad ni Carl. Pero hindi ba siya na-turn off sa kanyang ex-girlfriend dahil parang ilang araw pa lang silang nag-break ay natsismis na ito kaagad kay Sam YG a.k.a. Shivaker? Kailan lang din ay kumalat sa Internet ang pictures ng dalawa na magkasama sa Boracay at very sweet. Sabi ni Carl, hindi pa niya nami-meet nang personal si Sam at nagulat din siya nang mabalitang may relasyon na ang dalawa. "I was clueless after our breakup. Noong tinatanong ako about Sam or si Shivaker, wala akong masagot kasi nga hindi ko alam ang tungkol sa kanila ni Daiana. Ngayon at alam ko na, wala pa rin akong masasabi kasi I don't know Sam personally though gusto ko rin siyang makilala." JENNICA GARCIA. Na-link naman si Carl kay Jennica Garcia nang gawin nila ang one-month episode for Dear Friend na "My Stalking Heart." Inamin ni Carl na na-attract siya kay Jennica, pero kulang daw ang four days na nakilala niya ito. "Four days lang kasi kaming nag-tape for Dear Friend," paliwanag niya. "Doon ko lang kasi na-meet si Jennica. And she's a funny girl. Nakakatuwa siya kasi palabati siya, palangiti, at mabait siya sa lahat ng tao. "Never naman kaming lumabas pa, e. Sa taping lang kami nagkakausap ni Jennica. Alam ko kasi na busy rin siya. I want to get to know her more kasi. Ngayon kasi at tapos na ang Dear Friend namin, hindi ko na siya nakikita o nakakausap na. Nagkukumustahan na lang kami via text message or kapag aksidente kaming nagkikita sa GMA-7." Kung bibigyan ba ng chance, gusto ba niyang ligawan si Jennica? "Kung wala pa siyang boyfriend, why not?" sagot ni Carl. "Pero may nagsabi sa akin na maraming manliligaw si Jennica ngayon. Kaya huwag muna. Hindi muna ako sasabay. Tsaka pinangako ko naman sa sarili ko na magtatrabaho muna ako. Career muna ang importante." Nagpapasalamat si Carl dahil kasabay ng paglabas ng April 2010 issue ng Men's Health magazine, kung saan siya ang nasa cover, nagsimula na rin siya sa taping ng The Last Prince. Siya nga ang latest na ka-love triangle nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa naturang telefantasya. - Ruel J. Mendoza, PEP