For the first time ay susubukan ni Zoren Legaspi ang maging isang TV host. Kasama niya si Cesca Litton sa paghu-host ng bagong reality-competition show ng QTV 11 na
Kitchen Battle. Mala-Iron Chef America ang Kitchen Battle kung saan maglalaban ang dalawang grupo ng chefs at culinary experts para sa isang cooking challenge. May mga celebrity rin na makakasama sa show, lalo na yung mga may background sa culinary arts. Natuwa nga si Zoren dahil never daw niyang nasubukan na maging host ng isang show, lalo na ang isang reality-competition show na kailangan maging spontaneous siya. Ang closest na ginawa niya raw na paghu-host ay panahon pa ng
That's Entertainment. "Sa
That's Entertainment naman talaga ang training ground namin. I tried hosting doon pero hindi naman siya yung serious. Pinababasa lang kami ng mga kung anu-ano noon sa show. "May isang show dapat ay nag-host na ako pero hindi siya na-air. Nakapag-tape na kami noon ng pang-pilot, pero something went wrong at hindi na na-air yung show. Kaya itong Kitchen Battle ang pinaka-first time ko to try TV hosting. Kinabahan talaga ako, pero it's a big challenge for me. Mas mahirap pala ito kesa sa pagdidirek sa TV! Nakakahiya pala kapag na-take two ka!" natatawang sabi ni Zoren nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
"HUWAG TATANGA-TANGA!" Masaya rin daw para kay Zoren ang misis niyang si Carmina Villarroel. Noong mabasa nga raw ni Carmina ang mga script ni Zoren for the show, nagpayo raw ito agad since bihasa na ito bilang TV host. "Sabi nga sa akin ni Mina, 'O, galingan mo, huwag kang tatanga-tanga!' Natawa talaga ako kasi brutal masyado ang payo niya sa akin. Huwag daw akong tatanga-tanga!" tawa ni Zoren Dagdag niya, "Okey lang naman na sabihin ni Mina 'yan kasi nga mahusay siyang TV host. She has been doing this job for so many years kaya kahit tulog 'yan, alam niya ang gagawin niya sa harapan ng TV. Since first time ko nga, concerned din siya kasi nga baka pumalpak ako, e, di siya rin mapapahiya! Kaya hindi ako puwedeng tatanga-tanga!" Binisita nga raw ni Carmina si Zoren sa taping niya ng
Kitchen Battle. Happy naman daw ang misis niyang makita si Zoren na nasa spotlight for a change. "Proud daw siya sa akin," nakangiting sabi ng aktor. "Hindi ko nga alam na dumating siya. Tahimik lang siya sa isang tabi habang pinapanood niya ako. Ayaw niya kasi akong ma-conscious. Noong matapos ang take, doon siya nagsabi na nasa studio pala siya. Happy si Mina and I'm doing good daw. Sana nga gano'n din ang feedback ng TV audience once na mag-air na kami."
ZOREN WANTS TO LEARN HOW TO COOK. Balak daw ni Zoren na mag-aral magluto para naman daw masorpresa niya si Carmina at ang kanilang kambal. "Yung kambal nga, lagi nila akong tinatanong na, 'Tatay, when are you going to cook for us?' Naglalambing sila ng gano'n. Si Mina kasi, magaling magluto 'yan. Ako naman, simpleng mga putahe lang ang kaya nating lutuin. Magprito at magpakulo lang ay okey na sa akin. "Gusto ko naman yung special dish para sa family ko. Yung magiging proud sila sabihin na ako ang nagluto no'n. Kapag may time, gagawin ko ang mag-aral kahit short course lang. O baka dito sa
Kitchen Battle, may matutunan ako na mga bagong recipes." Busy ang pamilya nina Zoren at Carmina. Halos every month ay may bago silang commercial, kasama ang kanilang sikat na kambal na sina Maverick at Cassandra. Ngayong pareho na sila ni Carmina na may sariling show, paano na ang quality time nila with the twins? "Hindi naman mawawala 'yon kasi kami naman ni Mina, we make sure na kasama ang kambal sa daily schedules namin. Kapag nasa school sila, sinusundo namin sila at lalabas kami for dinner or we watch a movie with them. "Kapag nasa bahay naman sila at wala kaming work, we stay at home lang at doon ang bonding namin. Or kapag mahaba ang bakasyon, we go out of town naman. Kung puwede namin silang dalhin sa trabaho namin, ginagawa rin namin. So, kasama sila sa araw-araw na ginagawa namin ni Mina," kuwento ni Zoren. -
Ruel J. Mendoza, PEP