Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Maxene Magalona on Father’s Day: 'We miss Papa a lot'


Kapag nababanggit kay Maxene Magalona ang pangalang Dominic Roco, may matamis itong ngiti at kislap sa mga mata. Hindi rin siya agad makasagot kapag ang kakambal ni Felix Roco ang tinatanong sa kanya. Nitong nakaraang press launch para sa GMA Sine Novela Presents Trudis Liit sa 17th floor ng GMA Network Center, pinutkati ng tanong si Maxene tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ng anak ni Bembol Roco. Marami nang nakakakita sa parating pagsasama nina Maxene at Dominic. Dahil daw part na si Dominic ng kanyang barkada na binubuo nina Glaiza de Castro at Rich Asuncion, paliwanag naman ni Maxene. "Sila Felix and Dominic kasi, parati namin sila nakakasama nila Glaiza at Rich. Kaibigan kasi nila ang brother ni Glaiza na si Alchris [Galura] at may iba pa kaming mga kasama na friends din nila. "So doon naman nag-start iyon and I admit na I get to talk to Dominic a lot. Mahiyain nga 'yang si Dominic kaya parati ko siyang kinakausap para maging at ease siya sa amin. "Then I found out that Dominic is such a smart person pala. I discovered na we have the same interest in so many things. Kapag nagkakausap kami, marami kaming nagiging topics. He's really someone na masarap kausap." ENJOYING THE SINGLE LIFE. Puwedeng kayang mauwi sa malalim na relasyon ang closeness nila? "Grabe, relasyon kaagad?" tawa pa ni Maxene. "Nagsisimula pa lang ang friendship namin ni Dom. We're slowly getting to know one another pa, kaya wala pang relasyon. Barkada pa lang kami. "The closeness I have for Dom is pure friendship muna. I enjoy his company and we're okey naman na ganito sa ngayon. Hindi naman kami nagmamadali." Pero handa na bang magpaligaw ulit si Maxene, pagkatapos ng pinagdaanan niya with JC Tiuseco? "Nasabi ko naman before na I've moved on from my last relationship. I want to meet new people in my life. Right now, I can say that I'm open to have a new relationship pero hindi pa dapat sobrang serious. "My mom [Pia Magalona] told me nga na I have to be ready to enter into something new. She wants me to be happy. Mag-enjoy naman daw ako sa pagiging dalaga ko. "She's okay naman if I go out on dates basta kilala niya yung guy. Hindi naman porke't may freedom na ako, hindi ko na ipapakilala ang mga taong nakakasama ko. So it's not a problem with my mom if I do meet other guys basta ang maging priority ko raw ay ang trabaho ko. "I promised naman my mom that my work comes first. Ayoko rin naman na madi-distract ako lalo na't marami ang nagiging blessings ko this year. I want to be able reach a goal this year in terms of my work. Kaya doon ang tutok ko but at the same time, I'm enjoying my single life." So saan papasok si Dominic sa list ng priorities niya? "I-single out talaga si Dominic!" malakas na tawa ni Maxene. Pero, sinabi rin ng dalaga, "Ang maganda kasi with my friendship with Dom is that he makes me happy after a tiring day working. Alam niya when I'm tired at gagawa siya ng way para mawala ang pagod ko. Gano'n siyang klaseng kaibigan. Even if I don't ask for it, he's there na kaagad with something to cheer me up." REMEMBERING THE MASTER RAPPER. Sa Father's Day tomorrow, June 20, ay ikalawang taon nang hindi makakasama ng Magalona siblings ang kanilang yumaong ama na si Francis Magalona. Tradisyon na raw nila noong buhay pa ang ama na kumain sa labas, manood ng sine at ituloy ang Father's Day celebration sa bahay. "Napagkasunduan naming lahat na we will block off this day para mabisita siya sa cemetery. We miss Papa a lot lalo na sa mga occasions na ganito. "Masyado na kasi kaming nagiging busy lahat and we want na kahit itong araw lang na ito na ibigay namin kay Papa. I know naman in our hearts that he will appreciate it a lot na kumpleto kaming nandoon sa puntod niya on Father's Day." Tinanong namin si Maxene kung aware ba siya sa naging problema ng mommy niya sa mag-asawang Ely Buendia at Diane Ventura regarding yung pag-release ng album na In Love And War? Nagtampo raw si Pia sa mag-asawa dahil hindi raw siya sinabihan na nai-release na ang pinakahuling album ni Francis Magalona na may collaboration si Ely Buendia. "The last time I talked with my mom, nagkausap na sila nila Ely at Diane. I just don't know kung ano ang naging ending ng usapan nila. "But I hope nga na walang naging malaking problema because pare-pareho naman kaming excited for the album. Now that it's out na pala and my brother Elmo [Magalona] is promoting it, sana ay suportahan nila ang album ni Papa. "Whatever the problem is, sana hindi na lumaki because the album is very beautiful and Papa will be remembered again because of the album's positive message sa lahat." LIGHT DRAMA FOR A CHANGE. Ang GMA Sine Novela Presents Trudis Liit ang naging kapalit ng Bakit Kaytagal Ng Sandali? na pagtatampukan sana nina Maxene at Pauleen Luna. Ayon kay Maxene, "Wala naman akong naging tampo nang palitan nila ang Bakit Kaytagal Ng Sandali? Sinabi naman nila na masyado raw mabigat yung tema, e, kakatapos lang ng Gumapang Ka Sa Lusak. Gusto naman nila ay medyo light drama na may konting comedy. "Sa akin naman, okey lang because yung mga drama series na ginagawa ko was always heavy like Una Kang Naging Akin and Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Emotionally drained ako parati." Sa Trudis Liit, ginagampanan niya ang papel ni Mercedes, ang tagapagtanggol ng batang si Trudis na ginagampanan naman ni Jillian Ward. Mas magaan nga daw ang Trudis Liit dahil "nakakatuwa kasi nga si Jillian ang bida and she's such a talented kid. Pinapatawa niya kami parati sa taping. So for a change, gusto ko ang ganito and I love the lessons that the show will impart sa mga televiewers," pagtatapos ni Maxene. - Ruel J. Mendoza, PEP