Muling pumirma ng exclusive network contract si Mark Anthony Fernandez sa GMA-7. Naganap ang naturang pirmahan sa GMA Network Center nitong Huwebes, June 24. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Mark na masayang-masaya siya dahil sa pananatili niyang isang Kapuso. Wala naman daw siyang reklamo sa mga magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng GMA-7, kaya tama lang daw na muli siyang pumirma ng panibagong kontrata. "I am so happy and contented with GMA-7," sambit ng aktor. "Ever since na nagkaroon ako ng comeback sa paggawa ng TV dramas four years ago, puro magagandang mga projects ang binibigay nila sa akin. Kaya I am looking forward for more good projects in the future with GMA-7. Promise ko sa kanila na mas pagsisikapan ko ang mga ibibigay nilang mga trabaho." Nabigyan ng magandang pagbabalik sa showbiz si Mark via Impostora ng GMA-7. Nasundan pa ito ng mas magagandang roles sa
Kamandag, Ako Si Kim Samsoon, All About Eve, Darna, at
Diva. At nakatrabaho na ni Mark ang primetime leading ladies ng Kapuso network gaya nina Marian Rivera, Iza Calzado, Sunshine Dizon, Nadine Samonte, Jewel Mische, at Regine Velasquez.
WORKING WITH CLAUDINE. May balita ring makakatrabahong muli ni Mark ang kanyang dating leading lady at ex-girlfriend na si Claudine Barretto sa drama anthology nitong
Claudine. Kinumpirma naman ito ni Mark dahil maayos na raw ang lahat sa kanila ni Claudine. "Sinabihan na nga ako na I will be doing an episode with Claudine sa drama show niya," pahayag ni Mark. "I think inaayos na nila yung gagawin naming episode and sure ako na maganda ang gagawin namin. Sinabi ko nga even before na kung pagsasamahin kami ulit ni Claudine for a project, kailangan ay yung worth the long wait. Matagal na panahon kaming hindi nakapagtrabaho ni Claudine kaya gusto rin namin na magandang project ang pagsasamahan naming dalawa ulit." So, ibig bang sabihin nito ay napatawad na siya ni Claudine? Kung matatandaan ay nagkaroon ng matinding hidwaan between Mark and Claudine dahil sa isang movie project na dapat na pagsamahan nila sa ilalim ng Viva Films. Pero ayon kay Mark, okey na silang dalawa ni Claudine. "Napatawad na niya ako," ngiti niya. "Whatever happened before, tapos na 'yon. Nagkaroon lang ng misunderstanding talaga. Ngayon, I'm ready to work with Claudine again."
DIVA. Sa July ay matatapos na ang kantaseryeng kinabibilangan niya, ang
Diva. Nagpapasalamat si Mark dahil sa magandang suporta ng marami sa show nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. "Nananatili kaming mataas sa ratings dahil sa suporta ng mga fans ng
Diva. Hindi namin inaasahan na ganito ang magiging pagtanggap ng marami sa show namin. Kaya ganado kaming magtrabaho at magpuyat para lalo naming mapaganda ang show. Abangan pa nila ang magaganap na showdown between Melody [Regine] and Tiffany [Glaiza de Castro] sa Diva. Pinaghandaan talaga 'yan ng buong staff.," sabi ni Mark. Kailan lang ay muling naintriga si Mark dahil may isang taping daw ng
Diva na hindi niya sinipot. Paliwang ni Mark, nagkaroon siya ng importanteng lakad pero ipinaalam niya raw sa staff ng
Diva na hindi siya makakapag-taping. "Biglaan kasi ang pangyayari kaya nag-sorry talaga ako sa staff ng
Diva. Never ko naman binitin or hindi sinipot ang taping ng
Diva. Nagkaroon lang ng importanteng lakad kaya nangyari 'yon. "Naintindihan naman ako ng staff ng show at ilang beses talaga ako nag-sorry sa kanila. Ngayon, sunud-sunod ang taping namin at parati akong maaga sa set. Patunay lang na walang problema between me and the staff of
Diva," saad ng aktor.
VACATION. Planong magbakasyon ni Mark kasama ang kanyang pamilya pagkatapos ng last taping day ng
Diva. Humingi ng isang buwang bakasyon si Mark para maka-bonding niya ang kanyang pamilya bago siya magsimula sa bagong project niya sa GMA-7. "Kailangan ko na rin ng break at marami na akong nami-miss na lakad namin ng pamilya ko," sabi niya. "May times na hindi ko sila mapagbigyan na mag-out of town dahil nga sa hectic na taping schedules ko. "Nagkasunud-sunod kasi ang mga ginawa ko, e. After ng
All About Eve, ginawa ko agad ang
Darna tapos sumunod agad ang
Diva. So, wala akong naging break talaga. This time, nagpaalam naman ako na kahit one month na pahinga lang with my family. I want to make up for lost time with my wife and son. I want to spend some quality time with them." Gusto raw ni Mark magbakasyon sa iba't ibang magagandang lugar sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Marami pa raw kasi siyang hindi napupuntahan sa ating bansa. "Gusto ko sana out of the country, pero dahil may pasok na nga ang anak ko, dito na lang sa Pilipinas. Marami pa kaming hindi napapasyalan na magagandang lugar sa ating bansa kaya paplanuhin namin kunsaan-saan kami pupunta. Gusto ko nga sa isang maganda at tahimik na beach resort para makapag-relax kami talaga at hindi ko muna isipin ang trabaho. Para ma-recharge ako for the next project na gagawin ko." Kasama sa pagbabakasyon ni Mark ay ang pagkakaroon ulit ng clean-cut look. Marami kasing hindi nagugustuhan ang hitsura niya sa
Diva. "Kasama kasi 'yon sa character ko sa
Diva. Pero after nga ng show, magpapa-makeover ulit ako," biro ni Mark. "Magpapagupit ako at mag-aahit kaagad. Tapos magpapataba tayo ng konti. Malaki ang pinayat ko sa
Diva dahil sa sunud-sunod na puyat namin. Gusto ko rin na sa next project ko ay iba na naman ang look natin." -
Ruel J. Mendoza, PEP