ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Nadine Samonte eyes marriage to non-showbiz bf before 2012


Last time nagkasama sina Nadine Samonte at Marian Rivera sa isang serye ay sa Darna. Ngayon naman ay magsasama silang muli sa Endless Love. Ang papel ni Shirley ang gagampanan ni Nadine dito at ito ang kauna-unang full-length kontrabida role niya. "Dati kasi, like sa Darna, yung kontrabida ako na half-half, half na mabait na half na salbahe, ganun. "Ngayon yung talagang buo na, I mean full-length na, kaya siyempre nakakakaba kasi hindi ko alam kung paano ko iaatake. And at the same time, panatag na rin yung loob ko kasi si Marian iyon, kakilala ko na si Marian, e... "Nakakakaba, excited, nakakatakot, yung may pressure kasi iisipin mo kung paano mo gagawin, na baka may mga comparison, yung mga ganun. So nakakatakot pero happy naman ako sa ganun," pahayag ni Nadine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin noong Miyerkules, June 23, sa Barrio Fiesta sa SM Megamall after ng premiere showing ng pilot episode ng Endless Love na pinagbibidahan nina Marian, bilang Jenny, at Dingdong Dantes bilang Johnny. DAD'S BLESSING. Five years na ang relasyon ni Nadine with non-showbiz boyfriend Emerson Chua. Twenty-two years old siya at twenty-four naman si Emerson. Napag-uusapan na ba nila ang kasal? "Ah, hahaha! Medyo, minsan, minsan." Pagkatapos ay ni-reveal ni Nadine na sa katunayan, gusto niyang magpakasal na sila bago 2012. "Kasi nagkita kami ng dad ko, umuwi dad ko, e, ngayong May, at parang may blessing na sa kanya na parang sinasabihan na siya na parang... Nag-usap na sila tapos iyon na, nag-aano na yung dad ko na may blessing na niya, na puwede na kaming magpakasal." First time raw nagkita nang personal sina Emerson at ng ama ni Nadine. "Ilang days kasi kami sa Cebu noon, nag-outing kami nun sa Plantation Bay. Nag-bonding sila for four days. Kasi hindi pa naman siya nakita noon, e, tapos nung umuwi yung dad ko, 'tsaka pa lang sila nag-meet talaga. So doon pa lang um-okay ang lahat... Hindi ko akalain na ganun, na magkakasundo sila." Itutuloy pa rin daw ni Nadine ang pagtrabaho sa showbiz kahit na mag-asawa na siya. "Depende rin sa amin iyon. Okay naman sa kanya. Basta, just in case na okay naman, na maayos naman lahat, e, di why not? Tuloy pa rin basta may project." Pilot episode na ng Endless Love sa Lunes ng gabi, June 28, at tampok rin dito sina Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Janice de Belen together with Marco Alcaraz, Gabby Eigenmann, Mosang, Ces Quesada, Jana Dominguez, Bela Padilla, Bernard Palanca, at si Ms. Kuh Ledesma in a very special role. Gumaganap naman sa mahahalagang papel bilang young Johnny si Kristoffer Martin, si Joyce Ching bilang young Shirley, at si Kathryn Bernardo bilang young Jenny. - Rommel Gonzales, PEP