ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Marco Alcaraz on gf Lara Quigaman: ‘She inspired me talaga’


On our way to Enchanted Kingdom last Sunday, August 29, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marco Alcaraz. Isa si Marco sa mga alaga ni Noel Ferrer na nagpunta sa theme park sa Sta. Rosa, Laguna upang maghatid ng kasiyahan sa ilang mga bata sa pamamagitan ng storytelling. Kuwento ni Marco, "Mag-i-storytelling kami sa mga children. Alam naman natin na ilang days na lang, ber na, papunta sa Christmas. Sa ibang malls nga raw sa ibang bansa, meron na nga raw mga Christmas decoration. So, it's our own way na makatulong sa mga bata. Ang alam namin, pipili rin kami ng foundation na gusto namin." CAREER PATH. Isa si Marco sa mga bagong alaga ni Noel. Happy naman daw siya with his new manager. "Medyo nag-iiba na rin ang career path ko ngayon," banggit ng aktor. "I am enjoying hosting at nakakailan na rin ako with GMA-7. Tapos, marami pang naka-lineup na regional events ng GMA. Yung una noon sa Pangasinan, parang trial lang. Sabit lang kami ng ilang cast ng Endless Love. "Nag-e-enjoy ako. At siguro, nakitaan naman nila ako ng potential. Sana magdire-diretso. Siyempre, ang idol natin is Paolo Bediones. Hopefully, kahit man lang mag-co-host sa Binibining Pilipinas." Naimpluwensiyahan ba siya ng kapatid niya sa manager na si Paolo sa pagho-host? "Hindi naman. Dati pa rin, dream ko rin ang makapag-host. Si Noel naman kasi, may Paolo siya, may Ryan Agoncillo siya na nagho-host. So, kung may client siya na hindi ganoon kalaki ang budget, ako na lang!" biro niya. "But seriously," patuloy niya, "sana nga po mag-lead into something like sports show, game show. Hopefully po, dahan-dahan." STILL A KAPUSO. Kung ang karamihan ng mga kasamahan niya kay Noel ay mas napapanood sa TV5, siya raw ay nananatiling Kapuso. In fact, may kontrata pa rin daw siya sa GMA-7 hanggang September 2011. "It's up to Sir Noel din naman po kung ano ang gusto niya sa career path ko. So far, okay naman. Pero siyempre po, sana mabigyan pa rin po ng more exposures lalo na sa hosting aside sa acting. "Sa Endless Love naman, okey naman po, enjoy naman po ang samahan do'n. Bukod sa Endless, may isa pa akong ginagawa, yung Sex Ejokecation with Direk Leo Martinez. Ipapalabas siya sa Metro Bar sa September 9 naman. Aside sa teleserye, hosting, may konting sexy-comedy rin po na parang play po na more on green jokes po." A CHANGED MAN. Pagdating sa kanyang lovelife, walang-duda na masayang-masaya si Marco sa department na ito sa piling ng kanyang girlfriend of more than one year na si Precious Lara Quigaman. "Baduy man pakinggan, kaka-twit nga lang ni Ruffa Gutierrez sa kanya. Kasi, tinatanong ako kung sino ang showbiz crush ko, ang sagot ko, wala. Hindi na ako tumitingin sa ibang babae mula nang maging kami," sabi ni Marco. Seryosohan na ba talaga kung anuman ang meron sila ngayon ng Miss International 2005? "Marami rin kasi siyang binago sa akin. Siguro naman dati, marami rin nali-link na babae sa akin. Marami rin tayong...part of growing up, nakikilala. Ngayon, like every Sunday, nagtsi-church kami." Si Lara ang naging daan para maging Born Again Christian siya? "Well, noong hindi pa kami, siyempre hindi naman ako nagtsi-church...I mean, I'm a Catholic. So, noong una, siyempre, dahil gusto ko lang din siyang makasama, sumasama ako. Tapos every Sunday, nakikinig ako, marami akong natutunan. Ako na yung nagsasabi sa kanya na mag-church. At saka, medyo nag-iiba na rin ang pananaw sa buhay. Nagma-mature na rin ng konti. "At saka, ano talaga, she inspired me talaga. Walang halong ano...puwede mong sabihin na, 'Ang baduy mo naman, Marco.' Kaya nga noong ini-interview ako ni Ms. Dolly [Anne Carvajal] the other day, tinatanong niya ako kung sino nga ang showbiz crush ko, kahit crush lang. Yun nga, si Lara, crush ko dati. So, bakit ka pa magkaka-crush ng iba na yung crush mo, naging girlfriend mo na? Yun! "Ang baduy ko raw! Si Lara naman, pinagtatawanan ako. Sumagot daw ako nang maayos sa mga tao. E, yun nga ang maayos kong sagot, e," saad niya. Kung ganito na sila kaseryoso at obviously in love, wala pa bang wedding plans? "Nasa first year pa lang po kami," sagot ni Marco. "Titingnan pa rin namin kung ano, di ba? Napag-uusapan, nagpa-pop sa mind. Pero mahirap magsalita, e. Sana, sana nga." Naintriga na kasi silang nagpakasal noong halos isang buwan silang nawala at nagbakasyon sa ibang bansa. "Siguro naman kung magwe-wedding man kami, proud ako na siya ang mapapangasawa ko. Ipagsisigawan ko, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo na papakasalan ko siya!" - Rose Garcia, PEP