ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Child actor Buboy Villar almost died of dengue, says Marian Rivera


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa birthday celebration ni Carl Guevara sa Cerchio Restaurant on Sct. Limbaga, Quezon City noong Huwebes, September 2. Ang napagkuwentuhan namin ni Marian ay ang tungkol sa pagbisita niya kay Robert "Buboy" Villar na that time ay naka-confine sa UST Hospital dahil sa sakit na dengue. Noong Miyerkules, September 1, dinalaw ni Marian ang 11-year-old child actor na naging sidekick niya sa MariMar, Dyesebel at Darna. Wala na raw sa intensive care unit si Buboy, unlike noong mga unang araw ng pagkakasakit nito. WEAK PULSE. "Okay na siya. Naawa lang ako kasi ang dami niyang tusuk-tusok dito [sa mga braso], 'tapos puro nangingitim na yung dito 'tsaka yung dito. "Sabi ko, 'Ano nangyari?' Kinuwento niya sa akin na muntikan na talaga siyang mamatay! Buti na lang daw narinig ng doktor yung isang pintig pa daw ng puso niya. Kundi daw narinig yun, talagang patay na daw siya." Gising na at kumakain si Buboy nang dumating si Marian na kasa-kasama ang isang personal assistant. Nitong Biyernes, September 3, ay nakalabas na si Buboy sa ospital after one week na confinement. Dahil dito, nag-iingat na rin ba si Marian sa mga lamok, na ang kagat ang sanhi ng dengue? Pero wala raw dapat ikabahala sa kanya dahil, "ano ako e, makatol ako, at saka may nagbigay sa akin [taga-wardrobe department ng Endless Love] na binili yata niya. Wet tissue siya na pinupunas mo siya para lumayo yung lamok sa 'yo." Hindi pa naman nakaranas ni Marian na maospital nang matagal, although kamakailan ay kinailangan siyang itakbo ni Dingdong Dantes sa ospital nang sumakit nang husto ang tiyan niya habang nagte-taping sila ng Endless Love. Taliwas sa unang nabalita, hindi food poisoning o amoebiasis ang sanhi ng kanyang karamdaman. "Hindi! Sa sobrang katakawan ko, ang dami kong nakain, ang dami, naghalu-halo." - Rommel L. Gonzales, PEP