ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Why Gelli de Belen regularly donates her rare-type blood


Si Gelli de Belen ang special guest co-host ng Showbiz Central last Sunday, September 19. Siya ang pansamantalang pumalit sa isa sa mga regular co-hosts ng programa na si Pia Guanio, na nasa U.S. ngayon para sa show ng Eat Bulaga! doon. Bukod sa paghu-host, si Gelli rin ang sumalang sa segment na "The Story of Your Life" that day. Maraming mga kaibigan at nakatrabaho ni Gelli ang na-interview through VTR at nagpahayag ng kanilang pagkakakilala sa actress-TV host. Nasorpresa naman si Gelli sa inihandang research ng programa sa pamamagitan ng pagkukuwento ng ilang tao na malapit sa kanya. BLOOD DONOR. Sa naturang feature story nalaman ng marami ang pagiging blood donor at supporter ni Gelli ng Philippine National Red Cross. Sa aspetong ito unang nag-focus ang nag-interview kay Gelli na si Raymond Gutierrez. Si Gelli ay kabilang sa one percent ng tao sa buong Pilipinas na may rare type of blood na A-negative. "My type of blood is A-negative, there's about less than one percent in the Philippines that has RH-blood. It's an RH factor in our blood. "Usually kasi ang Pinoy, A-plus, B-plus. Nagkataon...hindi ko naman alam kung paano nangyari ito na ako ay A-negative." Dahil sa kanyang regular na pagdo-donate ng dugo, kabilang din si Gelli sa tinatawag na "galloner"—o yung mga galon-galon na ang naido-donate. But what made Gelli decide to regularly donate her blood? Kuwento niya, "Well, maybe because even before I get pregnant, interesado na ako noong bata pa ako na malaman kung ano ang blood type ko. Ewan ko naman kung bakit. "And then, when I found out, sinabi nila na 'ang blood type mo ay A-negative.' Of course, being so young, hindi ko pinansin. "And then, one time, I was watching TV, sinabi na there's this person who needs blood—A-negative. Sabi ko, 'Ay, parang 'yan yata ang blood type ko.' "E, hindi siya maoperahan hangga't hindi mahanap ang dugo niya. So, nag-donate ako. Since then, nalaman nila na A-negative nga ang dugo ko. "When I was pregnant with my two boys [Joaquin and Julio], yung first, sinabi nila na, 'You need to get RhoGAM [RH immuno globulin] shot so you'll be able to survive. "Kasi, baka ma-contaminate yung dugo. Kung ang blood type niya ay positive, tapos ikaw negative, so hindi kayo swak...' Hanggang sa second son ko. "Since then, regularly, nagdo-donate na ako ng dugo because I know the importance. I almost died giving birth... "Alam ko kung gaano kaimportante ang dugo na minsan, nakakalimutan na nating lahat na importante talagang magbigay ng dugo. "Wala pong mangyayari sa inyo, hindi kayo magkakasakit. All you need to do is go to Red Cross and then donate." VERSATILITY. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, masasabi na isa si Gelli sa pinaka-versatile na artista sa Pilipinas. Puwedeng-puwede siyang mag-drama, magpatawa, at mag-host. Pero nami-miss na ba ni Gelli ang mag-drama? "Well, hindi kasi masyadong serious ang Bantatay,"sabi niya, na ang tinutukoy ay ang bagong primetime series ng GMA-7 na nagsimula kahapon, September 20. "Actually, I just finished Panday Kids a few months back. Medyo do'n pa ako nag-drama. "Ang Bantatay, medyo light ng konti, pero may drama pa rin." Ano ang mas type niya—comedy or drama? "Depende pa rin sa role," sagot ni Gelli. "Sa comedy kasi, ang mahirap, yung timing. "It's harder to make people laugh than to make people cry. Kasi feeling ko, kapag umiyak ka, naiiyak na rin sila. As long as touching ang moment. "It depends on the role and the character talaga." Pero sabi nga ni Raymond, it only takes a good actress to do both comedy and drama. At isa si Gelli sa mga aktres na nakakagawa nun. "Ilang taon na ba ako at nangyayari na ito?" natatawang sabi naman ni Gelli sa papuri sa kanya. - Rose Garcia, PEP