ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Baron Geisler files anti-graft case vs Yasmien Kurdi, others


Matapos magsabing papasok siya sa rehab, naghain ng kontra-demanda si Baron Geisler sa isa sa mga babaeng ngareklamo sa kanya ng sexual harassment — si Yasmien Kurdi. Sa report ng Pilipino Star Ngayon na lumabas nitong Martes, January 25, isinampa ng kampo ni Baron ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act nitong Lunes ng umaga, January 26, sa Office of the Ombudsman. Ayon sa abugado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan, "We are here to seek justice for him. Sobra nang pang-aapi ang ginagawa sa kanya. Ganyan ang lumabas sa mga dokumentong ginawa nila. "Pinagtutulung-tulungan nila para maakusahan nang di totoo si Baron. Puro conclusions lang ng people who are not even competent to make those conclusions." Kinasuhan din sa Ombudsman ng kampo ni Giesler ang abogado ng aktres, ang piskal, mga pulis at mga social worker na humawak sa kaso ni Yasmien. Matatandaang kinasuhan ni Yasmien ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation si Baron noong May 25, 2009 para sa pambabastos umano sa kanya sa shooting ng isang show sa GMA-7. Ayon sa salaysay ng non-showbiz source ng PEP: "Minanyak si Yasmien. Sinilipan, hinihipuan, tapos nag-bate [masturbated] sa harap niya. " Naniniwala si Atty. Alentajan na "walang kaso." "Not guilty" pa nga ang plea ni Baron sa nangyaring arraignment noong January 19. Pagpapatuloy ni Atty. Alentajan, "Sang-ayon sa complaint o sa information na ginawa ng fiscal, wala namang acts of lasciviousness doon. Kasi ang importanteng elements ng acts of lasciviousness, there must be force, intimidation, then there must be lewd desire. Ibig sabihin, you want to consummate your adulterous desire. "How come that happened, e, nasa set sila? May cameraman, may direktor, saka maraming tao?" Samantala, nagbigay na si Yasmien ng reaksiyon sa "not guilty" plea ni Baron noong January 19. (Read: Baron pleads not guilty, Yasmien Kurdi emotional) "Ibig sabihin, sinungaling ako at iba pang mga babae. Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ako na tuloy na ang hearing ng kaso after seven months... Pagod na pagod na ako sa kasong ito. Ayoko nang umiyak," saad ni Yasmien. Hindi lamang ang Kapuso actress ang nagreklamo ng pambabastos kay Baron. Ilan pa sa mga ito ay sina Julia Clarete, ang anak ni Yayo Aguila na si Patrizha Martinez, at si Cherry Pie Picache. Itinanggi rin ni Baron ang mga bintang nila ng pambabastos. Hindi lang si Yasmien ang hinainan ng kampo ni Baron ng kontra-demanda. Noong July 18, 2008 ay kinasuhan ng kampo niya ng perjury si Yayo Aguila, matapos magsampa ang anak nitong si Patrizha ng acts of lasciviousness case laban kay Baron. - Mark Angelo Ching, PEP