Dakong 2:00 pm nitong Huwebes, April 28, nang dumating si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa Prosecutor's Office ng Malolos Regional Trial Court. Pormal na niyang isampa ang kasong Violation of Article 353 of the Revised Penal Codeâo libelâlaban kay Aiko Melendez, ang kaibigan nitong si Cesar Gella, at ilang movie reporters. Si Aiko ang dating kasintahan ni Mayor Meneses. Nag-ugat ang demanda dahil sa umano'y pagpapasimuno nina Aiko at Cesar ng paninirang-puri kay Mayor Meneses sa pamamagitan ng pagpapakalat ng blind item na kumukuwestiyon sa kasarian ng alkalde. Lumabas ang alegasyong ito sa live interview ni Mayor Meneses kay Cristy Fermin sa showbiz talk show noong Linggo, April 24. (Read:
Bulacan mayor on ex-gf Aiko: 'Kailangan siyang turuan ng lesson') Hindi sinabi ni Mayor Meneses at ng abugado nito kung sino ang iba pang sinampahan nila ng kaso, at hindi sila nagbigay ng kopya ng affidavit na isinumite dahil nasa prosecution daw muna ito. Bukod kay Mayor Meneses, nagsampa rin ng katulad na kaso si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque. Madamay ang alkalde ng Pandi sa kumalat na umano'y paninira laban sa kanila na nagsimula sa palitan umano ng direct messages sa Twitter account ni Aiko at ng kaibigang si Cesar. Naunang nag-file si Mayor Roque at hindi na ito nagpa-interview. Ang abugado lamang nito na si Atty. Noel Roxas ang nagbigay ng statement na apektado ang kanyang kliyente sa kumalat na mga alegasyon.
AMA NG BULACAN. Tipid ang mga pahayag ni Mayor Meneses tungkol sa isyu nila ni Aiko. Nakapag-file na raw sila at bahala na raw ang nasa prosecution kung aakyat ang naturang kaso. Aniya, "Basta ako nandito ako para ipaglaban ang aking pagkatao bilang ama ng bayan ng Bulacan. "Siyempre marami ang naniniwala sa akin. Nandiyan ang aking bayan na nasa aking mga balikat. "Sa pamilya ko, na nandiyan lahat na nakasuporta sa akin, na huwag naman sana basta na lang siraan di ba?" pahayag ni Mayor Meneses. Dagdag pa niya, "Alam naman nila ang kredibilidad ko, na nandiyan sila para suportahan ako. "Imagine, na for how many years na nakaupo ang aming pamilya. "Gaano katagal na inaalagaan ng aking mga ninuno ang kanilang apelyido tapos nasira lang, di ba, ng ganitong klaseng alegasyon?" Nagulat na lang daw si Mayor Meneses nang inilabas ito ni Cristy nang mag-guest siya sa Paparazzi nung nakaraang Linggo. Hindi naman daw niya basta hayaan na lang na wasakin ang kanyang pangalan.
PERSONA NON GRATA. Sinamahan si Mayor Meneses ng alkalde ng iba pang municipalities ng Bulacan. Kasabay nito, may ibinaba silang resolution na idedeklarang "persona non grata" ang mga taong sangkot sa likod ng paninirang-puri sa dalawang mayorâsina Mayor Meneses at Mayor Roque. Suportado ito ng mayor ng 21 municipalities ng probinsiya ng Bulacan. Hindi nila binanggit kung sina Aiko at ng mga kasamahang sinampahan ng kaso ang kanilang tinutukoy dahil hindi pa naman daw umaakyat ang kaso. Ayon kay Mayor Meneses, apektado na rin daw ang kanyang pamilya sa mga nangyari kaya pursigido itong ituloy ang isinampang kaso. Nanghinayang din si Mayor Meneses na umabot sa ganitong gulo ang nasirang relasyon nila ni Aiko. Mahigit tatlong taon din daw ang kanilang pinagsamahan at nakakapanghinayang na hindi ito umabot sa altar. "Too bad na hindi umabot sa altar. Unfortunately, na hindi umabot sa altar," seryoso niyang tugon.
AIKO STILL MUM. Samantala, nananatili pa ring tahimik si Aiko. Wala pa rin itong inilabas na statement kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya ng dalawang alkalde ng Bulacan. Sa Twitter account nito, nagpapasalamat lang si Aiko sa mga magagandang mensaheng ipinarating at bilang suporta na rin sa kanya. Huling post nito: "Guys, thanks for your msg of support will prepare for a dinner with my good friends, Pepsi Herera and Edwin Tan." -
Gorgy Rula, PEP